Rica POV
"Unge-unge..."
Nagising si Rica sa iyak ni baby Amelia tinignan niya kung anong oras na 2am pa lang ng umaga kaya pala parang madilim sa labas.
Pinuntahan niya si Amelia at kinarga na parang hinihele
"Bakit umiiyak ang baby Amelia ko. Aaah"
Saad niya dito
"Gusto mo ng gatas? Baby Amelia" tanong niya dito
"Ang kyut-kyut mo talaga hihihi"
parang na wala ang antok na kanyang nararamdaman dahil sa kakyutan ng bata.
"Dito ka lang muna ahh magtitimpla muna si mama ng gatas aaah" saad niya at binaba sa duyan si Amelia
"Wag kanang umiyak babalik ulit si mama"
Tumigil sa pag iyak ang bata na parang naintindihan nito ang sinabi ni Rica.
Dali-daling bumaba si Rica papuntang kusina upang mag timpla ng gatas. Pagkatapos niyang mag timpla ay umakyat agad siya.
"Andito na si mama ito na gatas mo Baby Amelia" saad niya sa sanggol.
"Diyan ka lang at maghahain muna ako ng pang almusal aah"
Bumaba na siya at naghilamis nagsimula na rin siyang magluto para agahan, Kumain na din siya at nag hugas na ng pinagkainan niya at hindi namalayan ni Rica ang oras.
"Ala-sais na pala ng umaga haays" saad niya sa sarili
Pumunta siya sa taas ng kwarto upang tignan kung gising na si Amelia.
"Ang himbing naman ng tulog ni Baby Amelia" saad niya sabay halik sa pisngi nito.
"Maligo lang si mama aah"
Natapos na siyang maligo at mag damit ay gising na rin si baby. Pinaliguan niya din ito at pinasyal sa labas upang masinagan ng araw.
Yan ang araw-araw na ginagawa niya sa nag daan na taon at na sanay na rin siya na gumising ng maaga maghanda ng almusal at paliguan ang bata.
17 years later
"Amelia kakain na! Bumaba kana dito" tawag niya kay Amelia habang nag aayos ng plato sa mesa.
"Sandali lang po mama" sigaw na saad ni Amelia
"Dalian mo diyan" sigaw ni Rica
"Opo ma"
Amelia POV
Nag aayos siya ng gamit dahil ngayon ang Alis nila ng kanyang mama lilipat na kasi sila bahay.
Homeschool lang siya simula nung una kaya ng sabihin ng mama niya na lilibat sila ng titirahan at hindi na siya mag homeschool ay sobrang saya niya.
Aayt! Bago ko pala makalimutan ako nga pala si Amelia Santos 17 years old mahilig ako sa sports, mahilig din ako kumanta at sumayaw hehehe ang dami kong hilig no hahaha
Bumalik lang sa realidad si Amelia ng tawagin siya ng kanyang mama upang Kumain na.
"Amelia kakain na! bumaba kana dito"
Sigaw na tawag sa kanya ng mama Rica
"Sandali lang po mama" sigaw niyang balik dito
"Dalian mo diyan"
"Opo ma" sigaw niya olet.
" si mama talaga sigaw ng sigaw hahaha"
Napatawa na lang siya sa ginagawa nilang mag-ina.
Natapos niya na din magligpit at mag ayos ng gamit.
"Hay sa wakas tapos na din hehehe. Kapagod" habang pinupunasan niya ang kanyang pawis.
Tumatakbo na tumatalon siya pa baba ng hagdan
"Diyos kong bata ka wag ka ngang tumakbong bata ka baka mahulog ka I di kaya matapilok" saad ng kanyang mama si Rica.
"Opo opo ito na po hindi na po tatakbo hahaha" masayang saad nito at naglalakad na lamang pababa.
"Oh siya halikana at kakain na tayo. Malapit ng dumating si mang canor at rosalinda kaya dalian mo diyan" saad ng mama niya
"Opo ma" sabay upo at kumain.
Si Mang canor ay ang driver nila at si Manang rosalinda naman ay ang tumutulong sa paglinis ng kanilang bahay.
Si Mang canor at Manang rosalinda na rin ang nag grogroceries para sa kanila malapit din ang loob niya sa dalawa.
"Ma ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan natin" saad niya dito.
"osige at lalabas muna ako malapit na rin sina Mang canor dito" saad ng mama niya
Nagtaka si Amelia kung pano nalaman ng mama niya na malapit sina manong dito
"aaah baka nag text kay mama" bulong niya sa sarili".
Natapos na siyang maghuhas ng plato ay umakyat na siya sa taas upang ibaba ang kanyang maleta at iba pang gamit at pati na rin gamit ng kanyang mama.
Alam niya na din ang katotohanan na siya ay ampon lamang ng kanyang mama Rica at nakita niya lang ako sa gitna ng gubat habang siyang pa uwi na galing kabilang bayan. Sinabi kasi ng kanyang mama Rica nung siya ay 12 years nung una hindi niya matanggap at na galit siya sa mama Rica niya pero kalaunan ay natanggap niya na rin ang katotohanan.
Thankful nga siya na si mama Rica niya ang nakahanap sa kanya dahil minahal siya nito ng buong-buo na parang dugot laman niya ako na parang siya ang nag luwal sa akin.
Sinabi rin sa akin ni mama Rica na wag akong magtanim ng galit sa puso ko sa mga tunay kong magulang dahil baka may mabigat lang daw itong rason kaya ginawa nila ito o ito ay para sa ikakabuti ko.
Kaya hindi ako galit sa mga tunay kong magulang ang totoo nga ay nasasabik akong makita at mayakap sila.
"Amelia tara na, medyo malayo layo ang biyahe kaya halika na" sigaw ng mama Rica niya.
Doon lang siya bumalik sa realidad.
"andiyan na po mama" masayang saad niya.
Mamimiss niya ang bahay na ito at mas excited siyang makasalamuha ng iba pang tao bukod sa Mama Rica niya at kayna Mang canor at Manang rosalinda.