5:30 pm.
Nandoon ako sa rooftop habang pinagmamasdan ang pag-ubos ng naglalakarang mga estudyante sa baba. Karamihan sa kanila ay pauwi na, habang ako, ito, nakatambay, nagyo-yosi, iniisip kung may patutunguhan nga ba ang buhay ko. O kung may 'buhay' nga bang pinag-uusapan dito.
Napailing ako ng makakita ako ng isang estudyanteng naka-back pack, may dalang paperbag at ilang mga makakapal na libro at nagkakandarapang umuwi.
Looks familiar huh.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang sinisindihan ang panibago kong sigarilyo.
It's been almost a year now... and everything isn't the same anymore.
May sarili na s'yang buhay... at ako? Ito... sa kanya parin... sa kanya parin umiikot ang buhay ko.
How can one's life be so cruel and pathetic at the same time? Waking up every morning wishing that I could relive those good old days again... to be that happy again... to feel things again.
I don't even know why the hell I'm here for. Kung bakit palagi akong hinihila ng mga paa kong bumalik sa school grounds na ito. As if umaasa akong bigla na lamang siyang bubulaga dito para bumalik sa akin. At magmaka-awang balikan ko siya ah mali. Para magmaka-awa akong balikan niya ako.
Ilang sandali ang binilang ng marinig kong magbukas ang pintuan. Nagpatuloy ako sa pagtingin-tingin doon sa mga estudyante hanggang sa may marinig akong nagsalita.
"Hoy, Jerzen! Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan." some douchebag said.
Humithit ako sa sigarilyo ko't ibinuga ito ng dahan-dahan. Kulay kahel na ang langit dahil sa palubog na araw.
"Nakikita ba tayo n'yan? Bat 'di tayo pinapansin?" may narinig akong sapak. "Aray!"
"Tanga! Malamang nakikita tayo n'yan! nagpa-patay malisya lang. 'Wag ka na ngang magsalita! Panira ka lang eh."
Hithit, buga.
"'Wag kang magpatay malisya d'yan kung ayaw mong ikaw ang mapatay namin maya-maya!"
Tinaktak ko ang abo sa dulo ng sigarilyo ko.
"HOY! Tangina, nakakarinig ka ba? Gusto mo talaga masasaktan ka pa?"
Humithit ako ng pang-huling beses sa yosi kong maliit na. Marahan ang pagtingala ko't pagbuga ng usok nito.
"Sabi ko sayo 'di nya tayo nakikita..." kasunod nito ang tunog ng malakas na pagsalampak sa sahig.
Naramdaman ko ang galit na aurang papalapit sa akin.
Mabagal kong itinapon ang naupos ko ng sigarilyo at inapakan.
"Aaargh!"
Sinapo ko ang nanginginig na kamao sa gilid ko galing sa lalaking sumugod. Mabagal ko syang nilingon. Huling-huli ko sa mukha nya ang pagka-gulat ngunit agad din itong napalitan ng galit.
Pa-atake nanaman sana ito ngunit nai-bwelo ko na ang kanang kamao ko para gawaran siya ng suntok. Umawang ang labi niya na para bang may kung anong lalabas doon pagka-sapo ng sariling sikmura. Tahimik itong namalipit sa sakit habang napapa-upo.
Binalingan ko ng tingin ang tatlong natira. Laglag ang panga ng isang nakahandusay sa lapag samantalang kunot naman ang noo ng dalawang nakatayo.
"May tao pala. Akala ko kung sinong asong nakawala ang kumakahol." ngisi ako.
Walang paga-alinlangang kumuyom ang kamao ng isa at galit na sinugod ako.
Iwinasiwas nya ang pahabang kahoy na hawak sa akin. Sinalo ko lamang iyon ng dalawang palad. Hindi na ako nag-atubiling tadyakan sya sa sikmura matapos. Natumba sya kaagad at nag-hilot sa sahig.
Pinaglaruan ko ang hawak na kahoy na bago pinagmasdan ang sunod na lalaki.
Sumugod ito ng pasuntok. Mabilis akong nakalusot sa kanya at agad dumapo sa likuran nya ang kahoy na hawak ko. Tumumba sya at nangisay.
Napatango ako sa mga daing nila.
Yes, that's right. Cry bastards!
Binalibag ko ang kahoy palayo at tamad na binalingan ang natitirang lalaki. Mula sa pagkakahandusay ay tumayo ito. Pumorma sya ng pasugod sa akin kahit mukhang naga-alinlangan.
Napa-iling ako, natatawa.
Pasugod na sana siya ng mabilisan kong tinakbo ang distansya sa pagitan naming dalawa. Pagka-hablot ko sa braso niya'y idinikdik ko siya sa pader mula sa likod. Pumalag siya kaya't mas idiniin ko sya doon. Hindi narin sya nagtangkang manlaban matapos kong pihitin ang braso niya sa likod. Mga daing na lamang ang narinig ko pagkatapos.
Nilingon ko ang tatlong lalaking nakaupo sa sahig at nakatingin sa akin, lahat sila ay mukhang frustrated at namumuhi sa sinapit.
"Kung humahanap kayo ng kalaro, doon kayo sa playground." sabay balya ko doon sa huling lalaki.
Muli ay napahandusay sya sa lapag habang iniinda ang braso nya.
I smirked smugly bago ko sila tuluyang tinalikuran.
"Tangina ka Jerzen! Bakit ka pa nabuhay?"
Hawak ko na ang pintuan ng sandali akong napahinto. Itinagilid ko ang ulo ko habang nakatalikod sa kanila.
Madilim akong ngumisi, "'Wag kang magalala... 'yan din ang tanong ko." at tuluyan na silang iniwan doon.
Narinig ko ang ilang malulutong na mura nila ng bumababa na ako ng hagdan. 'Di kalaunan ay muli kong narinig ang sigaw at mga yabag nila.
"Di pwede 'to! 'Di ako papayag na 'di ako makakaganti sa panggugulpi nya sa mga tauhan ko! Kailangan maging patas kami! ARGH! JERZEN!"
Nahinto ako sa paglakad at bahagyang natingala ang pinang-galingan kong rooftop.
Wala talagang dala ang mga ito. Gusto yatang paglamayan sila ng maaga?
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago inumpisahan ang pagtakbo. Wala na ako sa mood para sakyan ang pakikipaglaro sa kanila. Dapat na hinahanap ng mga 'yon ay ang mga kalebel nila.
Mabilis ang takbo ko ng makarating sa corridor. Naaninag ko ang girls locker room at agad pumasok sa isip kong doon magtungo. Sa mga oras na 'to paniguradong wala ng tao doon at dahil sigurado akong mahina ang kokote ng mga lalaking lampa na 'yon, hindi nila iisipin nandito ako.
Dali-dali akong pumasok doon at nagulat ng may mabundol na kung sinong palabas.
Damnit, someone's still here.
Na-out of balance ako't natumba ako sa kanya. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko't naitukod ko ang magkabilang pulso at braso ko sa sahig. Medyo sumakit ang tuhod ko pero walang-wala iyon sa sakit na natamo ng likuran ko ng sumadlak iyon sa sahig dahil sa biglaan niyang pagtulak.
"f**k!"
Itong malas na babaeng ito nanaman. How many times do I have to deal with her?!
"Anong ginagawa mo dito? Girl's locker room 'to ah?" inis na tanong nya sakin.
Oh please. Kung alam ko lang na nandito sya, mas gugustuhin ko pang lumpuhin ang mga lampang iyon sa labas!
"Paki mo. Bakit sayo ba 'to?"
Heck! My back hurts so bad. Karma ko ba ito? Malamang! kasi 'pag nandyan sya bumabalik sakin lahat ng katarandatuhang ginagawa ko! She's a walking fvcking karma!
Malas!
"Hoy teka! Bakit? Kasalanan ko bang pumunta ka dito't abutan ako? kasalanan ko bang hindi alam ng mga paa mong magkaiba ang boys sa girls locker room?!"
Nagpanting ang tainga ko sa mga sinasabi nya. Will somebody please shut her up? She's making my fvcking ear sore!
This girl... some guts she have.
Ano bang problema ng kagaguhang sirkumstansya na 'yan at palagi kaming pinagku-krus ng landas?
"s**t! Just shut the hell up!"
Ayoko ng madagdagan pa ang kamalasan ko kaya dapat manahimik na lang sya! Wala ako sa disposisyon ngayon para manakit ng isang weirdong babae.
Tinitigan ko ang mga mata nya at hiniling na ito na sana ang huling beses na magkikita kami. I hope she just get lost straight from hell or something. Wala akong pakialam. Basta ayoko na syang makita ulit.
Nawala ang kaunting pagkairita ko ng tuluyan ng mawala ang ingay ng mga lalaki sa labas. It's finally done.
Mabuti.
"Ikaw ba 'yung hinahanap ng mga lalaki kanina?"
Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong nya.
Hindi pa ba halata? At ano ito, interesado na siya sa akin?
She's a creep, alright.
Itinagilid ko ang ulo ko. Hindi mo ako kilala. And I'm telling you, you don't want to know who I am. So, "Don't concern yourself with me."
Lumabas ako ng school gamit ang motor ko. Nagdiretso ako sa club ng pinsan kong si Jack ng maalalang may usapan kami ngayon.
"Bro!" ngumisi sya habang nandoon sa stool at may hawak na baso ng Jack Daniels.
Tinanguan ko sya hanggang sa tuluyan na akong makalapit doon at maupo sa katabing stool.
The place isn't packed yet given the time. But the trance music and the neon lights are wild as always.
"You drunk, man?" puna ko matapos kong kunin ang bagong basong inabot niya. "You look enthused. Something good happened?"
"I do? talaga? Well of course! Life has been very good to me."
Napa-iling na ako ng mas lalu syang natuwa.
I look at him sarcastically then. "Good to hear." Given how my life sucks.
"Loosen up, bro!" humalakhak siya. "Come on!"
"Shut up."
Ngumisi siya bago uminom sa sariling baso. "What you been up to?"
Bumuntong hininga ako. "Nothing, really."
Dire-diretso kong ininom ang laman ng baso at muli itong sinalinan.
"Woah, okay." he snickered. "Gusto mo ng babae?"
Kamuntik na akong mabilaukan sa paginom ng dahil sa sinabi nya.
"What the fvck, dude?" natatawa kong untag.
"Oh, look at this. You're the same guy who used to hang out with me and hook up girls when she..."
Hindi na nya naituloy pa ang sinasabi ng tinapunan ko siya ng pamatay na tingin.
Muli siyang humalakhak. "Dude, seriously, chill!"
"I told you to shut up." sinalinan ko ulit ang baso ko.
"Enough with your grumpiness, dude. Let's chill out here and have fun, alright?" tapik niya sa braso ko. "And speaking of fun, bro. I've just met someone."
Agaran ang pagkunot ng noo ko sa narinig.
He met someone? Pinagloloko ba ako nito? Eh ilang babae ang inuuwi n'ya gabi-gabi? What's new?
"You met someone?" diskumpyado ko syang tinignan sabay linga sa paligid.
"Yes! And you know what? She's a skater! Hell, she's so damn cool." halos walang pagsidlan ang saya nya habang nagi-imagine ng kung ano.
"Okay... so?" What's so special with this cool girl?
"Bro she's a freakin' skater girl!"
"Yeah. You don't have to keep saying that." iritable kong sabi.
Parang tanga 'to. Lasing na nga yata?
"'Di ko makalimutan 'yung mga mata nya nung tinitigan nya ako... dude, it's like I can see her soul through those eyes! There's something in there... She's something..." napailing sya, hindi maarok ang sariling damdamin.
"Oh yeah? What happened to those sizzling hot girls of yours?" natatawang sabi ko.
"Dude, don't you get it? She's interestingly different. Geez, I don't even know her name..." he said, almost daydreaming.
"O, eh ba't hindi mo tinanong?" sabi ko, almost crept out.
"She ignored me... bro." amuse nyang sabi. "Sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sa akin... sinabi niyang... hindi niya ako trip. Damn girl."
"You don't say." natigilan ako doon.
Nakita ko na kung paanong pumorma itong si Jack. And no girl dare to turn him down. Walang maka-hindi sa kanya. Why not? May pera, May dating, Mabulaklak ang dila, and hell... he can take you anywhere you want. 'Di ba gano'n ang gusto ng mga babae? But to think about this girl ignoring him... well, isn't that interesting?
"I told you... she's something." ibinulong nya ang huling dalawang salita.
Napangisi nalang ako habang umiiling.
Old habits die hard.
Ngumisi si jack ng makahulugan habang nakatingin sa laman ng baso nya. I only see that smile when he wanted something to have eagerly.
"That girl is entitled to be mine... I'm going to mark her as my property." sabay inom sa sarili nyang baso ng Jack Daniels.