PART 9: My Bestfriend

2878 Words
Nanlulumo akong pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Halos magta-tatlong araw na kasi akong hindi makatulog dahil bina-bagabag ako ng konsensya ko sa nagawa kong kasalanan doon sa hambog na lalaki. Itinaas ko paharap ang magkabilang braso ko atsaka tumingin ng masama sa salamin. Grrr. Ayan. Pwedeng-pwede na akong cast ng isang horror movie. Sa laki ng eye bags ko hindi ko na kailangan ng prosthetics. Mukha na akong zombie'ng laging bangag. “Jhen, mali-late na kayo ni Pj bilisan mong kumilos!” Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni mama sa labas ng cr. Sabi ko nga mali-late na eh. Sabay kaming naglakad ni Pj patungong school. "Sa'n ang gala mo, bes? Ba't ang laki ng bags mo d'yan?" sabay turo niya sa mata ko. "Mag-around the district ako. Sama ka? Tara, bigyan din kita ng bag." nag-hand gesture ako sa kaniyang lumapit siya sabay amba ko. "Hoy! Hindi bag ang iiwan niyan! Black eye, imbis na eye bag!" tawa niya pagka-ilag sa sapak ko. "Ah iba pala." patay malisya ko tsaka nag-patuloy sa paglakad na parang walang nangyari. "I can't believe we've been together for more than half our lives now but I never grew tired of you and your antics." biglang sabi niya, sounding reminiscent all of a sudden. Mapang-asar akong ngumisi. "Oh. Gusto mong ipaalala ko sayo ang legendary tale ng batang duwag at iyakin na si Pj?" Sinamaan agad niya ako ng tingin. Grade three. Mga panahong kalaro, laruan at candies lang ang nagpa-pasaya sa amin. Walang tao ng magpunta ako sa playground. Tahimik na umupo na lang ako sa isang bench habang kinakain ang baon ko. Habang nginunguya ko yung sandwich ko, may nakita akong batang lalaki na matangkad sa di kalayuan. Naka-tayo sya sa harapan ng isa pang batang lalaking naka-upo sa lupaan. Lumapit ako sa kanila ng kaunti para malaman kung ano ang nilalaro nila. Hindi pa kasi ako nakakakita ng ganoong laro. "Akina sabi baon mo!" Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ng batang nakatayo. Bakit naman kaya nya gustong kunin ang baon nung bata? Wala siguro syang baon? Kawawa naman. "P-pero pag binigay ko 'yon, wala na akong kakainin." mangiyak-ngiyak na sabi ng batang nasa lupaan. Aalukin ko na sana yung batang nakatayo na share na lang kami ng baon ko. Pero napa-tigil ako dahil sa muli niyang pagsigaw. "Wala akong pakialam! Basta ibigay mo!" "Huy bata. Hindi ka ba tinuruang mag-please ng papa mo 'pag manghi-hingi ka?" Sabay na napalingon sakin ang dalawang bata. "Sino ka ba? Ba't ka nakiki-alam?" pinanlakihan ako ng butas ng ilong noong batang matangkad. "Jhenica!" ngiti ko bago mapa-kunot noo. "Hindi ba kayo naglalaro?" "Gusto mo ng laro? Tara sapakan tayo!" nakatingalang lumapit sa akin ang batang matangkad. Tiningala ko siya, "Sapakan?" Laro ba 'yon? "Oo! Bakit, takot ka no? Ano, tatakbo na--" "O sige." madaling payag ko. "Ang kaso di pa ako marunong sumuntok eh." Mula sa pagka-gulat ay bigla syang napahagalpak ng tawa. "Niloloko mo ba ako? Makikipag-suntukan ka sa akin tapos sasabihin mong hindi ka marunong?" Nakaka-tawa ba 'yun? Sa pag-sipa palang ang alam ko eh. Hindi pa ako tinuturuan ni papa kung paano ang tamang pag-suntok. Instructor kasi ng taekwondo ang papa ko kaya pati ako ay tinuturuan nya. Lumapit ako sa batang matangkad. Tawa parin sya ng tawa ng muli kong tiningala. Para na nga syang sinasaniban. Gutom na siguro siya. Kaya pala lagi akong binibilinan ni mama na ubusin ang baon ko. Para siguro hindi ako matulad sa batang 'to. "Hindi ka marunong sumuntok? Gusto mong turuan kita?" biglang alok ng matangkad na bata ng niyuko ako. "Okay!" mabilis ko muling payag. Nakita ko kung paanong namuo ang ngiti niya. Mukhang may bago nanaman akong kalaro! Ituturo ko naman sa kaniya kung paano sumipa! Narinig ko ang singhap ng batang nasa lupaan ng umamba na ang batang matangkad sa akin. Puro punching bag at pads lang pinagpa-praktisan ko. Ano kayang pakiramdam 'pag sa totoong tao na? Sumugod na siya sa akin. At dahil sa tangkad niya, madali kong naiwasan ang ginawa niyang suntok pagkayuko ko. Tumalon akong palayo sa kaniya sabay fighting stance ko na. Inangat ko ang kanan kong tuhod at pinihit ang kaliwang paa sabay extend ng kanang binti patungo sa bata. Tumama ang dulo ng paa sa baba niya na siyang dahilan kung bakit siya napatingala. "Front kick!" maligayang anunsyo ko. Ngunit ng muli kong tignan ang matangkad na bata ay wala na siya harap ko. Nagka-tinginan kami ng batang nasa lupaan ng matagpuan kong naka-bagsak na din ang batang matangkad sa lupa. Itinuro ko ang huli sa isa pang bata. "Bakit natulog? Ang sabi niya tuturuan daw niya akong sumuntok, ah?" tanong ko dun sa batang nakaupo. Napasinghap sya ng ihakbang ko ang mga binti ko palapit. "Hala, wag! Wag po! Ibibigay ko na sayo baon ko wag mo lang akong saktan please!" nakapikit nyang sabi habang nagtatago sa naka-ekis nyang mga braso. Napanganga ako sa reaksyon nya sabay napatawa. Mabagal nyang iminulat ang mga mata nya atsaka ako tinignan na para bang isa akong unknown creature. "Hindi naman kita sasaktan!" ngumiti ako. "Anong pangalan mo, bata?" siya nalang ang aayain kong maglaro. "P-Pj." sabi niya. "Ha? PPJ? Tatlo? Tatlo ang first name mo?" takang tanong ko. "H-hindi!" mabilis niyang angal. "PJ! Patrick John! Dalawa lang!" "Okay!" mabilis kong sang-ayon. "Gusto mong maglaro, Pj?" "A-anong laro?" Ngumiti ako. "Sipaan!" Sumigaw siyang bigla at nagtata-takbo palayo. Ako naman ay naiwan doon na napapa-kamot na lang sa sintido ko. 'Di ba laro 'yung sapakan? Edi laro din 'yung sipaan? Pinatawag sila papa sa school dahil sa nangyari. Kaya't iyon na ang una't huling beses kong ginamit ang skills ko sa taekwondo sa labas ng gym. Ang sabi ni papa, itutuloy lang daw niya sa akin ang pagtu-turo kung magp-promise akong hindi ko na iyon uulitin, habang nasa harap kami ni mama. Pumayag ako at sinunod ko siya. Kahit pa pag-uwi namin at nawalang saglit si mama ay tuwang-tuwa siya sa ginawa ko sa bata. Isang araw, may dumating na bisita sila mama sa bahay. Yung bestfriend daw nila ni papa noong highschool. Bagong lipat daw ang mga ito sa malapit na barangay kaya't naisipang dumaan sa amin upang makapag-catch up. Sinabi sa akin nila papa na mayroon daw anak ang mga itong kasing edad ko. At laking gulat ko ng malamang si Pj ang batang yon. Madalas na silang bumisita sa Bahay pagtapos noon. Sabay narin kaming umuwi at pumasok sa school. And so our friendship begins. Kahit noong una ay natatakot pa siya sa akin at kahit anong sabihin ko ay sinasang-ayunan niya. Pero akalain mong nagkaroon ng buto ang bata ng tumuntong kami ng grade four? "Siguro pumayag ka noon na maging alipin ko kung sinabi ko. Sayang!" panghi-hinayang ko. "Nevah! At ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako takot noon sa'yo?" tanggi niya. "Hoo talaga lang. Kaya pala tatlo ang first name mo?" mapang-asar akong tumawa. "P-PJ?" "I don't know what you're talking about. All I can remember is the cool part." kibit balikat niya. I snorted. "Saan ang cool participation mo d'on?" Nilingon niya ako sabay ngisi. "I'm talking about freshman year." "Bakit, kaya mo ba ako Pj? Ha? Ano?" taas noong pagma-mayabang nito. "Oo! Mamaya sa may gym, ano?" hindi napigilang nasabi ni Pj dala ng inis. "Sige ba. Iiyak ka lang naman. LAMPA!” humagalpak ito ng tawa matapos syang itulak mula sa noo. Pinuntahan ako ni Pj sa classroom ko ng mag-uwian at nagmamadali akong kinaladkad papunta sa gym. Hindi ko pa nga gaanong naaayos ang pagkakasukbit ng dala kong bag. "Hoy, teka nga! Bakit mo ba 'ko dinala dito? May inuutos pa sakin 'yung teacher namin!" inayos ko ang pagkakasuot ng bag pack ko ng makarating kami sa gym. "Eh kasi…" "Ano, Pj? Ready ka na bang tumakbo habang umiiyak?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaking nanggaling mula sa likuran ko. Nakita ko ang pagtawa nila habang humahakbang sila palapit sa direksyon namin. "Ano ‘to?" sabay lingon ko kay Pj. "Nica kasi…" "At nagsama ka pa? takot ka ‘no? Magsasama ka na nga lang babae pa at mukhang lampang tulad mo. Anong plano mo? Umiyak kasama ng babaeng yan at magmaka-awa sa amin?" nagtawanan nanaman sila. Napalingon ako kay Pj ng magsalita sya. "Kita mo kung gaano kaganda ang mga ugali nila?" sarkastikong bulong ni Pj sa akin. “Pero Pj—” “Nica, isa lang naman ang gusto ko. Ang matigil na sila sa pambu-bully’ng ginagawa nila. Sa akin at lalong-lalu na sa mga classmates ko. Dahil kung hindi pa sila mapipigil, malamang sa malamang mas dadami ang ibu-bully nila. Just teach them a lesson. Promise, hindi ko sasabihin kila tito. Walang kaluluwang makaka-alam kundi ang mga narito.” Napabuntong hininga ako. ‘Pag ‘di malaman nila papa okay lang? "Bakit ako ang kailangang magturo sa kanila? Anong kinalaman ko sa mga ‘yan?" bulong ko din sa kanya. "Nica… sige na, please. Isipin mo na lang kung ilang tao ang mas-spare mo mula sa kabugukan ng mga ‘yan. Takutin mo lang, sige na." Pinagsalikop niya ang magkabilang palad sa harap ng mukha na animong nagdarasal. Takutin? Ang tatangkad ng mga ‘to, takutin? Mukha ba akong amazona sa mata ng unggoy na ‘to? Sinamaan ko siya ng tingin. Nang aktong hahawakan niya ang braso ko’y umamba ako ng chop kaya’t natigil siya. “Oo na nga. Pero dadaanin ko muna sa usap. Baka may parte pa ng utak ng mga ‘to ang gumagana ng maayos.” He snorted, pigil ang tawa. Binalingan ko ang mga lalaki. “Pwedeng magtanong?” Natatawa, naglahad ng magkabilang palad ang lalaki sa ere. “Go on.” “May award ba kayong napapala sa pambu-bully? O sahod? Estatwa? Monumento? Curious lang.” “Are you trying to be funny?” ngisi niya. Walang gana akong umiling. “Obviously wala sa mga nabanggit ang napapala niyo. So what are you guys after, then? Dominance? What, may superiority complex ba kayo?” “I see why you bring this girl here,” tango ng lalaki sa direksyon ni Pj. “To provoke us? Well, guess what?” Namilog ang mga mata ko nang mabilis humakbang ang lalaki palapit sa amin. “It’s effective!” sabay akma ng suntok. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging singhap na lang ang nagawa ko. “Pj!” Sinalubong ako ng mga daing niya ng dinaluhan ko siya sa pagkakasadlak. Duguan ang gilid ng labi niya dahil sa tinamong suntok ng lalaki. Suntok na dapat ay sa akin. “Mananakit ka ng babae?!” nanggagalaiting sigaw niya sa huli habang sapo ang panga. Umalingawngaw sa buong gym ang malakas na halakhak ng lalaki. “Sino bang nagdala sa kaniya rito? ‘Di ba ikaw? Eh ‘di gusto mo siyang masaktan! Kasi alam mong ‘di mo kami kaya dahil duwag ka!” Pumikit ako ng mariin at sandali pang pinag-isipan ang gagawin. Ngunit nagulat ako nang biglang tumayo si Pj at tila isang kisap mata lang ang binilang ng dumapo ang kamao niya sa panga ng lalaki. Laglag ang panga ko sa nasaksihan. Si Pj ba talaga ang gumawa no’n? “Gago ka! Wala ka sigurong nanay! At ‘yung tatay mo paniguradong walang silbi dahil hindi ka naturuan ng tamang asal! Your bullying finally makes sense. Dahil galing ka sa basurang pamilya!” “Anong sinabi mo?” madilim ang mukha ng lalaki nang sinugod si Pj. Oh s**t. Wala na akong sinayang na sandali nang mabilis ko itong tinungo. At bago pa sya tuluyang makalapit muli kay Pj ay sumalampak na sya ng malakas sa lapag dahil sa ginawa kong pagpatid. “You fvcking cunt!!” rinig kong daing nya ng makatayo ako. Barumbado niyang binawi ang pagkakatumba at dali-dali akong nilapitan. Malapit na sana nya akong masakmal nang hinablot siya ni Pj mula sa ilalim ng magkabila niyang braso. Nagliparan sa hangin ang mga mura ng lalaki habang galit na galit na nagpupumiglas. "Nica, suntukin mo na!" Huminto ako sa harap ng nagwawala paring lalaki. Si Pj na nasa likod nito’y tumatango sa akin at nag-uudyok na gawin ko na ang dapat gawin. Nanatiling nakatingin samin ang mga kasama nya nang sinulyapan ko. Mukhang wala silang balak na makialam. Narinig ko pa ngang sinabi ng isa, “Ginusto mo yan Jojo. Tapusin mo!” Muli kong binalingan ang lalaki. “This is your last chance. Two choices: titigil sa pambu-bully o mababalian ng ilong?” Natigilan ang lalaki sa sinabi ko. Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay napahagalpak ito ng tawa. Luh. I gave him my sweetest smile. “Hindi ako nagbibiro.” Mas lalu lang lumakas ang tawa ng ungas. “What? This is your big plan all along? Ang takutin ako sa sapak ng babaeng ‘to? You gotta be fvcking kidding—” Napangiwi ako sa sakit ng kamao matapos dumapo ang suntok ko sa mukha niya. Napailing na lamang ako habang hinihilot iyon. Maligayang itinaas ni Pj ang palad sa ere. Sinalubong ko naman ‘yon para sa isang high five. Umalingawngaw ang mga tawa niya matapos. “Joke’s on you shithead!” aniya habang pinagtatawanan ang lalaking ngayon ay wala nang malay habang nakahandusay sa sahig. Muli akong napangiwi. Masyado yatang napalakas ang suntok ko. Kawawa naman. Hindi kasi madaan sa usap. Napapakamot sa sintidong napabaling ako ng tingin sa mga kasama nyang mga naestatwa sa kinatatayuan at laglag ang panga. “Ang yabang mo isang suntok ka lang pala!” Sa isang iglap ay sabay-sabay kaming napalingon nang umalingawngaw ang tunog ng isang pito mula sa taas ng mga bleachers. “What are you all doing?!” napaigtad ako sa sigaw nito at sa galit na aura habang lumalapit sa direksyon namin. Oh boy. “I saw everything. At kung hindi sa detention, sa discipline’s office ang bagsak niyo. Worse, you can all be expelled.” Mahinahon at seryoso anito ng tuluyang makalapit sya samin. Napakurap ako sa sahig ng ilang beses. Bakit hindi niya kami sinaway kanina pa kung nakita niyang lahat ‘yon? “Uh, sir—” "But I won’t do that." Napatigil si Pj sa pagsasalita at lahat kami ay nagtaka sa narinig. "Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko sa kalituhan. “I have my conditions. At hindi makaka-abot kung saan pa man ang nangyaring ito kung susundin nyo ‘yon.” Nagpalitan kami ng tingin ni Pj. “Under what conditions?” isa sa mga lalaki ang nagsalita. Ngumisi ito sabay sabing, “Stop your nonsense bullying. Highschool na kayo at hindi na mga bata.” Nagkatinginan ang mga lalaki matapos ay bahagyang napayuko na animong mga batang pinagalitan. “And you.” sabay turo sa akin. “You are joining the taekwondo club.” “Ako po?” naituro ko pa ang sarili ko. “Yes. You.” simpleng tugon niya. Napatingin silang lahat sa akin. At napatingin din ako sa kanila isa-isa. “Bakit parang ayaw niyo yata?” Sabay-sabay kaming dumaing ng apila sa coach. Humalakhak ito nang makuha ang gustong sagot. "That’s it then, case closed. I'll go ahead. Wala akong nakita." Balewalang kibit balikat nito bago nagtungo palabas ng gym. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas ay lumingon pa muna sa akin, "By the way, bumalik ka rito bukas at hanapin mo si coach De vera. Okay?" Wala sa sarili akong napatango. “And you guys. Make sure you handle your friend. ‘Pag nalaman ko na may isa sa inyong bumali ng napag-usapan natin dito, hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo.” ngisi niya sa mga lalaki. “Y-yes sir!” “Good.” kumaway pa ito bago tuluyang makaalis. “Akalain mong na-discover ka no’ng coach ng basketball? Artistahin?” tawa ni Pj. Plano ko na rin sana noon na mag-try out pero sa dahil sinwerte, hindi na kinailangan. ‘Yung coach ng basketball team na ‘yon ang pinaka-cool na coach na nakilala ko bukod kay papa. Sayang lang dahil wala na siya ngayon dito sa school. Pangisi-ngisi lang ako nang bigla akong matigil sa paglalakad dahil sa pagpigil sa akin ni Pj. “Bakit?” lito kong untag. “M-may…” “May?” Napalunok siya at hindi na niya kinailangang sagutin ang tanong ko nang sunod-sunod na umalingawngaw ang mga tahol. “Aso!!” sigaw ni Pj sabay takbo sa sobrang takot. “Hoy! ‘Wag kang tumakbo! Hahabulin tayo—ahh!!” napatakbo na lang rin ako nang mag-umpisa na nga sa paghabol sa amin ang aso. “PJ!” Kung hindi sana siya tumakbo ay hindi susunod ang asong ito! Ewan ko na lang kung bakit at paano ko siya naging crush matapos ng insidenteng iyon sa gym. “Mananakit ka ng babae?!” Oh boy. That line must’ve been the reason why. Biruin mong sa duwag niyang ito nagawa niyang sapakin ang bully’ng ‘yon dahil lang sa akmang sapak sa akin? Ang hingal ko’y nahahalinhinan na ng tawa. Ang kasama ko nama’y mangiyak-ngiyak na habang tumatakbo. Muntik pa ngang matalisod ng kung ano sa daan kung hindi ko lang nasalo ang braso. “Patrick John Enriquez, unggoy ka! Kasalanan mo ‘to! Ayusin mong takbo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD