Prologue
Rica POV
Pa uwi noon si Rica galing sa kabilang bayan ng may narinig siyang iyak ng isang sanggol sa kagubatan.
Medyo nagalinlangan pa siya nung una kung pupuntahan ba niya o hindi kasi sobrang dilim pero mas nanaig sa kanya na puntahan ito.
Kahit sobrang dilim wala siyang pagalinlangan na pumasok sa gubat upang hanapin ang sanggol.
Sinundan niya ang iyak ng sanggol hanggang siya ay napadpad sa gitna ng kagubatan at may nakita siyang nag iisang malaking puno at doon niya nakita ang isang sanggol sa loob ng isang basket na nakatabi sa puno.
"Mahabaging dagat! Sino Ang nag Iwan sayo Dito?" tanong niya na alam din niyang walang sino ang sasagot sa kanyang tanong.
Tumingin-tingin muna siya sa paligid kung may tao ba o wala ng wala siyang makita ay binuhat niya ang basket at nasilayan niya ang magandang Mukha nito halatang galing sa mayamang pamilya ang sanggol dahil sa suot nitong damit na may naka ukit na pangalan "Amelia" at kwintas na hugis bituin na nagniningning.
"Kay gandang pangalan Amelia " na mamangha at masayang saad nito habang nakatingin sa sanggol na ngayon ay natutulog na ng mahimbing sa bisig niya.
"At kay gandang bata" masayang saad nito.
"Simula ngayon ako na ang mag aalaga sayo Amelia at ituturing kita na parang tunay Kong anak" masayang wika nito.
Habang karga-karga niya ang sanggol may Isang tao ang nakatingin sa kanya na naluluha.
Anonymous
"Anak ko, Amelia patawarin mo ko kung hindi Kita kayang protektahan ngayon pero pina-pangako ko hahanapin Kita sa takdang panahon" umiiyak na Saad ng isang babae na nakatago sa malayo.
" Alagaan Mona Sana at mahalin ang aking anak. Rica"
Umalis na ang babae dahil nararamdaman niya na malapit na ang humahabol sa kanya kanina
"Hanggang sa muli mahal Kong Amelia" naglaho na lang bigla ang babae.
Rica POV
Tumaas ang balahibo ni Rica ng humangin ng malakas alam niya kung ano ang dumaam sa kanyang gilid kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang gamit at tumakbo habang karga-karga ang sanggol na si Amelia.
Pag-dating niya sa bahay agad niyang sinigurado na nakasara ng maayos ang pinto at bintana bago siya umakyat papuntang kwarto upang ilapag ang sanggol sa kama.
"Dito ka lang baby Amelia, mag titimpla muna ako ng gatas mo aah..." Saad niya sa sanggol
Para namang naintindihan ng sanggol ang kanyang sinabi at parang tumatango-tango ito habang nakatitig lang ito sa kanya.
Ngayon lang niya na pansin na ang Ganda ng mata nito kulay pula at dilaw. Sa kulay pa lang nito alam niya na kung anong klase ang batang ito hindi ito normal.
Dahil hindi din siya normal na tao pero kahit pa man wala siyang pag aalinlangan na alagaan ito.
Bumaba si Rica upang ipag timpla ng gatas ang sanggol buti na lang at mahilig siyang uminom ng gatas.
Pagkatapos niyang mag timpla ng gatas ay at iniwan muna ito sa isang palanggana upang hindi masyadong mainit.
Kumuha siya ng palanggana upang mag lagay ng maligamgam na tubig upang pang punas sa sanggol.
Nakapag luto na rin siya ng dinner para pag katapos niyang patulugin ang ay kakain na lamang siya.
Hinanda niya na ang mga gagamitin at siya ay umakyat na sa taas pag dating niya sa kwarto nakita niya na masaya itong naglalaro na akala mo ay may kalaro siya.
"Ang saya naman ng baby Amelia ko hahaha" nakangiting saad nito.
"Pupunasan muna Kita aahh. kaya wag kang malikot baby Amelia at pagkatapos nito ay aayusin ko muna kung saan ka matutulog. ok" saad ni Rica sabay laro sa pisngi nito sa sobrang cute.
Natapos ng palitan ng damit at na ayos na rin ni Rica ang ginawa niyang duyan para kay baby Amelia.
"Baby Amelia, tulog ka na aah."
"tulog na baby, tulog na baby........" kinakantahan niya ito
Pag kalipas ng ilang minuto ito ay naka tulog na hinalikan niya ito sa pisngi at bumaba na upang Kumain.
Habang siya ay kumakain na iisip niya ang magulang ng sanggol madami siyang katanungan sa isip na kung 'bakit nila ito iniwan sa gitna ng gubat' 'may nangyari ba' ang dami niyang bakit.
Sa kakaisip niya hindi niya namalayan na tapos na pala siyang Kumain.
"hay nako napalalim ata ang pag iisip ko". saad niya sa kanyang sarili .
"Kahit ano mangmangyari ituturing kitang parang anak ko Amelia." saad niya sa kanyang isipan.
Bago niya pala makalimutan siya pala si Rica Santos 32 years old wala siyang nobyo hindi niya hilig ang umibig dahil nakita niya na kung pano maging hibang, masaktan, manhid at iba pa dahil lang sa pag-ibig kaya hanggang ngayon ay wala siya partner takot siyang mag mahal at masaktan pero pina-pangako niya sa kanyang sarili na mamahalin niya ng buo ng wagas si Baby Amelia.
May negosyo siya sa kabilang bayan na kahit hindi na siya mag trabaho don ay ok lang.
May pera naman siyang natanggap buwan-buwan. Mag isa na lang siya sa buhay kaya laking pasalamat niya na siya ang nakakita sa sanggol.
Tapos na siyang maghugad ng pinggan, maghilamos at mag palit ng damit.
Bago siya matulog tinignan niya muna saglit si Amelia ang himbing ng tulog ng sanggol.
"Goodnight Baby Amelia, Mahal na mahal Kita" sabay halik niya sa pisngi ng sanggol.
Hindi niya namalayan na siya ay nakatulog na pala.