Sa tambayan. 8:00 pm.
Abala ang unggoy kong bestfriend sa pagpapa-bibo doon sa nililigawan niya. At ako? Ito, sa isang tabi, bilang isang dakilang surveillance na panay ang make face.
Anong ginagawa ng magandang babaeng ito sa parke? Ikaw ba 'yan, Barbie? Nasaan ang Ken mo? Bakit unggoy ang kasama mo dito?
I snorted.
Kung bakit kasi ngayon pa naisipan ni Pj dalhin dito ang magandang babaeng 'yan. Ang malas ko talaga. Nakita ko nanaman kasi iyong hambog na lalaki.
Pagkatapos mag-boardslide, nilapitan ni Pj 'yung magandang babae habang nakangiti.
Nahuli ko ang pilit na ngiting sukli nito sa kanya. At medyo may pagka-slow talaga 'tong si Pj kasi ni hindi man lang nya nahahalatang hindi kumportable 'yung magandang babaeng kasama niya.
"Uhh, Pj? Can we go somewhere else? Like somewhere nice?"
Natigilan si Pj. "What do you mean somewhere nice? May problema ba dito?"
Iminaniobra ng huli ang parke. Boys everywhere, shouting, laughing and cursing. Isama na ang maingay na friction ng bawat gulong ng mga skateboard nito sa kalsada. Not to mention the repulsive gawking na natatanggap ng magandang babae sa iba naming kasama.
I'm sure used to all of it. Dahil bukod sa pinsan ko'y, halos kababata ko na rin ang iba. At kahit kailan, hindi nila ako tinignan na parang ako ang prey nila. The difference. Na hindi naintindihan ni Pj.
"No... I'm just... Not too comfortable." ngiwi ng magandang babae.
"You're not comfortable..." bahagyang kumunot ang noo ni Pj sa pagtataka. "Why is that?"
I may be boyish pero babae parin ako. At gets na gets ko ang pinagdaraanan ng magandang babaeng ito. Remember how one of my classmates called me 'weirdo'? That's because she's girly. And I'm the total opposite.
Alam nating lahat kung nasaang kategorya ang babaeng ito.
"What do you mean why? You're not seriously asking me that, are you?"
Hinintay nito ang sagot ni PJ ngunit tanging kibit balikat lamang ang isinukli nito. Humalukipikip ang magandang babae at maiging tinignan si Pj.
"Okay! Where else do you want to go?" Suko ni Pj.
"Anywhere. Basta wag lang dito!"
Natuluyan sa pagkunot noo si Pj. "I bring you here because I wanted you to meet my friends--"
"I did. I already meet them, 'di ba?" she rolled her eyes. "Can we just go?"
"This is me. This is what I'm into. Akala ko ba willing tayong kilalanin ang isa't--"
"This place is hideous and repulsive, Pj! Hindi mo ba maintindihan?"
Okay, that's kinda too much. Hideous talaga?
"What?"
"Just take me home." Malamig na sabi ng magandang babae.
Sandaling natahimik si Pj dahil sa pagkabigla.
"What?" The girl snapped. "Pj, kung ayaw mo akong ihatid, sabihin mo lang, uuwi akong mag-isa!"
Tumayo ito at dali-daling umalis, like she can't stand another minute on this place.
"Grace!"
"At nagsimula nang habulin ni Pj ang babaeng mahal niya." Si Pat.
"'Wag mo na akong habulin, Pj. Tapos na tayo!', sabi ng babae." Si Vj.
"'Pero mahal kita! 'Wag mo akong iwan! Gagawin kong lahat ng gusto mo 'wag ka lang umalis!'" si Pat.
"'Telege be?'" si Vj, para nang namamalipit sa kaartihan.
Luh.
Pinandilatan ko ang dalawa. "Mga bugok na 'to. Saya 'yan?"
"Ikaw nga kanina pang naka-masid sa kanila. Saya din 'yan?" Ganti ng pinsan ko.
Nagawa pang mag-fist bump ng dalawa pagkatapos akong tawanan.
Pinanlakihan ko na lamang sila ng butas ng ilong at binalewala. Nilingon ko sila Pj at nakitang nagtatalo parin ang dalawa.
I sigh. "Kung bakit kasi sa malayo ka pa tumitingin." bulong ko sa sarili.
Nag-umpisa akong magpatuloy sa pags-skate, sumunod naman sa akin ang dalawa pagkatapos mag-pustahan.
Habang nags-stunt ay may nakabangga si Vj dahilan para ma-out of balance sya sa skateboard nya.
Isang lalaking matangkad at morenong may ka-angasan ang asta ang nakabangga nya.
Pare-pareho kaming natigilan ng kinuwelyuhan nito si Vj.
Napangiwi ako sandali. Bakit ang malas ng pinsan kong ito? Noong una nakipag-lips to lips sa kalsada. Ngayon naman...
Lumapit kami nila Pat sa direksyon kung nasaan si Vj pati nang lalaki. Sabay ang mga itong napalingon sa amin ng marinig ang friction ng gulong palapit.
Tila ba isang dejavu.
"Dude, may problema ba?" Si Pat.
Muling binalingan ng lalaki ang pinsan ko at binalewala si Pat.
"Use your goddamn eyes, fvcker." maangas na sabi ng lalaki sabay pabalyang bitiw sa kwelyo ni Vj. Ng magpatuloy ito sa paghakbang at mahagip ako ng paningin ay muli itong natigilan.
Napakunot-noo ako ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. Bahagyang napatabingi pa sya ng ulo bago nagsalita na para bang may iniisip.
"Babaeng skater?" natanong nya sa sarili. At mula sa pagiging maangas ay bigla na lamang napalitan ng pagka-amuse ang ekspresyon niya ng ganoon lang kabilis. "Pretty cool..."
Sandali kaming nagkatinginan ng mga kasama ko.
Humakbang biglang palapit sa akin ang lalaki.
"Hi there little miss skater." sabay nag-offer ng kamay. "I'm Jack." At ngumiti.
Napakunot-noo nanaman ako ng bahagya kong maamoy ang alkohol sa hangin. Ilang sandali ko lang siyang tinignang maigi.
Lasing ba 'to? Naka-drugs? Nagti-trip?
Nagkibit-balikat na lamang ako at napailing bago ito tinalikuran. Lumapit ako patungo kila Vj matapos.
"Tara na." aya ko sa kanila.
Hindi sila gumalaw na akala mo'y naestatwa o ano.
"Problema nyo?" nagtatakang tanong ko.
"You're ignoring me." manghang anunsyo ng lalaki.
Nilingon ko ito.
"Excuse me, mister. Humanap ka ng ibang pagti-tripan mo dahil hindi kita trip." poker face ko.
"Oh! Man, I like her." amused na amused ang mukha nya ng pasadahan ako ng tingin. "Damn!"
Luh.
"Tara na nga." aya kong muli sa dalawang kasama kong natulala na sa kung saan.
Umiling na lamang ako ng manatili silang nakatanga.
Malala nang mga 'to.
Sumakay ako sa board ko't inumpisahan ng paandarin iyon muli ng makaalis na ako doon. Sumunod naman sa akin 'yung dalawa kahit mukhang naga-alinlangan.
At hindi pa man kami nakakalayo ng marinig kong sumigaw yung lalaki.
"See you later Miss Skater!"
Bahagyang kunot ang noo ko ng sinulyapan ko sya. Malaki ang ngisi nya't hindi sya kapani-paniwala.
"Trip ka, Jhen." tawa ng pinsan kong si Vj na para bang ngayon lang nya na-realize ang isang nakakatawang bagay.
Pagkabuga ng hangin ay binilisan ko na lamang ang pagpadyak.