PART 10: Try hard

2399 Words
Kasalukuyan akong patungo sa principal's office dahil pinapa-tawag ako ng principal. At hindi ng acting principal kundi ng totoong principal, na siyang may-ari din ng school. Madalas kasi itong wala kaya kinailangan niya ng acting principal. Ang alam ko hindi lang ang school na ito ang pagmamay-ari niya. Kaya biruin mo? Sa kabila ng pagm-manage ng iba pa niyang business, nakuha pa niyang maging principal ng school niya? At bakit kaya ako pinapa-tawag? Anyways, hindi biro ang maging scholar sa isang elite school kung hindi kilala ang pamilya mo sa mundo ng business katulad ko. I don't maintain my image or status as much as I maintain my grades, 'di tulad ng karamihan sa mga schoolmates ko. Which is one of the reasons why I'm considered different bukod sa pagiging boyish ko. At weirdo. Sabi nga ng ilan. Whatevah. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Ng naaninag ko ang principal sa table niya ay ngumiti ako ng tipid. "Good morning po!" "Have a s--" "IKAW?!" "Ay chonggo ka!" Halos mapa-sipa ako sa sobrang gulat dahil sa sumigaw. Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng silid at doon ko nakita si kamatayan. Sa far end ng impyerno--este, office ng principal. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!!" Napa-pikit ako at halos mangati ang lalamunan ko sa muli niyang sigaw. Humakbang sya palapit sa akin ng namumula sa galit. Parang gusto kong mag-face palm ng maalala ko ang nagawa ko ng huling beses kaming nagkita. Nagsisisi na nga ako eh. 'Di ba halata sa mga bagahe ko sa mata? Sasakmalin na sana ako nung mayabang. Buti nalang nagsalita si Mr. Deguzman, ang principal. "Jerzen! Tone down your voice. You're at my office." Napalunok ako ng tinitigan ako ng masama nung mayabang. Maliwanag ngayon kaya kitang-kita ko ang features ng mukha nya. 'Di tulad nung gabi. Kaya mas nakakatakot ang ngayon. Isipin mo 'yung mukha ni Valak 'pag makita mo siyang naglalakad in broad daylight. Gano'n! "What the f**k?" bulong nito sa hangin ng galit paring i-iwas ang tingin sakin. "Okay... let's start. The two of you, please sit down." kalmado ng sabi ni mr.Deguzman. Nauna akong umupo doon sa may tapat ng table ni Mr.Deguzman. Tumingin ako sa mayabang at naabutan ko syang nakatingin sa akin ng masama. Napa-iwas agad ako ng tingin at nag-patay malisya. Ramdam ko ang matatalim niyang tingin hanggang sa padarag siyang maupo sa katapat na upuan ng inuupuan ko. Napalunok ako at napaisip kung paano niya ako papatayin mamaya. Kung 'di pa ako mamatay ngayon sa sama ng mga tingin niya. Mukha siyang predator at ako ang kawawang prey na pagpipyestahan niya mamaya. I shifted my weight dala ng kaba. "Jerzen!" Nanatiling matalim ang mga mata niya kahit nilingon niya si Mr. Deguzman. "I said stop that." sumulyap sa akin ang principal sandali bago nagbalik ng tingin sa kaniya. "Can you please set aside whatever misunderstanding you have? I need your full attention on the matter I am about to discuss." "You're dead after this." tila patalim niyang bulong. I gasp. Sapat bang pakinggan ko ang ano mang sasabihin ng principal para sa nalalabi kong sandali? O dapat tumatakbo na ako ngayon para sa buhay ko? Napa-buntong hininga na lang si Mr. Deguzman bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Ms. Rodriguez, I believe you are a scholar." "O-opo, sir." Itinuon ko na lang din ang atensyon ko kay Mr. Deguzman ng magsimula ito. Kahit pa sobrang naiilang ako't kinakabahan sa mga pamatay na titig ng tao sa harap ko. Nag-imagine ako ng invincible wall sa pagitan naming dalawa at sinubukan siyang balewalain. Ilang sandali at halos parang wala na siya sa loob ng kwarto. "And you have to work as a student assistant to take care for the miscellaneous fees." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tinignan niya ako ng Mabuti sa likod ng salamin niya sabay sabing, "Ms. Rodriguez, I have a deal for you. It's about your scholarship and sponsorship." "Ano po 'yon, sir?" kunot-noong tanong ko, nagtataka. Deal? I sure have scholarship pero sponsorship? "Say yes first and I'll discuss the details." formal siyang ngumiti. "Po?" Hinintay nya ang sagot ko. Nag-alinlangan ako sandali ngunit ng naisip na tungkol iyon sa paga-aral ko't hindi naman siguro iyon masama'y nabuo na kaagad ang desisyon sa isip ko. Madaya itong si Mr. Deguzman ah. "S-sige po." Napalitan ng kaswal ang ngisi niya at napahinga ng maluwag na para bang nabunutan siya ng tinik. "Okay, here goes. I need you to tutor my nephew." "Tutor po?" kung tutor, bakit ako? sa dami ng pera nila pwede naman silang mag-hire ng hindi estudyante? Anyare? "Yes. And just like you, he's also a senior student, grade eleven." Napatango ako, napapaisip parin. "Pero... bakit po ako ang napili nyo? I mean, pwede naman po kayong maghire..." Muli akong pinagmasdang mabuti ng principal. Nakagat ko ang labi ko at hinintay siyang magsalita. "I know. Let's just say that he doesn't like the idea." Napangiwi ako. Paano? 'Di nya pala gusto so paano ko sya itu-tutor? Gulo ah. "To tell you the truth, Ms. Rodriguez, aside from helping my nephew, I also want to help you... just a while ago, I evaluated your performances since your junior years... and I can see that you're a fine student." Uminit ang pisngi ko dahil sa compliment na natanggap galing sa principal. "We only have a few scholars here, yes? You know that for a fact. At sa inyong tatlo sa grade eleven na nasa lab high, ikaw ang nag-top. Now, did I explain it enough?" Wala akong nasabi't nagawa kundi ang tumango. Nakaka-flatter naman ito. Kahit tatlo lang kaming pinagpilian at kahit hindi ako kasali sa list ng naglalaban sa Valedictorian at honors, nakaka-flatter parin talagang makarinig ng papuri, lalu 'pag galing sa isang mataas na tao. "And by the way, I almost forgot, I just want to tell you that this is not going to be easy..." seryoso nya akong tinignan sa likod ng mga palad nya. Nagpakawala sya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Part of the condition is that... your scholarship will now be based on my nephew's grades. And I'm sorry to say pero 'pag bumagsak sya... you're going to lose your scholarship too." Nalaglag ang panga ko. "P-po? p-pero..." "But don't worry. 'Pag maayos ang mga grades nya't natapos nya kahit itong taon lang na ito, your scholarship will remain. And! All your expenses until you graduate from college will be sponsored by this school." Muli, nalaglag ang panga ko. Seryoso? Talaga? Huwaw! "T-talaga po?" nagningning ang mga mata ko. "Yes." ngiti niya. Sumabog ang confetti sa utak ko. Para akong nakakita ng rainbow at unicorn. Grabe! para akong naka-jackpot! "But remember what I told you. This is not going to be easy. Mati-test ang tyaga't pasensya mo dito." natigil ako sa pagbubunyi ng humalakhak ng kaunti ang principal. Humugot ako ng malalim na hininga. Kaya ko 'to. Para 'to sa kinabukasan ko pati na ng pamangkin ni Mr. Deguzman. Teka nga, bakit gano'n? ang gara pakinggan? Kinabukasan naming dalawa? Huh? "Saan po ang building ng pamangkin niyo? ano pong section sya? at ano po palang pangalan nya?" Binalewala ko ang mga iniisip ko kasama na ng lahat ng paga-alinlangan. Walang mangyayari sa akin kung pakikinggan ko ang mga 'yon. 'Di ako nyan magagawang I-sponsor-an hanggang college! "Oh. Seems like you already knew each other." maligayang sabi ng principal. Huh? paano ko naman 'yun makikilala? ni hindi ko nga alam na may pamangkin pala si mr.Deguzman. Pero teka... teka! at teka! Bakit parang may mali? 'Di ba isa lang ang kapatid ni Mr. Erick Deguzman? at yun ay si Mr. Jeric Deguzman. Pero paanong magkakaroon ng anak si Mr.Jeric? ang alam ko tumanda syang binata ah? "T-teka lang po pala, sir. Kung tama po ang pagkakarinig ko, sinabi nyo kaninang pamangkin ninyo ang itu-tutor ko. Pamangkin niyo po ba as in..." anak ni Mr. Jeric? "Pero paano pong..." Nagbuntong hininga ang principal sa mga tanong na hindi ko natapos sabay tingin sa akin ng seryoso. "Look, Ms. Rodriguez, whatever you discover here, stays in here, okay?" Tumango ako at napalunok. "Yes, sir." "Truth is, my brother is no longer a bachelor. May nagi-isa syang anak na lalaki." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr.Deguzman. Pero bakit nililihim ni Mr.Jeric ang tungkol sa anak nya? "Ms.Rodriguez, this is confidential. Tanging malalapit na relatives at connection lang namin ang nakaka-alam nito. So I'm hoping you'll keep it a secret. Can I trust you?" "O-opo. Huwag po kayong mag-alala wala pong... makakaalam." sagot ko kahit nagugulan. "My nephew tried so hard to win his father for years... and it seems like he's starting to get tired of it... or maybe he already did. But I don't want him to get tired... I don't want him to quit." bakas ang lungkot sa mga mata nya habang sinasabi nya ang mga iyon. He's trying to win his father? Kung ganoon, ano ang problema ni Mr. Jeric? ano ang posibleng nagawa sa kanya ng anak nya para gawin nya 'to? para hindi nya kilalanin? "Naiintindihan ko po... at pangako... gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para matulungan ang pamangkin nyo." sabi ko, determinadong tulungan ang taong tinutukoy nya. "Thank you... ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo Ms. Rodriguez. I hope you won't get tired of him." Tumango akong muli. Ngumiti si Mr.Deguzman. "Ms. Rodriguez, this is my nephew Jerzen Deguzman." Sabay maniobra niya sa lalaking nasa harap ko. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng gumuho ang invincible wall na tinayo ko sa pagitan namin at ng mapagtanto ko ang lahat... What... the... Anak siya ni Mr. Jeric Deguzman? At siya ang pamangkin ng principal? Jerzen Deguzman? Whut?! Maniniwala ka ba?! "Zen." Namimilog ang mga mata ko't hindi makapaniwalang pinagmasdan ang pamatay parin niyang pagtitig sa akin. I swear, parang naging ibang tao siyang bigla sa paningin ko. Anak ni Mr. Jeric Deguzman. Jerzen Deguzman. Pamangkin ni Mr. Erick Deguzman. Bakit kahit ilang beses kong ulitin ang katotohanang iyon ay hindi parin ako makapaniwala? "Jerzen," tawag muli ng principal. Hindi ito gumalaw. Mukhang nakabuo na sya ng sarili niyang mundo kakatitig sakin ng masama magmula pa kanina. Pero bakit nga ba hindi ko napansin? 'Yung pagtawag palang sa kanya ni Mr. Deguzman sa first name nya. At kung bakit sya nandito kung wala naman syang kinalaman sa mangyayari. UGH! "Jerzen! are you with us?" Mukha namang nagising mula sa katotohanan 'yung mayabang dahil sa medyo tumaas na boses ng principal. Nilingon nya ito, ngayon ay seryoso at malamig na ang mga mata. "What?" malalim ang boses nya't talagang malamig. "This is your tutor, Jhenica Rodriguez." Mabagal at talagang suspense akong binalingan ng tingin nung halimaw. Muntik ko ng marinig 'yung nakakatakot na background music ng magtama ang mga mata namin. Malinaw ang namuong galit sa mga mata nya. "MY WHAT?!" sigaw nya. Hay jusme! aatakihin ata ako sa puso. "AT SINO NAMANG MAY SABING KAILANGAN KO NG PAKIALAMERANG TUTOR?!" Tama nga ang principal. Hindi nga ito magiging madali... "Jerzen, listen to me. This is for you, for your dad. Nakalimutan mo na ba--" "What the f**k?! I'm not freaking stupid! at lalu hindi ko kailangan ng stupid na tutor!" sigaw nya ulit habang nakatingin sakin na para bang ako na ang pinaka hindi kapani-paniwalang bagay sa kalawakan. At hoy teka! sinong stupid? "Watch your language! I'm your uncle and you're still at my office!" nabahala ako ng nakita kong kumukunot at para bang sumasama ang loob ng principal. May altapresyon ba ito? Baka atakihin 'to sa puso! Nilingon ko 'yung mayabang. Naabutan ko syang kunot noong umiiling at para bang nakaka-stress lahat ng bagay sa mundo. "Yes, tito, and you... you don't decide things for me." kalmado pero galit parin nyang sinabi bago kami talikuran. Binalya nya ang pintuan ng makaalis sya. 'Di ko alam ang gagawin ko. Napapikit ng mariin ang principal habang hinihilot ang sariling sentido. Mukha syang stress. Nakaka-stress naman kasi talaga 'yung mayabang na 'yon. Biruin mo, nagmukha nga akong zombie nung nakaraan dahil sa kanya? Well, may kasalanan kasi ako sa kaniya so... "Excuse me po sir..." walang imik na tumango ang principal sa akin. Tuluyan na akong lumabas doon. Naabutan ko pang galit na galit 'yung mayabang habang nakatumba 'yung basurahan sa may corridor. Nagulat ako pero mas gulat ang mga estudyanteng sandaling napapahinto para punahin ang eksena nya doon. Mabilis ang hininga nya ng lingunin ako. Nag-igting ang panga nya bago ako tinalikuran. Nagdalawang isip pa ako pero sinundan ko din sya. Mabilis ang lakad nya kaya patakbo ang lakad na ginawa ko. "Sandali lang!" hindi nya ako pinansin. Dire-diretso nyang tinahak ang corridor, hagdan, hanggang sa mapunta sya sa rooftop. Hinihingal akong pumasok sa pinto. Pahakbang palang ako papasok pero hinigit na nya ako sa braso ko't mabilis na naisandal sa pader. Hindi ko alam kung hinihingal din ba sya o talagang mabilis parin ang paghinga nya dahil sa galit. Pagkabitiw sa akin ay nagtukod sya ng kaliwang kamay sa pader, sa gilid ko. Tinitigan nya ako, ngayon gamit na ang malalamig at seryoso nyang mga mata. "Tandaan mo 'tong sasabihin ko... Kahit anong gawin mo, hinding-hindi nyo ako magagago para sundin 'yang katarantaduhang gusto nyo." halos ibulong nya ito sa akin. "Sinubukan mo 'di ba?" pinantayan ko ng tapang ang mga titig nya. "Bakit ka sumuko? Bakit mo hinayaan na magka-ganyan ka?" "Anong pinagsasabi mo?" "Kung sumuko ka't ganyan ka na ngayon, then... you didn't try hard enough!" "Wala kang alam!" Nagulat ako ng bigla nyang ibinuwelo ang kanang kamao nya. Ang buong akala ko'y sasapakin nya ako ngunit dumapo iyon sa pader na nasa gilid ko. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang impact at mismong pagtama noon. Malakas at alam kong masakit iyon... "Hindi mo ako kilala... at hindi mo ako gugustuhing makilala pa." Nanggilid ang luha sa mga mata ko, hindi ko alam kung bakit. "Gusto kitang tulungan..." nanginig ang boses ko. Ibinaba nya ang magkabila nyang kamay at lumayo sa akin. "Hindi... hindi ako ang gusto mong tulungan kundi 'yang sarili mo." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tanging ang malalamig na mata lang nya ang sumalubong sa akin. "This is just all for your benefit. Kaya 'wag kang magpanggap." Tinalikuran nya ako at iniwang tulala doon. Nasapo ko na lang ang mga labi ko ng masulyapan ko ang patak ng dugo sa sahig ng rooftop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD