Chapter 1 The beggining

997 Words
"Isabelle, congratulation at naka-graduate ka na!” pangangamusta sa kaniya ni Sister Ara. “Akala ko kasi ay hindi ka na makatatapos ng iyong pag-aaral.” “Naku, kayo naman po Sister,” wika ni Isabelle. “Nagpapasalamat nga po ako at dahil po sa inyo nakapagtapos po ako,” habang bitbit nito ang bungkos na bulaklak na ibinigay sa kaniya ni Sister Ara. “Basta iha,” untag ni Sister Ara. “Kung may kailangan ka man ay maaari mo naman kami kausapin at kung sakali man na maghanap ka nang trabaho ay may kakilala kami sa manila na maaari mo naman pag-applayan doon,” kasabay nang pagngiti ni Sister Ara sa kaniya. “ Ganoon po ba Sister,” wika ni Isabelle na tanging ngiti ang sumisilay sa kaniyang mga labi. “Salamat po Sister Ara! Kung gano'n ay hindi na po ako mahihirapan nang maghanap ng trabaho,” malambing na tinig ni Isabelle na walang patid ang tuwa nito sa mga Sister na kausap niya. “Oh, halina na kayo nang makakain na tayo ng handa, tiyak akong magugustuhan mo ito Isabelle,” wika ni Sister Ara. “Sister, hindi n'yo naman kailangan na maghanda dahil ayos lang naman sa akin ang makita ko kayong masaya sa pag-graduate ko,” paglalambing ni Isabelle at mahigpit na yakap ang iginawad nito kay Sister Ara. “Isabelle, alam ko naman buhat ng bata ka pa ay mahal na mahal ka namin ni Sister Nora. Alam ko naman na kapag dumating ang oras na umalis ka dito ay susuportahan ka pa din namin sa lahat nang desisyon mo,” masayang bulong ni Sister Ara sa kaniya. “Salamat po at palagi kayong naka-suporta sa akin.” “Oh! Ano na hinihintay ninyo kumain na kayo? Habang mainit-init pa ang niluto kong nilagang baka.” "Wow ang sarap naman po nito," wika ni Isabelle. Pagkamangha ang namutawi kay Isabelle. Kasunod nang mabilis na pagkuha nito ng pinggan at kutsara. Alam kasi ng mga Sister niya na paborito nito ang nilagang baka at madalas na ito ang inihahain sa kaniya mula ng siya ay bata pa. “ Isabelle!” untag nitong muli. “Ano na plano mo? Luluwas ka ba ng manila? Gusto mo ba tawagin namin ang kakilala namin para magsimula ka na?” sunod-sunod na tanong ni Sister Ara. “Sister, hindi na po,” wika ni Isabelle. “Ako na lang po ang bahalang maghanap nang angkop na trabaho para sa sarili ko at sobra-sobra na po ang mga tulong ninyo sa akin. Gusto ko naman po na matutunan sa sarili kong pamamaraan,” tanging batid ni Isabelle habang isinusubo niya ang natitirang ulam sa kaniyang bibig. “Basta mag-iingat ka doon Isabelle! Kung may problema man ay tumawag ka sa amin at mag-text man lang para alam namin kung na saan ka,” pag-aalalang wika ni Sister Ara. Ito na kasi ang tumayong mga magulang niya simula nang makuha siya ng mga ito sa isang bakanteng lote. Namatay ang mga magulang ni Isabelle sa isang aksidente at ang tanging naiwan lang na palatandaan sa kaniya ay ang kuwintas nito. “Isabelle Morales Clavio,” ang tunay niyang pangalan kaya naman iyon din ang sinunod ng mga nag-alaga at kumopkop sa kaniya. Halos maghahating gabi na din natapos ang kanilang kasiyahan. Madami din kasi siyang nakasama sa graduation na nagsilbing magulang din nila sa bahay ampunan. “Maggagabi na at kailangan nating matulog.” “Oo, tama ka nga Sister Ara,” untag ng isang Madre na kasama nila. “Alam namin na maaga pa kayo bukas para sa inyong pagluwas,” wika ni Sister Ara. “Sige po, Sister Ara, mauuna na po akong umakyat sa aking silid,” walang patid ang kasiyahan ni Isabelle dahil sa wakas ay unti-unti na din niyang matutupad ang kaniyang pangarap. “Tanging iyon na din kasi ang na pagdesisyon ko na pag-alis, mas maganda ang maagap sa huli at habang tinatahak ko ang hagdan paitaas ay walang batid ang aking pagkangiti dahil sa awa ng diyos ay naka-pagtapos ako ng aking pag-aaral na kahit dalawang taon na kurso lamang. Kumuha kasi ako na related sa computer para kahit paano ay may natapos ako. Excited na din ako makarating ng Manila, buhat kasi noon ay hindi ko lamang ito napupuntahan at sabi kasi ni Sister mas madaming tao at maiingay doon, hindi katulad dito na halos tahimik ang mga tao sa kabayanan, dito ako lumaki sa Batangas may s'yudad din naman pero hindi ako gano'n kadalas pumunta dahil na din sa layo nito at may kamahalan din ang pamasahe, baka nga ihulog ko na lamang iyon sa aking alkansya. Matapos kong makaakyat ay mabilis naman akong nagtungo ng banyo, upang maglinis ng aking katawan. Kasunod naman noon ang paghiga ko sa kama, kahit na may kabasaan pa ang aking buhok. Inilaylay ko na lang sa gilid ng aking kama kahit na may kahabaan ito.” “Ano ba ito? Madaling araw na!” tanging wika ni Isabelle sa kaniyang sarili at malamig na dampi ng hangin ang kaniyang nararamdaman. “Umaga na pero hindi talaga ako dalawin nang antok, kaya naman minabuti kong magtungo sa balkonahe upang makalanghap ng sariwang hangin doon. Natatanaw ko pa ang bilog na bilog na hugis ng buwan at ang liwanag nito ay halos tumama sa aking harapan. Napatulala na lang ako sa itaas nito dahil sa ganda at liwanag na aking nakikita. Minsan ay naiisip ko na sana naging buwan na lamang ako para kahit malayo ka man at maliwanag ka man sa mata ng taong nakapaligid sa'yo ay umaapaw pa din ang iyong liwanag sa kagandahan,” tanging bulong ni Isabelle, habang yakap-yakap niya ang kaniyang sarili dahil sa lamig nang hampas ng hangin sa kaniyang katawan. “Susubukan kong tuparin ang mga pangarap ko na kahit hindi ko man kayo nakagisnan ay walang sino man ang maaring humadlang sa mga pangarap ko,” wika ni Isabelle at ang lamig na kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD