Chapter 2 The Preparation

2631 Words
Isabelle Clavio POV “Maaga akong nagising upang paghandaan ang nalalapit na oras ko papuntang Manila. Sa isip ko ay halong kaba ang aking nararamdaman dahil hindi ko naman alam kung, ano ba ang naghihintay na kinabukasan ko doon? Mahirap man ay kailangan kong harapin ang nakausong na buhay para sa akin. Lumabas ako ng aking silid dahil tapos na din naman akong magligpit at mag-ayos na maaari kong dalahin patungo doon. Masaya naman ako dahil hindi ko akalain na ipagluluto pa ako ni Sister Ara ng adobong manok.” “Isabelle!” wika ni Sister Ara. “Halos walang himpis naman ang kaniyang ngiti sa akin lalo na ang iba kong kasamahan sa bahay ampunan dahil kahit kailan ay hindi ko man lamang inisip na iba ako sa kanila na tanging maayos na pangangalaga sa amin at pinalaki nila kami nang may respeto at paggalang sa kapwa. Naupo ako sa isang maliit na upuan dahil masikip na din sa kusina. Maraming bata ngayon na kinupkop nila na katulad kong ulila na din lubos at habang masarap kong tinitikman ang niluto nila. Isang tawag naman ang aking natanggap mula sa aking kaibigan.” “Isabelle! Ano nakaalis ka na ba? Sa akin ka na sumabay papunta din kasi ako doon para magbakasyon,” wika ni Ellaine sa kabilang linya ng cellphone nito. “Ha? Talaga! Salamat naman kung gano'n Ellaine, dahil kahit paano makatitipid din ako sa dala kong pera. Maghahanap pa kasi ako ng trabaho doon para naman kahit paano maranasan ko naman tumayo sa sarili kong mga paa,” bulaslas na ngiti ni Isabelle. “ Sige, kung gano'n, maari mo ba akong mahintay sa labas ng gate n'yo ni Sister, para naman makita kaagad kita,” untag ni Ellaine at mabilis na pagsakay nito sa kaniyang sasakyan. “ Dali-dali akong umakyat ng aking silid, matapos kong makausap ang aking matalik na kaibigan.” “Sister!” tanging malakas na tawag ni Isabelle sa kanila habang dala nito ang kaniyang maleta, hindi naman ito kalakihan dahil kakaunti lang naman ang mga damit na kaniyang dala-dala. “Isabelle! Wala ka na bang naiwan? Sigurado ka ba na lahat nadala mo!” wika ni Sister at pagtanaw nito sa papasakay na si Isabelle. “Maayos na po lahat Sister Ara! Marami po salamat sa lahat nang kabutihang nagawa po ninyo para sa akin. Hinding-hindi ko po iyon malilimutan,” kasunod ng mga luhang unti-unting nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata. “Palagi mong tatandaan na kapag may problema ka o, ano pa man ang mangyari? Huwag kang mahihiyang tumawag sa amin, Isabelle! Alam mo na isa ka sa mga anak namin dito sa ampunan,” kasabay nang pagkaway ng mga kamay ni Sister Ara. “Naiintindihan ko po Sister! Mag-iingat din po kayo at lalo na po ang inyong kalusugan,” wika ni Isabelle “Huwag mo na kaming isipin pa, dahil kaya namin ang aming mga sarili,” paghalik at pagyakap ng mga ito kay Isabelle. “Isabelle! Halika na!” malakas na tinig ni Ellaine at kasunod nang pagdungaw nito sa bintana ng kaniyang sasakyan. “Natitiyak kong aabutin tayo ng traffic kapag tinanghali pa tayo nang pag-alis,” wika ni Ellaine, habang ang sinag ng araw ay dumadampi sa kaniyang mukha. “Sister Ara,” bulaslas ni Isabelle. “Kailangan ko nang umalis, baka abutin pa po kami ng traffic patungong Manila.” “Mag-iingat ka,” tanging wika ni Sister Ara. “Patakbo ko naman tinungo ang labas ng gate kung saan naroroon si Ellaine. Suot ko ang fitted floral dress na above the knee sa akin, hindi ko akalain na magugustuhan ko ang makulay na asul at halos bumagay sa mapuputi kong balat.” “ Mag-iingat ka, Isabelle!” untag muli ng Madreng nakatanaw sa kaniya sa 'di kalayuan nito. “Ilang sandali pa ay narating na namin ang Manila mula sa Batangas na halos matulala ako sa mga nagtatayugang mga gusali na aking nakikita.” “Wow! Ang laki naman ng mga building dito Ellaine!” tanging wika ni Isabelle, habang nakasilip siya sa bintana ng kotse nito. “Ano ka ba? Huwag mo nga ibuka ang bibig mo at baka pasukan pa iyan ng langaw!” bulaslas ni Ellaine. “Hindi mo ba alam na mas maganda pa din sa atin sa Batangas. Tahimik at payapa ang kapaligiran, samantalang dito mga usok lang ng sasakyan tapos busina at maraming tao ang iyong maririnig sa totoo lang!” bulaslas niya kay Isabelle habang seryoso ang mukha nitong nagsasalita. “Ayoko naman talaga umuwi dito sa Manila!” pagmamaktol ni Ellaine. “ Paano ba naman? Pinilit lang ako ni Daddy, kaya napilitan lang din naman akong magtungo dito sa Manila.” “Isabelle!” wika ni Ellaine sa malakas nitong pagsigaw. “ May kausap ba ako? Kanina pa akong nagsasalita pero abala ka sa pagmamasid sa mga matataas na gusali sa labas.” “Wika nito sa akin habang tulala kong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin building sa Manila.” “Ellaine! Huwag mo naman akong gulatin,” untag ni Isabelle. “Bakit ba gandang-ganda ka sa mga gusali na 'yan? Eh, halos mas maganda pa ang tanawin natin sa Batangas! Sariwa ang kapaligiran tapos mga matatayog na kakahuyan at bulubundukin na iyong matatanaw sa 'di kalayuan,” wika ni Ellaine at kasunod nang pagdampot nito sa isang notebook na nakatago sa loob ng kaniyang bag. “Oh! Basahin mo para naman aware ka, sa mga taong makikilala mo dito sa Manila. Sabihin mo naman ay hindi kita nabilinan,” pabagsak na abot nito kay Isabelle. “Matagal ko nang kilala si Ellaine, kaya naman halos nakasanayan ko na ang kaniyang ugali kaya para sa akin wala lang 'yon,” mahinang wika ni Isabelle sa kaniyang sarili. “Sandali, ano ito?” bulaslas na tanong ni Isabelle at kasunod nang pagbaling nito sa notebook na kulay itim na natatalian ng isang mahaba at kapirasong tela. “Matapos ko itong basahin ay kaagad niya itong kinuha, basta ang tanging natatandaan ko lang ay isang salita na aking nabasa,” wika ni Isabelle sa kaniyang isipan. “Don't talk to strangers.” “Ano nabasa mo na ba?” tanong ni Ellaine sa kaniya. “Alam mo kaya ko binigay sayo ang notebook ko para naman ay 'di ka mabiktima, dahil dito sa Manila ay maraming mapagpanggap kaya minsan napapahamak,” wika nitong muli. “Oo, alam ko na!” untag na lamang ni Isabelle, habang hindi mapawi ang bawat tingin niya sa mga gusaling kaniyang nakikita. “Naramdaman ko na lamang ang paghinto ng aming sasakyan sa tapat ng isang magandang gusali nasa totoo lang ay hindi ko alam kung anong mayroon sa loob na 'yon. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ellaine na hindi ko namalayang nasa labas na siya ng aming sasakyan. Marahan kong binuksan ang pinto ng kotse at kasunod nang pagtungo ko sa likod ng comparment ng kotse ni Ellaine. Subalit akmang kukuhanin ko na ang mga maleta nang biglang pigilan niya ang aking mga kamay.” “Isabelle!” wika ni Ellaine. “Mamaya mo na kuhanin 'yan! Pakiramdam ko kumakalam na ang aking sikmura,” ngiting untag muli nito sa kaniya. “Kumain muna kami sa isang Food Restaurant bago pa niya ako maihatid sa aking tutuluyan na kakilala ng mga Madreng nag-alaga sa akin sa bahay ampunan. Si Aling Mel, siya ang gagabay sa akin habang wala pa akong nahahanap na maayos na trabaho. Isa pa nag-iisa din ito sa kaniyang bahay, kahit na may katandaan na ito ay hindi mo makikitaan nang kahinaan sa kaniyang katawan. Malakas pa ito dahil nagagawa pa nitong maglaba at gumawa nang ibang gawain sa loob ng bahay. Marahan kong binuksan ang isang silid na aking nakita ngunit tanging mga lumang kagamitan lamang ang mga nakalagay doon. May mga antigong kabinet at bagay na kahit luma na ay hindi mo iisipin na pangit sa iyong mga mata.” “Anak, dito ang iyong silid!” tawag sa kaniya ni Aling Mel. “Naayos ko na iyan noong isang araw pa at pasensya ka na kung may kalakihan ang kuwarto mo.” “Naku wala po iyon! Nakakahiya nga po sa inyo, dahil napakalaki naman po kasi nito para sa akin at sa katunayan po 'yan, maari naman po ako sa maliit na silid lang.” “Anak lima ang kwarto dito, at ito lang ang tanging p'wede kong ipagamit sayo. May kataasan ang silid doon kaya naman ay hindi ko na din naayos ang ibang gamit,” wika ni Aling Mel. “Gano'n po ba! Ok, na po ito sa akin, salamat po Aling mel.” “Nahiga ako sa isang malambot na kama at tulad nga ng k'warto ko sa bahay ampunan mayroon din itong balkonahe. Ang kaibahan lang ay may kaliitan ang silid ko doon. Tinungo ko ang balkonahe na naroroon sa aking silid, tanging nag-iilawan ang makikita ko sa 'di kalayuan, habang sumasabay naman ang mga bituwin sa mga ito. Kaya naman kahit madilim ang paligid ay nanatiling maliwanag parin ito. Nakaramdam na lamang ako nang antok ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng aking silid ay napansin ko ang isang natatanging building doon. Kakaiba ito kumpara sa mga nakita kong gusali na aking nadaraanan. Mukha itong mamahalin dahil sa ganda nang pagkakagawa nito. Sa taas noon ang kakaibang kulay na ilaw ang iyong matatanaw. Minabuti ko nang ihinto ang aking pagmumuni-muni nang magbukas ang pinto ng aking silid.” “Gabi na anak! Matulog ka na at mayroon ka pa bukas na apply,” wika ni Aling Mel. “Subalit napansin ko ang isang envelop na kaniyang ibinigay sa akin.” “Ano po ito, Aling Mel?” tanging tanong ni Isabelle at may halong pagtataka sa mukha nito. “Naku anak! Ayokong mahirapan ka kaya humingi na lang ako nang tulong sa aking kakilala, kaya heto tanggapin mo,” ani ni Aling Mel. “Kaagad ko itong binuksan at laking pagtataka ko dahil isang recommendation ang aking nabasa.” “Anak, kailangan mo agahan bukas para sa iyong bagong trabaho, basta ang tanging hanapin mo lang ay si Mr.Lance Sebastian. Mabait iyan anak at bukas p'wede ka nang mag-umpisa,” kasunod nang pagngiti at paglisan nito sa silid ni Isabelle. “Nakatulala na lamang ako sa paglabas ni Aling Mel sa aking silid at ang pagsarado nito ng pintuan, hindi ko na din nagawang magtanong pa dahil alam ko naman na pagod din ito maghapon sa gawain sa loob ng bahay. Binasa ko muli ang papel, dahil hindi ko naman alam kung saan ba ako pupunta. Isang malaking pangalan lang sa gitna ang aking nabasa. Northern International Company, ang nakalagay sa hawak kong papel, dahil hindi naman ito pamilyar sa akin ay kaagad ko itong ni-research, kung ano ba ang kumpanya na aking papasukan? Nabigla ako sa aking nabasa dahil isa pala itong sikat na kumpanya, hindi lamang dito sa pilipinas. Kung hindi hawak din nito ang ibat-ibang mamahaling hotel sa ibang bansa. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa kaba at takot na baka hindi ako makapasa, ngunit nabago ang iniisip ko dahil sa hawak kong papel. Ang sabi ni Aling Mel ay hanapin ko lang si Mr. Lance Sebastian at maaari na akong mag-umpisa,” tanging wika ni Isabelle. “Tanghali na akong nagising dahil na din sa paninibago ko sa aking bagong tinutuluyan.” “Sh*t! Sh*t!” “Ano ba ang oras na?” tanong at pagmamadali nitong pagbangon sa kaniyang kinahihigaan. “Napa-balikwas na lamang ako sa orasan na aking nakita sa tabi ng aking kama. Halos nakalipas na ang alas–s'yete pasado na ng umaga (7:30 am), ngunit ang nakalagay sa aking recommendation ay exactly alas–otso pasado (8:30 am), kaya naman ay kaagad kong tinungo ang bathroom sa loob ng aking silid.” “Naku! Late na ako,” bulaslas na tinig ni Isabelle. “Patakbo akong lumabas ng aking silid, kahit na hindi pa ako nakapag-ayos at naka-pagsuklay ng aking buhok.” “Anak! Napahimbing ang tulog mo, mahuhuli ka na,” untag nito kay Isabelle. “Oo, nga po, Aling Mel. Mauuna na po ako at baka abutin pa po ako ng traffic sa daan. Ngunit, bago pa ako makalabas ng pinto ay isang supot ng tinapay ang ini-abot sa akin ni Aling Mel.” “Sige na! Dalhin mo na 'yan at alam ko naman mahuhuli ka na, basta mag-iingat ka at huwag ka masyadong magmadali anak. Kumain ka kapag nakarating kana doon.” “Salamat po Aling Mel, iyon na lamang ang aking naisagot dahil oras na din ang aking hinahabol. Nakasakay na ako ng taxi pero napahinto ito nang masiraan ng gulong ang aking sinasakyan.” “Manong, matagal pa po ba 'yan!” wika sa pagtataka ni Isabelle. “Pasensya ka na Miss. Pumutok kasi ang gulong, hindi ko namalayan nang papaalis tayo kanina. Mag-abang ka na lang ng ibang taxi at huwag mo na din akong bayaran, dahil hindi naman kita naihatid,” ani ng Manong Driver sa kaniya. “Nasa tabihan kami ng isang highway na halos dalawampung minuto (20mins) na lang kasi ang oras na natitira sa akin, wala pa din na taxi ang humihinto sa aking tapat at kasunod nang pagtatanong ko kay Manong Driver.” “Manong, matanong ko lang. Malayo ba dito ang Northern International Company?” tanong ni Isabelle, habang palinga-linga siya sa mga dumadaan na mga sasakyan. “May kalapitan na din Miss. Baybayin mo lang ang kahabaan ng highway na ito at lumiko ka sa bandang kanan. Pagkatapos may makikita ka na Coffee Shop sa likod at katapat doon ang kumpanya na hinahanap mo, mga sampung minuto (10mins), siguro ay makararating ka na,” wika ni Manong Driver, habang nakaturo sa direksyon kung saan ang tungo ni Isabelle. “Kaagad ko naman itong tinungo na halos mangalay at manakit na ang aking paa sa pagtakbo dahil na din sa suot kong highheels, kaya naman puro sugat ang aking natamo sa aking mga paa.” “A—aray! Ang sakit talaga!” “Ilang sandali pa ay tanging kasiyahan ang bumungad sa aking mukha nang makita ko ang Coffee Shop na sinasabi ni Manong driver. Hay! Salamat narating din ako sa wakas at sa 'di kalayuan lamang nito ay matatanaw ko na ang kumpanya na hinahanap ko. Dali-dali at patakbo ko naman tinawid ang isang highway na katapat lang ng aking kinatatayuan. Muli kong tinungo ito ngunit habang papatawid ako sa aking patutunguhan— “A—ahhh!” “Pagkagulat ang namutawi at takot sa aking sarili nang muntikan na akong masagasaan ng isang itim na sasakyan. Maganda ito at mukha talagang mamahalin. Dinampot ko naman ang mga papel na aking na bitawan dahil sa aking pagkagulat, pero nang isa-isahin ko ito ay isang mabangong amoy ang aking nalanghap, napapapikit ako sa sensasyon na parang pumapasok iyon sa aking katawan habang aking naaamoy. Napatigil na lamang ako nang magsalita ito sa aking harapan.” “I'm sorry, Miss,” pagtitig nito kay Isabelle. “Next time be careful," wika nito. “Napaangat na lamang ako nang tingin sa kaniya habang suot nito ang kulay itim na sunglasses na talagang bumagay sa kaniya. Halos mamula naman ako at matulala dahil sa pagkangiti niya sa akin. May angking kag'wapuhan ito at makikita mo sa kaniya ang dimples at mapuputing ngipin nito. Matangos ang ilong na halos para kang kakabahan sa kaniya, hindi sa takot kung hindi sa taglay niyang karisma na kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kaniya. Bigla ko na lamang hinanggit ang kapirasong papel na hawak niya at patakbong nilisan ko ito. Hindi na din ako lumingon pa at nagsalita dahil late na din naman ako sa aking pupuntahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD