"Tapos na ang break time mo Mia. Sa loob ka kumain. May pag uusapan tayo. Ngayon din." Malamig at puno ng awtoridad yung boses ni Brent. Mahigpit yung hawak nya sa kamay ko at pilit nya kong hinihila patayo mula sa pagkakaupo ko sa maliit na lamesa. Ramdam na ramdam ko yung panggigigil nya. Yung mga mata nya nakatitig ng sobrang sama kay Carlos na parang anumang oras ay susuntukin nya ito sa mukha. Pero imbes na sumunod at magpadala sa paghila nya ay ginamit ko yung buong lakas ko para bawiin yung kamay ko. "Ano ba!" inis na sigaw ko sabay hablot ng palad ko mula sa hawak nya. Namula yung braso ko dahil sa higpit ng hawak nya pero wala akong pakialam. Tinignan ko sya ng masama. "Kakaumpisa ko palang kumain ah. Break time ko ngayon at karapatan kong magpahinga. Wag mo nga akong hihil

