Natigilan si Brent sa pangaasar ko. Nakita ko kung pano nanigas yung panga nya at kung pano unti unting nawala yung kulay sa mukha nya. Nakatitig lang sya sakin ng madiin na parang gusto nya kong kainin ng buhay. Alam kong gustong gusto nyang sumigaw na hindi na nya ex si Valerie at ako lang yung babae nya pero wala syang magawa. Nakatingin sakanya sina Tatay Nestor at Nanay Yolanda na naghihintay ng sagot. Dahil ayaw nyang mabuking yung totoong namamagitan saming dalawa at ayaw nyang maghinala yung mga magulang ko wala syang nagawa kundi ang dahan dahang tumango. "O-Opo Pare," pilit na sagot ni Brent. Halos pabulong na yung boses nya sa sobrang inis. "Ex ko po sya." Pagkarinig na pagkarinig ni Valerie dun sa pag amin ni Brent bigla nalang syang napatili ng malakas sa loob ng sala na

