PART 8: Epic Fail

1453 Words
Sunday. Alas syete ng gabi. Tahimik akong naglalakad sa eskenitang maliit na palagi kong dinadaanan patungo sa tambayan. Sasaglit lang ako ngayon, kinulit kasi ako nila Pj na magpunta, buti nga pinayagan ako nila papa kahit Sunday. Isa pa, hindi rin talaga ako pwedeng umabsent ngayon dahil may pinaplano silang salihan na Skate Compe. 'Di ko lang alam kung kailan. Naaaninag ko na ang isang palikong kanto ng bigla akong mapahinto sa paglalakad. "H-hindi ko alam! W-wala akong alam!" puno ng takot ang boses na narinig ko. Mabagal na paghakbang ang sunod kong ginawa. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yon. "'Wag mo akong gaguhin hindi ako tanga!" Napa-singhap ako ng maaktuhan ang pag-suntok na ginawa ng isang lalaki sa isa pang lalaki. Agad nagdugo ang gilid ng labi nito dahil sa lakas ng natamong sapak. Ngunit sa kabila nito'y nagawa pang muling gawaran nito ng sapak ang parehong lalaki, sa parehong parte hanggang sa humandusay ito sa lapag. Patayo palang sana ito ngunit hinablot na ito ng lalaking nanapak mula sa kwelyo. Nakita ko kaagad kung paanong mas nagdugo ang sugat sa gilid ng labi nito. Nasabi ko na bang lungga ng mga holdaper at pusakal ang eskinitang ito? "ANO?!" sigaw ng lalaking nakahawak sa kwelyo ng isa pa bago nya ito sinikmuraan. Kinabahan na ako at nataranta ng maisip kong magiging isa ako sa importanteng witness sakaling maging murder crime ang ganap na ito. Aalis na sana ako ngunit nahagip ng paningin ko kung paanong namalipit at napa-handusay ang lalaking sugatan sa malamig sa kalsada. Agad akong nakaramdam ng awa. I hear soundless cries for help from the guy. At tila may kung sinong nagu-udyok sa aking tulungan siya. Pero paano? Gagamitin ko ba ang skills ko? Ng makita kong muling umaamba iyong lalaki ay napa-pikit ako ng mariin sandali. Bahala na! Kabado man ay buong tapang ko paring nilapitan ang lalaking pasugod. Hinablot ko ito mula sa damit at buong pwersang ibinalibag palayo. Agad kong nilapitan ang lalaking duguan. "Ok ka lang?" tanong ko sa lalaking hindi halos nalalayo ang edad sa akin. Tinanguan nya ako habang nanlalaki ang mga mata at nagtataka. Para bang hindi sya makapaniwala sa ginagawa ko o ano. Haharapin ko palang sana ulit ang isang lalaki ng bigla nalang may marahas na humablot sa braso ko. Umamba ito agad ng suntok para sa akin ngunit natigilan sya ng magtagpo ang mga mata namin. Kumunot ang noo nya't bumilis ng bumilis ang paghinga. Ako nama'y namilog ang mga mata sa tagpong hindi inasahan. Barumbado niyang hinugot paalis ang suot kong sumbrelo. Ng mas malinaw niyang nakita ang mga mata ko'y dumilim ang mukha niya. Umigting ang panga niya't pa-balyang binitiwan ang braso ko. Nai-tikom ko ng mariin ang mga labi at ginantihan ng tingin ang galit sa malamig niyang mga mata. Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin doon hanggang sa maka-rinig ako ng ilang yabag. Nasundan ko ng tingin ang lalaking naka-salampak kanina na ngayo'y tumatakbo nang palayo kahit paika-ika. "f**k!" Ng maalerto ang mayabang na lalaki't umakma ng pag-sunod ay dali-dali akong tumakbo at nagtungo sa harap niya, blocking his way. Iniangat ko pa patagilid ang magkabila kong braso para pigilan sya sa paghabol do'n sa kawawang lalaki. Gulpi na nga iyon, ano pang gusto nya? "Umalis ka dyan." mariin at may pagba-banta niyang usal. Inatake ako ng kaba sa mas nadepinang galit at lamig sa mga mata niya. Gayunpama'y hindi ako nag-patinag. "Don't you know when to stop?" mangha kong untag. "Papatay ka ba?" Binalewala niya ang sinabi ko at galit na hinawi lamang ako paalis sa daan. Muntikan na akong mahantong sa kalsada sa lakas ng ginawa niya. But as soon as I regained my balance, I grabbed his arm. Aktong hihilahin ko pa lamang ito pabalik ng bigla akong nahantong sa pinaka-malapit na pader. Nai-kurap ko ang namimilog kong mga mata sa gulat. In just a split second, he now ends up pinning me on the wall. Mahigpit ang pagkaka-diin niya sa magkabila kong braso na halos hindi ako maka-galaw. And his eyes are now dangerous and cold. Na para bang ano mang oras ay katapusan ko na. "Anong problema mo ha?!" nangga-galaiting sigaw niya sa mukha ko. I swallowed hard. Bakit galit na galit siya?! "Just let him go. Gulpi sarado na 'yung tao--" Natigilan ako ng mas dumiin ang hawak nya sakin. Pakiramdam ko nga bumaon na ang mga daliri nya sa braso ko. Help! Parang gusto ko tuloy isigaw. Wala bang daraan dito?! "You gotta be fvcking kidding me. Ang dami-daming tao sa mundo bakit ba hilig na hilig mong buhusan ako ng kamalasan mo?!" sigaw nanaman nya sa akin. Napapapikit-pikit ako sa bawat bibigkasin nyang salita. Grabe. Hindi naman ako bingi at lalong wala ako sa kabilang bundok para sumigaw sya ng ganyan. At isa pa, sya na nga itong gumagawa ng masama, nakukuha pa nyang magalit. At sandali, sinabi ba niyang malas? Same here uy. "Bakit ba ang bayolente mo? Sa tuwi nalang nakikita kita may nasasaktan! Ano ka, feeling bad boy sa movie, gano'n?" tatawa sana ako ng bigla kong ma-realize na sinabi ko iyon orally. Hindi sa isip. Kundi oral. Oh no. Oh no. Oh no! Tila napigtas ang pisi ng pasensiya niya. Bahagya nyang inilapit ang nandilim niyang mukha sa akin at maigi akong tinitigan. "Ginagago mo ba ako?" mahina pero gigil na binigkas nya ang bawat pantig nito. I am in a serious trouble. Napa-singhap ako ng patuloy niya paring inilapit sa akin ang mukha niya. Instinct ang nagsabi sa aking itulak siya palayo ngunit wala iyong naging silbi. Para siyang bato. Mas idiniin nya ako sa may pader ng mapansin nya ang ginawa kong pagtulak sa kanya. "Alam mo kung anong pinaka-ayaw ko sa lahat?" pinandilatan niya ako. "'Yung mga taong kagaya mo. Mahilig mangialam." Halos mapapikit ako sa diin ng hawak nya sa akin. Ang sakit na talaga oy! "Ano bang... ano bang ikinaga-galit mo? Pinigilan lang naman kitang gumawa ng masama. Are you that desperate to kill someone?" napapa-ngiwi kong sabi. Kumunot ang noo nya't hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talaga bahagyang lumuwag ang hawak at pagdikdik nya sa akin. "You think you're on the good guy side?" sarcastic ang boses niya. "You fvcking self righteous weirdo! Sino bang nagsabi sayong makialam ka?!" Napa-pikit ako sa muli niyang sigaw. "What do you even know about being a good guy?!" sigaw kong pabalik sabay buong pwersa ko siyang tinuhod. Nabitiwan niya ako agad para lang sapuhin ang sikmura niya. "PUTANG INA!" daing niya, hindi ako sigurado kung dahil ba sa galit o sakit. "Tangina talaga! Holdaper sya! 'Yung gagong 'yon?! NINAKAWAN NYA AKO!" galit na galit sya't pulang-pula ang mga mata nya. Para syang bulkang sasabog at ako ang malalagot. "Ha?" Weh? Joke time? Tatawa na ba ako? Marunong palang magbiro ang basagulerong ito? "See? hindi mo alam 'di ba? Pinipigilan mo akong gumawa ng masama? KATARANTADUHAN!" maayos na siyang nakatayo ng umamba siyang susugurin ako. Napatalon ako sa gulat at agad napa-iwas sa pag-sakmal niya. "Wait, you're serious?" Sandali, 'di ko maintindihan... 'yung lalaking ginugulpi nya kanina ay... isang... HOLDAPER? Paano? Totoo ba 'to? Pinagti-tripan ba nya ako? Nagsisinungaling lang sya 'di ba? Paano mangyayari 'yon? "Do I look like someone who fvcking mess around with fvcking jokes?" wala ng kahit anong emosyon ang mga mata niya kundi lamig. Mukha na siyang empty vessel na handang patayin ang kahit na sinong haharang sa daan niya. Shet. I'm so dead. Napahakbang ako patalikod ng bigla syang humakbang palapit sakin. "Now you tell me. Paano mo maibabalik ang ninakaw niya?" "Huh? Ginulpi mo na't lahat hindi mo pa nakuha ang ninakaw sayo?" napa-singhap ako ng makita ko ang dahan-dahan niyang pagyuko, iyong tipong nagha-handa na sa pagsugod o ano. "I mean, 'w-wag kang... 'wag kang lalapit! stay! Sit!" Oh boy. What kind of dilemma is this? "Alam mo bang mas importante pa sa buhay mo 'yung kwintas na yon?" Pinangilabutan ako sa lamig ng mga tingin niya. "N-naawa lang naman ako... do'n sa... lalaki..." matter of fact. Sino ba naman kasing hindi? At, "Kailan pa naging katumbas ng buhay ang isang kwintas? Huh? No matter how impor--" "Naawa ka sa kanya? Ngayon tignan natin kung saan ka dadalhin ng awa mo..." NOW! TAKBO! I screamed my lungs out as I run for my life. Mabilis pa sa pagtakbo ko noon ng hinabol kami ng aso ng kapit-bahay. Alam mo kung anong tawag dito? Epic Fail! "BUMALIK KA DITO!" nagwawalang sigaw nya sa likod ko. Sino bang maga-akalang 'yung kawawang lalaki ang bad guy? Kasalanan ko bang mas mukha pa syang goons kaysa sa bumiktima sa kanya? Uggh! At doon nagsimula ang career ko bilang isang runner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD