Mabilis lumipas ang mga araw at panay paghahanap sa mayabang na 'yon ang inaatupag ko. At maniniwala ka ba? Hindi ko siya makita sa kahit saang sulok ng school. Kaya't heto ako't sinusubukan paring balikan iyong mga lugar kung saan kami 'di inaasahang nagkikita pero hanggang ngayon ay bokya parin ako. Akala mong bounty hunter akong naghahanap ng nagtatagong pugante eh.
Malapit na ako doon sa may shortcut papuntang tambayan ng napahinto ako sa paglalakad pagka-aninag sa dalawang lalaking nagu-usap. Baka mamaya kung sinong holdaper nanaman ang mga iyon. Sinabi ko na kasing hindi na ako dadaan dito eh. Kasalanan 'to nung mayabang!
Ng mas makalapit pa ako't naaninag ng mas malinaw iyong mga mukha nila'y para akong nakakita ng ilaw mula sa dulo ng mahabang tunnel. Yung mayabang iyon ah? Sigurado ako!
Muntik ko pang naituro ang ungas sa kasiyahan ko. At akalain mong hindi niya binubugbog ngayon iyang kasama niya?
Lalapitan ko na sana siya ng bigla-bigla'y narinig kong medyo napalakas ang boses ng kasama niya. Nagtago ako sa isang poste at sinilip sila.
"Nagma-mainam nanaman iyong si Monching. May inangkin pa nga daw na lugar malapit dito?" sabi ng lalaking kasama niya sabay buga ng usok mula sa sigarilyo nito.
"Kung sino talagang may kaunting koneksyon siya pang nagma-mataas." Iling nung mayabang.
Sabay silang ngumisi ng kasama niya ng magpatuloy sa usapan nilang hindi ko naintindihan. Tungkol yata iyon sa paga-angkin at koneksyon o ano.
Umalis narin 'yung lalaki pagkatapos nitong maubos ang sariling sigarilyo. Nakita ko na lamang ang palitan nila ng tapik sa braso matapos. Nagpatuloy sa paglalakad yung mayabang at sumunod naman ako sa kanya.
Mukha namang hindi niya ako nahahalata.
Hayup na yan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa na-acquire na stalker skill o ano.
Lumiko sya sa isang eskenitang maliit. Sumunod padin ako ngunit pagka-liko ko'y wala na sya kaagad. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap kung nasaan sya napunta. Ngunit napasinghap na lang ako ng may biglang tumulak sa akin patungo sa pinakamalapit na pader. Ang braso niya'y naka-dikdik sa dibdib ko, malapit sa leeg.
"Sinusundan mo ba ako?" malamig at delikado ang boses niya. "Sinong nag-utos sa'yo?"
Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla kaya't hindi ako kaagad nakapag-salita.
Hindi nya ako marahil nakilala dahil sa suot kong sumbrelo at pananamit.
Mas lalu niya akong idinikdik ng hindi ako umimik. "Sagot!"
Napatalon ako sa sigaw niya kaya't natataranta akong napa-isip kung ano ang sasabihin.
"Ayaw mong magsalita?" may banta ng sabi niya sabay binitiwan ako.
Huh?
Tumingin ako sa kanya't mas nanlaki ang mga mata ko ng aktong umamba sya ng sapak.
"T-teka lang!" itinaas ko ang dalawang kamay ko sa pagsuko.
Natigilan sya sa kalagitnaan ng pag-suntok. Tinabig nya ang kama'y ko't mabilis na hinugot paalis ang sumbrelong suot ko.
Ng nag-angat ako ng tingin sa kaniya'y agad akong sinalubong ng malalamig at delikado niyang mga mata. Kumunot kaagad ang noo nya ng pilit akong ngumiti.
"Ikaw pala... K-kumusta na 'yung kamay mo?" napalitan ng ngiwi ang ngiti ko dahil sa tingin niya.
Nasulyapan ko ang pagkuyom ng kanang kamao nyang tinukoy ko.
"Hindi mo ba nakuha ang sinabi ko?"
Ilang sandali kong sinalubong at pinagmasdang maigi ang galit niyang mga mata.
"Hoy, weirdo narinig mo ba ko?"
"Gusto kitang tulungan." seryoso kong sabi ng hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Hindi ko kailangan." matigas niyang sabi sabay talikod sa akin. Mabilis syang humakbang palayo pagkatapos.
"Alam mo bang sa grades mo nakasalalay ang kinabukasan ko?" sinundan ko siya.
"Wala akong pakialam sa mga kondisyon! Tantanan mo ako!" walang lingong sigaw niya.
No, no, no. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng mawala ang scholarship ko! Dalawang taon nalang ga-graduate na ako! At hindi ko ma-imagine ang sarili kong magma-martsa sa ibang school para sa diploma ko kundi tanging sa school lamang na ito.
Paano ang taekwondo club? Paano ang mga kaibigan ko? Ilang taon akong nag-sumikap para lang maka-graduate sa isang elite school tulad nito para ano? Para mapunta lang lahat sa wala? No way!
Mas binilisan ko ang paglakad para lang makasunod sa kaniya. "Ano bang problema? tutulungan lang naman kita. That way, matutulungan mo rin ako! It's a win-win situation! Anong problema do'n?"
"Lahat!" sigaw niya sabay matalim na sulyap sa akin.
Inambaan ko siya ng hindi na siya nakatingin. Kainis to ah.
Nakaka-desperada naman ang ganito!
"Mawawala sa akin ang scholarship ko 'pag pumalya ang mga grades mo! Wala ka na bang pangarap sa buhay? Kasi ako mayroon!"
Wala syang pakialam. 'Di nya ako nilingon. Ah ganon ah? Sige, patigasan tayo ng ulo.
Nagpatuloy ako. "Alam mo, kung minsan naiisip ko kung ganoon na lang ba talaga kahirap ipasa para sayo ang unang taon ng senior year at kinailangan pang mag-bribe ng tito mo ng isang hamak na scholar katulad ko."
Hinintay ko ang reaksyon niya pero wala akong nakuha kaya't muli akong nagpatuloy. "Pang-ilang taon mo na ba to ng grade eleven? Siguro naga-alala na ang daddy mo na wala siyang mapagi-iwanan ng lahat ng pinaghirapan n—"
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakapakong muli sa pader. Hawak na niya ang panga ko't diretso ang bagsak sa akin ang malamig at galit nyang mga mata. Ramdam ko ang ikinaiba ng galit niya ngayon kumpara kanina dahil sa diin ng hawak niya sa panga ko.
"You sure know how to run your mouth."
Ang mga salitang gusto ko sanang sabihin ay naiwan na lamang sa ere ng bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya. Sa sobrang lapit nito'y naramdaman ko na ang pagtama ng ilong niya sa ilong ko. I can feel and hear the roughness of his breath too.
Nanigas na lamang ako sa mismong kinatatayuan ng pigil ang paghinga. Namimilog ang mga mata ko sa gulat. Sunod nito ang dahan-dahang paggapang ng takot sa akin. And boy was I startled that my heart hammers so freaking fast and loud!
Itulak mo! Sipain mo! Tuhurin mo!
Wala akong nagawa ni isa sa sinabi ng boses sa likod ng isip ko.
"Baka nakakalimutan mong lalaki parin ako." bulong niya. "And I don't have to be interested in you in order to violate you."
Ginapangan ako ng panibagong kaba na may kasamang kilabot ng maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko.
"You think I'm not capable of doing it here? Now? You're overestimating my patience."
What? Oh boy. What's that again?
Nanginginig ang mga kamay ko ng sa wakas ay sinubukan ko siyang itulak palayo.
Sinapo niya lamang ng isang kamay ang magkabilang braso ko, ang isa'y nanatili sa panga ko. Bumulong siya sa tainga ko matapos.
"Tingin mo may magagawa 'yang pagpupumiglas mo?"
Narinig ko ang nakakakilabot niyang paghalakhak.
"Wala."
Tila gatilyong kinalabit ang pag-atake ng tuhod ko para sana sikmuraan siya. Ngunit nasapo rin lamang niya iyon.
Madilim ang mukha nya't nandoon ang mala-demonyo nyang ngisi ng sunod nagtama ang mga tingin namin.
Hindi ko alam kung ilan ang galamay niya at kung gaano kabilis ang reflexes niya pero hindi talaga siya tao.
Jerzen. Noun. Isang uri ng mapanganib na lamang lupa. Makikita mo syang gumagala-gala sa syudad sa araw ngunit mas madalas sa gabi. Wala syang sinasanto sa mga binibiktima nya. Kaya kung ayaw mo ng pahamak, lalayuan mo sya.
Warning: You don't want to get involve with this creature.
"Learned your lesson yet?"
Nang tuluyan niya akong binitiwan ay agad akong bumwelo at pinatamaan siya ng suntok.
"Woah!" iwas niya lamang dito. "Okay."
Tinapunan ko siya ng matatalim na titig. "Ang sabi ko patigasan lang ng ulo!" Akalain mong may pagka-literal na bastos pa pala tong sang to bukod sa pagiging bully, bad tempered at yabang niya? "Wala ka man lang bang redeeming quality?"
Kumunot ng bahagya ang noo niya. "Pinagsasabi mo?"
"Tignan mo nga naman, kung sinuswerte ka..."
Sabay kaming napalingon sa lalaking humalakhak.
"Jerzen? Ikaw nga!" maligaya nitong anunsyo.
Napangiwi ako ng idura nya ang chewing gum sa kalsada. Binalingan nya ako ng tingin sabay napangising-aso. Madilim ang mukha nya't malalim ang itim nito sa ilalim ng mga mata. Hindi ko alam kung malayo ba ang edad namin o talagang mukha lang syang may edad na.
"Tss."
Kunot ang noo ng mayabang ng nasulyapan ko sya. Binalewala nya ako para harapin ang hindi kilalang lalaki.
"Monching... naliligaw ka yata."
Nilinga noong... Monching ang paligid at natawa. "Ikaw ang naliligaw kapatid..." ngumisi sya't isang pitik lang ay nagsilabasan ang ilan pang lalaki sa paligid.
Isa, dalawa, tatlo... halos manlaki ang mga mata ko ng makitang lagpas sampu silang lahat. May hawak pang dos por dos ang tatlo sa may bandang likuran.
Napahakbang akong patalikod ng humakbang ang dalawa mula sa harapan. Mukha silang handang manapak na ewan. Humakbang ulit ako ng isa pa't may nabunggo akong kung ano sa likod. Nilingon ko 'yon at bumulaga sa akin ang isang matangkad na lalaki. Nilayuan ko ito kaagad ng magulat ako sa mukha niyang halos puno ng piercing.
"Sino 'to, Zen? Kalaro mo?" ngumisi sa akin ang lalaki.
Bahagya akong nanginig at kinilabutan ng tinitigan nya ang buo kong katawan kahit naka-shirt at pants naman ako. Bukod sa nakakabahala niyang tingin ay sigurado akong dahil din ito sa ginawa kanina nitong lamang lupa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng repulsion ngayon sa opposite gender.
"'Di ko sya kilala..."
Laglag ang panga ko ng lingunin ko 'yung mayabang. Sinalubong lang ako ng malalamig nyang mga mata.
"Talaga?"
Napasinghap ako ng mabilis akong nalapitan ng lalaking matangkad. Huli na ng napagtanto kong hawak nya ang baba ko at maigi akong pinagmamasdan. Hindi ako nakagalaw.
"Hindi mo sya kilala? Ibig sabihin pwede akong makipaglaro sa kanya?"
I feel slightly abandoned ngunit mas nangibabaw ang kaba ko sa mangyayari.
"Pwedeng-pwede..."
Napalingon talaga ako doon sa mayabang dahil sa sinabi nya.
Ngumisi sya ng madilim habang nakatingin sa akin.
Alam kong galit sya sa akin pero kung wala siyang pakialam sa akin ay bakit pa niya kailangang sumang-ayon doon? Imposible talaga itong halimaw na 'to!
Walang-wala talaga siyang redeeming quality. Nasa negative lahat!
Binitiwan ako ng lalaki at diretso kong pinatama ang matalim kong tingin doon sa mayabang. Hindi nya ako pinansin at muling hinarap iyong Monching habang tamad na pumapamulsa.
"Pong, hayaan mo na 'yan... kung hindi 'yan kilala ni Jerzen, wala tayong mapapala d'yan." 'yung Monching.
"Mukha nga. 'Di nga yata babae ito..." at nilagpasan ako noong matangkad ng ganoon lang kadali.
Hindi na nila ako pinansin na para bang naging invincible na ako doon. At hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o manggugulpi dahil sa sinabi nya! Hayup na! Sinong hindi babae?
Napatingin ako ng 'di oras sa itim kong shirt, pants at sa kulay abong DC na paborito kong pang-skate.
Suminghap ako. Sa bagay. Parang tama siya don.
"Ang tagal kong pinaghandaan ang araw na 'to..." humakbang palapit iyong Monching dun sa mayabang.
Nanatili akong nakatunganga doon kahit mukhang hindi na nila ako kailangan sa ganap nila.
Narinig ko ang mahinang tawa nung lamang lupa. "Nakaka-touch ka naman, Monching..."
Luh.
Nagulat ako ng bigla nalang umamba ng sapak iyong Monching sa kanya. Akala ko matatamaan sya pero mabilis pa sa alas tres syang yumuko para mailagan iyon. Ni hindi ko nasundan kung paano sya nakapunta sa likuran nito. Napasinghap nalang ako ng nanuhod ang huli dahil sa malakas na pagsikong natamo nya sa likod.
Ang bilis talaga nitong lamang lupang to...
Naalerto ang mga lalaki't mukha ng pasugod. Lahat sila'y madilim ang tingin sa kanya.
"Boss Ching, ayos ka lang?"
Nagtaas ng kamay iyong Monching sa lalaking tutulong dapat sa kanyang tumayo. Hindi nya tinanggap ang tulong nito't tumayo syang mag-isa kahit bakas sa mukha ang iniindang sakit.
"Hindi mo ako pinapahiya sa mga tauhan ko, Jerzen..." dumura ito ng isang beses at muling sumugod.
Pinaulanan nya ng suntok iyong mayabang at kung hindi ilag ay sinasalag lang nya ito ng braso nya. Ilang sandali pa'y nakita kong sumenyas iyong Monching sa isang lalaking may hawak ng dos por dos. Nanggaling iyon sa likod nung mayabang. Isang mabagal at sunod-sunod na hakbang ang ginawa nito palapit sa kanya.
Nataranta ako lalu na ng makita kong mukhang walang ideya itong lamang lupa na ito na may pasugod sa kanyang baluga mula sa likuran nya.
Hindi na ako nag-atubili ng napasigaw ako ng, "Jerzen, sa likod mo!"
Nanlaki ang mga mata nya ng lingunin ako saglit matapos sapuhin ang sapak noong Monching. Hinila nya ang braso ng huli't ibinalibag sa lalaking aktong pasugod na sa kanya mula sa likod. Muli nya akong binalingan ng tingin. Gulat noong una ngunit unti-unting nangunot ang noo.
"Aba. Tignan mo nga naman ang 'hindi kakilala'."
Hindi ko namalayang halos karamihan sa kanila'y nakatingin na pala sa akin. Nilapitan ako kaagad noong matangkad na lalaking nagsalita.
Ikinuyom ko ang kamao ko't hinanda ang sarili ko sa pagsugod ng bigla-bigla ay sumalpak iyong matangkad na lalaki sa pader.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakaigting ang panga noong mayabang habang dinidikdik iyong matangkad na lalaki sa pader.
"Ito pala ang ibig sabihin sa'yo ng hindi kakilala?" tumawa iyong lalaki pero agad ding napadaing ng mas idikdik sya sa pader nitong mayabang.
Madilim ang sunod na tinging ipinukol nya sa akin. "Hindi ako tanga, alam ko... sana itinikom mo na lang 'yang bibig mo! tangina..."
Magsasalita palang sana ako ngunit mabilis na syang napayuko ng walang pasabing tumama ang dos por dos na hinampas noong isang lalaki sa kasamahan nyang lalaking matangkad. Pinagmumura sya nito't halos silang dalawa na ang magsuntukan.
Nawala sa paningin ko 'yung mayabang dahil sabay na napatingin sa akin iyong dalawang nagtatalo.
Napahakbang akong patalikod ng makita kong nagkatinginan sila at sabay na napangisi.
"Pong, Makoy, pangaralan nyo ang isang 'yan!" kahit hindi ko nakita, alam kong iyong Monching ang nagsalita.
Sya lang naman ang kanina pang nag-uutos sa mga taong ito... teka nga, ano ba sila? Mga adik? Mga sunog baga? May atraso ba sa kanila tong lamang lupa? Ay ewan ko ba! Ang alam ko lang dapat mapatumba ko silang dalawa! Juicecolored kailan pa ako nalagay sa comic book ng mga super heroes? Hindi naman ako si darna para pag-untugin ng gano'n kadali ang dalawang ito!
"Yes, boss. My pleassure."
Andaw? My precious? luh.
Ngumisi sa akin iyong kasama noong 'Pong' at inilabas nya mula sa bulsang nasa likod ang isang...
What the?! Balisong?
Patay.
"AAAAH!" I swear, halos ma-carried away din ako sa sigaw nya.
Sinugod nya ako ng pataga gamit ang balisong. Hoy, baluga ka! Hindi mo ako macha-chop-chop nyan!
Mabilis akong umiwas pero sinalubong ako noong matangkad na lalaki. Bago ko pa man sya masapak ay nahawakan na nya ang braso ko, sunod ang isa pa. Pumalag ako lalu na ng nakita kong pasugod nanaman iyong si 'My precious'. Ngumisi pa sya sa akin bago ibinaba ang balisong at itinapat sa sikmura ko.
"Puruhan mo, Makoy!" at talagang nag-cheer pa itong 'Pong'! Mga damuho.
Pumalag ako sa hawak sa akin pero mukhang walang tyansang makakawala ako sa higpit noon.
Mabilis na humakbang iyong Makoy at ibinuwelo ang balisong na hawak.
Inipon ko ang pwersa sa magkabila kong braso na hawak noong Pong. Pinigil ko ang hininga ko't bahagya kong iniangat ang magkabila kong paa't walang paga-atubiling sabay na ipinangsipa iyon sa pasugod na lalaki.
Tumama ang magkabilang paa ko sa dibdib nya't agad syang tumilapon. Hindi pa man ako tuluyang nakakaayos ng tayo ay binitiwan na ako ng lalaking may hawak sa akin kaya't napasalampak ako ng hindi ayos sa malamig na kalsada. Ininda ko kaagad ang balakang kong tumama doon. Shet ha! Para akong rarayumahin!
"Anak ng?!" nagtatangis ang galit sa mukha noong lalaking nasipa ko ng makita kong muli syang tumatayo.
Galit na galit sya ng sinugod nya ako, hawak parin iyong balisong nya. Muli ay pataga nya akong nilapitan.
Umikot ako mula sa pagkakaupo at diretsong tumayo. Aktong lilingunin ko palang iyong lalaking may hawak ng balisong ay nagdilim na kaagad ng panandalian ang paningin ko. Huli ko nalang namalayan na muli akong napahandusay sa lapag habang iniinda ang sakit sa likod ko. May kung anong tumama doon...
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang hilong nararamdaman. Plinano kong tumayo habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking palapit sa akin. Iyong matangkad ay may hawak ng dos por dos at iyong isa naman ay galit parin habang tinititigan kung saan iwawasiwas sa akin iyong balisong nya.
Kahit hindi magkanda-gulapay ay pinilit ko paring tumayo. Nakatayo ako't agad akong sinalubong ng wasiwas noong balisong. Instinct ang nagutos sa akin para ipang-salag ang kanang braso ko. Napapikit ako ng mariin ng ilang sandali ang makalipas at unti-unti kong naramdaman ang hapdi ng pagkaka-hiwa ng balat ko doon.
Halos umikot ang mundo ko ng muli kong ituon ang atensyon doon sa lalaking may hawak ng balisong. Nakangisi ngunit madilim ang mukha niya.
Napahakbang akong patalikod at napasandal doon sa poste. Naramdaman ko ang pagdanak ng dugo mula sa kanang braso ko. Kahit ilang beses kong ipilig ang ulo ko para matanggal ang hilo'y walang nangyari. Unti-unti lamang dumidilim ang paligid.
May narinig akong pagbagsak ng katawan at pagtilapon ng kahoy sa 'di kalayuan. Nahihilo ma'y sinubukan ko paring mag-angat ng tingin.
Isang sapak sa panga at tuluyan ng napatumba iyong lalaking may hawak ng balisong. Nilingon ako noong mayabang. Hindi ko na gaanong maaninag ang mukha nya pero napansin kong hinihingal sya. Humakbang syang palapit sa akin at tinitigan ang kung ano. 'Di ko na alam.
"Kung tawagin mo ako sa pangalan ko parang magkakilala talaga tayo... tss."
Pinagsasabi nito? Magkakilala naman talaga kami ah? At wala na syang magagawa kasi alam ko na kung sino sya. Wala na ring silbi kahit magpaka-misteryoso effect pa sya kuno dyan at magsabi ng mga cringy lines niyang, "Hindi mo ako kilala... at hindi mo ako gugustuhing makilala pa."
At biruin mo? kahit nahihilo ako nagawa ko pang magsalita dahil sa inis ko sa kanya? "Hibang ka ba?"
Humakbang pa syang muli palapit sa akin. Ibinaba nya ng bahagya ang mukha nya kaya't naging magkalebel ang mga mata namin. Bumulong sya ng, "Ikaw ang hibang sa atin. Ilang beses kitang binalaan pero hindi ka makaintindi. Paralisado ba 'yang utak mo?"
Gusto ko pa sanang umangal sa mga pinagsasabi nya pero unti-unti ng um-echo ang boses nya sa pandinig ko.
"Zen, I need to check her wound..." ume-echong boses ng isang lalaki sa likod nya.
"Paki-tignan din ang utak nya, Vin. Hindi kasi nagpo-proseso ng maayos." sabi noong mayabang sabay salo sa akin ng tuluyan na akong mawalan ng malay.