Naaninaw pa ng malabo ko ng paningin ang muli nyang pagtingin sakin. May sinabing syang kung ano hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.
Napa-igtad akong paupo ng magising ako mula sa panaginip ko. Grabe ang panaginip na 'yon ah. Parang totoo.
Nangunot ang noo ko ng makita kung nasaan ako nakahiga. Isang couch na hindi pamilyar ang cover. Teka lang...
"Hi! Hello!"
Napakapit ako ng di oras na sandalan ng couch habang nanlalaki ang mga matang napatingin sa lalaking bumulaga. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sakin.
"S-sino ka? Nasaan ako?" ginapangan ako ng kaba sa sitwasyong bigla kong kinasangkutan.
"You have been kidn*pped!" maligaya niyang anunsyo.
Haaa? kidn*pped? Teka sandali!
Natigilan akong bigla sa pagi-isip ng bigla siyang humalakhak. Tatawa narin sana ako kahit naguguluhan ngunit ang tawa ko sana'y nauwi sa pag-ngiwi dahil sa biglaan niyang pagsinghap.
Tumahimik siyang bigla sabay pinandilatan ako. "Kung gusto mo pang mabuhay, maghubad ka na..."
Nagsitaasan ang mga balahibo sa buo kong katawan ng pasadahan niya ako ng tingin. Hindi ako nagalaw kaagad. Kinalkula ko sa isip kung ilang hakbang ang kakailanganin ko para makatayo at makapag-fighting stance at masipa siya.
Napigil ko ang hininga ko ng paatake na siya. Hahakbang na sana ako ng bigla'y,
"Aray!" nasapo nya ang ulo ng may tumama ditong isang maliit na piraso kahoy. "Gago 'to, problema mo?" reklamo nito sabay baling sa bagong dating na lalaki.
"Cut it out, Braule." anito ng tuluyan kaming nilapitan.
"Tae. Wala pa nga akong ginagawa. Kj mo." nakasimangot itong lumayo sa akin.
Noon lamang napadapo ang paningin ko sa buong paligid. Baby blue ang kulay ng pader na syang pinarisan ng navy blueng mga couch. May flat screen TV akong nakita at ibang appliances tulad ng malalaking speaker at dvd player. May laptop at kung anu-ano namang gadget sa lamesa.
"N-nasaan ako?" tanong kong muli.
"Obvious ba? Nasa crime scene--AW!"
Nawiwirduhang napatingin ako sa dalawa.
"Kevin, tangina ka nakaka-rami ka na ah!" sigaw nya dahil sa ginawang pagbatok sa kanya ng isang lalaki.
"Manahimik ka." pinandilatan niya iyong Braule. Pero seryoso na ulit sya ng balingan nya ako ng tingin. "Nasa hideout ka namin."
Huh? "Hideout?" Mga pusakal ba sila? Adik? r****t? Nasa crime scene nga ba kami? Luh.
"Wait lang spell ko sa'yo. 'Hideout' as in Eych--a—araykupo!"
Napa-pikit ako ng kaunti habang napapangiwi ng muli syang binatukan 'nung Kevin. Ngayon ay mas malakas na.
"KEVIN! NAMO KA! Tara sa labas, ano?"
Tumingin sa kanya 'yung Kevin ng poker face.
"Namo ka rin. Ano ulit ibig sabihin ng manahimik? Paki-spell nga din, Braule?" kumunot ang noo nito. "Wala pa akong tulog. Kakatapos 'ko lang mag-review magdamag. Gusto ko ng magpahinga kaya manahimik ka, naintindihan mo?"
Suminghap 'yung Braule. "Wala ka pang tulog? Nagreview ka magdamag? Gusto mo ng magpahinga?" ulit nito sa sinabi nung Kevin. "MAMATAY NANG NAGTANONG OY!"
Nagsukatan ang dalawa ng tingin.
"Uh... pwedeng magtanong?"
Sabay na napalingon sila sa akin.
"Ano 'yon?" 'yung Kevin.
"Nasaan si—"
Bigla-bigla na lang nagsalita 'yung Braule bago pa ako matapos sa sasabihin ko. "Jerzen? Lumayas na kagabi pa. Ang sabi nya sa akin ka na lang daw. Ako na daw bahala kung san kita ilalako per kilo." Nasundan ko ang paglingon niya kay Kevin. Kunot noo itong huminga ng malalim at tila nalagot na ang huling pisi ng pasensya ngunit pinipilit paring kumalma. "Atsaka..."
Nanlilisik ang mga mata ni Kevin ng dumilat. "BRAULE!"
Napatalon ako sa pikong sigaw nito. Paglingon ko kay Braule ay wala na agad ito sa kaninang kinatatayuan.
"Atsaka aalis na talaga ako." Naroon na ito sa may pintuan, nakasilip. "Tangina mo, Kevin. 'Wag ka nang magpapakita sakin ng puyat ka. Papatulan talaga kita makita mo!"
"Mamatay nang nagtanong!" gaya niya sa sinabi nung Braule kanina. "Gago 'yon 'wag mong pansinin." Nakasimangot nyang sabi ng tuluyang mawala ang huli.
And seriously. Hindi ko alam kung kanino ako dapat mas matakot sa kanilang dalawa.
"Nagagalaw mo na ba 'yang braso mo? Nahihilo ka parin ba?"
Napatingin ako sa braso ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang may benda 'yon.
Saan ko nakuha ito?
Naalala ko ang panaginip ko...
Ibig sabihin, totoong nangyari 'yon?
"I have one question."
Napabaling ako ng tingin sa kanya ng biglang sumeryoso ang boses niya.
"Paano mo nakilala si Jerzen?" mapagmasid ang tinging ibinato niya sa akin.
"Uh..."
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Rather, hindi ko alam saan magsisimula. Paano nga ba kami nagkakilala? It's a disaster is what I can remember.
I heard him sigh.
"Never mind that." sabay pisil niya sa bridge ng ilong na malapit sa pagitan ng kilay habang nakapikit. "Curious lang ako kung paano ka na-involve sa nangyari kahapon."
Humikab siya at nag-umpisa nang humiga sa kasalungat na couch na inuupuan ko.
"Uh... thank you." tukoy ko sa pag-gamot niya sa sugat ko at pagpapatuloy narin sakin dito. "Pwede na ba akong umalis?"
Nakapikit siyang ngumisi at sumagot. "Of course."
Lumabas ako doong naguguluhan habang pilit na inaalala ang kabuuan ng nangyari kagabi.
Sino ang tumulong sakin? 'Yung mayabang ba na 'yon?
Tss. Imposibleng gawin nya 'yon. Ako tutulungan nya? Eh gigil na gigil nga sya sakin. Kulang na lang pigain at tirisin nya ako hanggang sa mawalan na ako ng buhay. Hinarass pa nga niya ako kagabi para lang maitaboy ako ng tuluyan.
Umuwi ako at sinalubong ako ng galit ni papa. Kesyo bakit hindi daw ako umuwi at bakit may sugat ako. Mabuti na lang at dumating si Pj at iniligtas ako. 'Di ko na alam kung ano ang idinahilan nya. Masyado na kasing pre-occupied ang isip ko sa pag-alala sa nangyari gabi.
Nauna akong lumabas sa gate ng bahay namin. Kinuha ko ang kwintas ni Jerzen sa bulsa ko at tinignan iyong mabuti habang hinihintay si Pj na lumabas sa bahay.
Saan ko kaya sya makikita ngayon? Kailangan ko ng maisauli 'to sa kanya ng hindi na sya nanggagalaiti sakin.
"Nica!"
Nabigla naman ako sa tumawag kaya agad-agad kong ibinalik sa bulsa ko 'yung kwintas.
"Tara!"
Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad. Half day na pero kailangan ko paring pumasok. Para maibalik ko na 'yung kwintas sa kanya. Ayoko kasi ng may kaaway.
Walang ibang laman ang utak ko buong maghapon kundi ang nangyari parin noong nakaraang gabi. Ewan ko ba... hindi ko talaga 'yon magawang maialis sa isip ko.
Hindi na ako nagbihis ng damit ng mag-uwian. Mabagal ang ginagawa kong paglakad kasabay ng maraming pauwing mga estudyante. Nagmasid ako sa paligid. Baka sakaling nariyan lang sya.
Unti-unting nauubos ang mga estudyante sa loob. Paunti ng paunti hanggang sa mawala na.
Napahinto ako sa paglakad. Mukhang hindi ko na sya makikita.
Binalingan ko ang likuran ko at saktong nahinto doon ang paningin ko.
Ang nag-iisang building na may bukas na rooftop...
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa building na 'yon. Dumiretso ako sa may rooftop.
I thought I'd see him there but he's nowhere to be found.
Nagbu-buntong hininga na lamang akong lumapit sa railings.
You can almost see the whole school premise from up here. Bukod sa ito ang pinaka-mataas na building sa buong school ay naka-pwesto rin ito sa pinaka-dulo. And here are the faculty rooms, locker rooms at maging ang principal's office. Kaya talagang madalas ako sa building na 'to dahil S.A. ako.
Tiningala ko ang padilim nang langit. Its colors are mixed blue, orange and purple. The color of twilight. And it's beautiful to look at from up here.
"Where are you?" wala sa sariling naibulong ko sa hangin.
"Hindi ka talaga nadadala, ano?"
Mabilis akong napasinghap sabay napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses nya.
He's here?
Agad kong nakita ang 'di kalakihang band aid doon sa gilid ng labi nya.
He is here.
"Ano bang... atraso mo sa mga lalaking 'yon?" tanong ko ng maalala ang nangyari kahapon.
Hindi sya umimik. Tinitigan lang nya ako.
"Palagi ka bang... nakikipag-sakitan?"
Hindi ko alam kung bakit ko sya tinatanong ng ganitong mga bagay. Para namang may pakialam ako sa kanya? 'Di ba nga, daw, hindi kami 'magkakilala'?
Ngumisi siya sa pagtataka. "Ini-interrogate mo ba ako?"
Napakurap ako ng ilang beses. "Curious lang."
Kumunot ang noo nya tsaka tamad na sinabing, "Trust me, you wouldn't want anything to do with me if you know how my world works out."
Ito nanaman siya sa mga linyahan niya.
Tinitigan ko sya ng maigi. "Bakit mo ako tinulungan?"
Nanliit ang mga mata nya sa akin. "Bakit? Nakokonsensya ka ba? Bukod sa may atraso ka na, nagkaroon ka pa ng utang na loob?"
Medyo... Pero, "Kung galit ka sakin, sana hinayaan mo nalang akong mamatay doon..." syempre hindi totoo 'yon 'no.
Hindi lang din kasi talaga ako makumbinsi hanggang ngayon na sya ang tumulong sakin. Biruin mo? Halos ipa-salvage nya ako tapos bigla-bigla tutulungan nya ako? Maniniwala ka ba?
"Bat 'di ko naisip 'yon? 'Di sana tuluyan ka nang nawala sa landas ko." ngisi niya.
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
He shrugged. "Anong problema mo? 'Wag mong sabihing ipagtutulakan mo parin sakin 'yang gusto nyo?"
"Alam kong maling nakialam ako sa'yo noong gabing 'yon... pero mali din naman 'yung ginawa mong panggugulpi do'n sa holdaper ng gano'n... kung sana kinuha mo nalang 'yung ninakaw nya sa'yo para--"
"Kung 'di ka nakialam nakuha ko sana pabalik 'yon 'di ba?" putol nya sa sinasabi ko.
"Gaano ba kaimportante 'yung kwintas mo?" Para halos pumatay ka ng tao dahil lang do'n?
"Wala kang pakialam." aniya, iritable na.
Naitikom ko ng mariin ang mga labi ko.
Ang taas at ang tibay ng mga pader na hinaharang nya sa mga tao. Kung hindi ka matibay, hindi mo 'yon magigiba.
"Paano kung sabihin kong sa'yong nasa akin 'yon?"
Sandali syang napakunot noo bago natawa.
"So kuntsaba kayo no'ng holdaper kaya mo sya tinulungan?"
Huh? "H-hindi!" halos mapahakbang ako sa kanya palapit.
"Sinasabi ko na nga ba..." Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Maigi niya akong pinagmasdan pagkatapos.
"Hindi naman talaga!" Nataranta akong bigla dahil sa mapang-akusa nyang tingin.
"At ngayon naisip mong ibalik yan sakin. Bakit, nakonsensya ka ba dahil tinulungan kita?"
"Sinabi ng hindi! Hindi man kapani-paniwala pero nakita ko 'to isang gabi--"
"Quit it! ibigay mo na lang sakin yan kung na sa'yo nga. Hindi ko kailangan ng eksplanasyon mo." iritable nanaman sya.
Ito na 'yon!
"O sige. Pero sa isang kundisyon."
Nangunot muli ang noo nya.
"At may kundisyon ka pa?" hindi makapaniwala nya akong tinignan.
"Pumayag kang maging tutor ako at ayusin mo 'yang pag-aaral mo."
Unti-unting nanliit ang mga mata nya habang mas ikinukunot ang noo sa akin.
"'Wag mo nga akong gaguhin." binulong na 'yon sa nagdaang hangin.
"Kung ayaw mo, madali akong kausap."
Tinalikuran ko sya't halos matawa ako sa mukha nyang halos mataranta. Nakaka-tatlong hakbang palang ako ng bigla syang magsalita.
"Saglit!"
Napangiti ako ng lihim.
"Siguraduhin mo lang... na na sa'yo 'yon."
Binalingan ko sya ng tingin. Tinago ko ang kasiyahan ko dahil hindi pa malinaw ang usapan pero! Shet! Ito na 'yon!
"So payag ka ng maging tutor ako? Mag-aaral ka ng mabuti?" nginitian ko pa sya at mas lalo syang nainis.
Ginulo nya ang buhok nya bago nagsalita.
"Oo! Masaya ka na?!" iritang-iritang sinigaw nya ito pero halos mapa-palakpak ako. "Now, give it back to me!"
YES! SA WAKAS! TAGUMPAY!
Halos mahalikan ko iyong kwintas habang kinukuha iyon mula sa bulsa ko. Ikaw lang pala ang sandatang kailangan ko sa digmaang ito! Ikaw lang pala... ang...
Unti-unting napawi ang ngiti ko ng ilang sandali ko ng kinakapa iyong kwintas sa bulsa ko ngunit wala akong nakapa ni singkong duling. Mata ko lang ang gumalaw ng tignan ko ulit 'yung mayabang. Kunot parin ang noo nya't masama ang tingin sa akin.
"Nasaan?"
Napalunok ako ng ilang beses bago ko inalis ang kamay ko mula sa bulsa. Napatingin sya ng masama sa kamay kong 'yon. Pero agad din akong binalingan ng mas matalim na tingin.
"N-naiwan ko yata dun sa b-bahay. Balikan ko lang ah? S-sandali lang ako promise!" agad akong tumalikod sa kanya. Nakakaisang hakbang palang ako ng malampasan ko sya'y nahigit na kaagad nya ang kaliwang braso ko't marahas akong hinarap sa kanya.
Nasalubong ko ang madilim at malamig nyang mga mata. Halos manlamig ang sikmura ko dahil doon.
"Sa lahat ng tao ako pa talaga ang napili mong pagtripan? Sa tingin mo makakatakas ka pa ngayon?"
"N-nasa akin naman talaga 'yon kanina—"
"Tang--Tumahimik ka na!" napatahimik ako sa sigaw nya. "Ang isang kasinungalingan ay hindi na dapat dinadagdagan pa ng isa pang kasinungalingan." mabigat ang paghingang ginagawa nya.
"Tapos ka na..." Humigpit ang hawak nya sa pulso ko.
Tinitigan nya ako... MURDEROUSLY!
Napapikit ako ng mariin ng makita kong ibinuwelo nya ang isa nyang kamao. Sasapakin ba nya ako? Sa daming beses nyang tinangkang gawin 'yon, ito na ba talaga ang totohanan? As in? Sheeeet!
Juicecolored, is this really the end of me?!
Ilang sandali ang lumipas at walang suntok ang napadpad sakin. Mabagal kong iminulat ang mga mata ko at doon ko sya nakitang madilim na tumatawa.
Hala! Anong nangyayari dito? Kanina lang parang papatay ng tao. Tapos ngayon nakangiti nang bigla?
"Gusto mong makabawi?"
Kinilabutan ako sa malamig at kahindikhindik niyang boses.
"Huh? Uhh... o-oo?" alanganing sagot ko.
Napasinghap ako ng biglang bumagsak sa magkabilang balikat ko ang mga palad nya. Inilapit nya ang mukha nya sa akin at mukhang wala syang magandang iniisip.
"Mabuti."
Hinila nya ako paalis sa rooftop at palabas ng building.
Nilinga ko ang paligid na wala na halos estudyante. Kanino ako makakahingi ng tulong?!
Binitiwan nya ako ng huminto sya sa parking space ng school. Muntik ko pang hindi masalo ang ibinato nyang helmet. Nagtataka ko syang tinignan habang sumasakay sya doon sa isang big bike. Muli kong nabalingan ng tingin ang helmet bago sya at nanlaki ang mga mata ko.
"S-saan tayo pupunta?" abut-abot ang kaba ko ng nabuhay ang makina ng motor nya.
Binalingan nya ako ng naialis na nya sa pagkakahilera iyong motor.
Mala-demonyo syang ngumisi sabay sabing, "Sa impyerno."