Uwian. Dumaan muna ako sa library para gawin ang assignment ko sa english. Mag-aala-sais na ng natapos ako doon. Wala na halos katao-tao sa school. Alasingko lang din kasi ang uwian.
Nagpunta na ako sa girls locker room. Kukunin ko lang 'yung skateboard ko (bagong assemble. Tinulungan ako nila Vj pati na nila Pat para makabuo ulit ng bago) at didiretso na ako sa tambayan. Miss ko na kasi si Pj. Di kasi nagpakita sa akin ang unggoy na 'yon buong araw, kahit nung lunch. Busy siguro sa nililigawan nya.
Naka-ngiti pa akong nag-tungo sa may pintuan pagkakuha ko ng board ko ng may biglang taong pumasok mula doon. Humakbang siyang papasok at nagka-bangga kami. Nabitawan ko ang board ko at napa-pikit ng mariin sa lakas ng impact ng nangyari.
Isang singhap ang hindi ko napakawalan ng nanlaki ang mga mata ko pagkamulat ko nito. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos mapasubsob na ito sa mukha ko. Muntikan na akong atakihin sa puso kung 'di nya lang nagawang maitukod ang magkabilang wrist at braso nya mula sa lapag na syang nasa magkabilang gilid ng ulo ko.
Nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya ng magkatitigan kami doon.
Mabilis at mabigat ang paghinga niya dahil sa hingal. Napa-lunok na lamang ako ng maramdaman ko ang mainit na pag-dampi nito sa balat ko.
Sinabi ko na bang hindi ako kailan man mai-involve sa taong ito? Ano nanaman itong nangyayari ngayon?
Bigla akong natauhan ng maka-rinig ako ng ilang yabag mula sa labas. Naalala ko ang bawat salitang binitiwan nya noong nasa rooftop kami kaya't naitulak ko sya sa dibdib nya palayo ng malakas. Patagilid syang napabagsak at tumama ang likod nya sa lapag.
"f**k!"
Binalingan ko sya ng makaupo ako, bahagyang gulat parin sa nangyari.
Lukot ang mukha nya pero nagawa parin nya akong tignan ng masama habang iniinda ang sakit sa likod nya.
"Anong ginagawa mo dito? Girls locker room to ah?"
Ayoko syang kausapin pero hindi ko napigilang kumprontahin siya.
Ang sama makatingin ng ungas. Kasalanan ko bang pumasok sya sa maling locker room? Bakit ko siya itinulak sa tingin niya? Ako ang biktima dito. Malinaw na sya ang offender! HAH!
"Paki mo. Bakit sayo ba 'to?" iritable nyang sabi habang umuupo.
Sumakit din ang likod ko 'don ah. Anong akala nito? Nasa action movie kami para may gym mat na sumapo sakin?
"Wow! Wala pong anuman. Salamat ho sa sorry nyo." sarkastikong sabi ko.
Mahirap bang sabihin na,--'sorry ha. Namali lang ng pasok. Solohin mo na 'tong girls locker room gang magsawa ka.'--pramis. Matutuwa pa 'ko kung ganyan ang sinabi nya.
Eh nakamamatay yata sa isang ito ang pagsabi ng sorry? O siguro namamaga iyong lalamunan? Luh. Allergic? Eh mukhang siya nga itong malaking virus?
Hindi niya ako tinantanan ng masamang tingin habang tumatayo ako.
"What kind of bad luck are you..." hindi ko narinig ang ibinulong nya sa hangin.
Malay ko kung minumura na pala ako nito?
I snorted. "Isa ata sa pangarap nitong maging babae." bulong ko rin sa hangin.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko na barbie!" Asar ko.
Hinintay ko ang reaksyon niya pero mukhang 'di niya alam ibig sabihin noon kaya't napasimangot na lamang ako.
"Ikaw... hindi mo alam kung anong pinapasok mo. I told you to stay away from me..." mahina ngunit mariin at may pagbabantang sabi nya habang tumatayo.
Napahinto sya sa akmang paglapit sakin ng may marinig kaming nagsalita mula sa labas.
"Doon! hanapin 'nyo hindi pa 'yon nakakaalis!" sabi ng isang lalaki. Kasunod noon ang ilang mga yabag palayo.
"Hoy teka! Bakit? Kasalanan ko bang pumunta ka dito't abutan ako? kasalanan ko bang hindi alam ng mga paa mong magkaiba ang boys sa girls locker room?!" pikon kong sigaw.
Wow naman. Kasalanan ko pala ito? Ang lakas ha.
Matalim ang tinging ipinukol nya sa akin. Ng nawala ang ingay ng mga lalaki sa labas ay muli siyang humakbang palapit.
Tinapangan ko ang sarili ko't paulit-ulit na inalala ang mga nakaka-iritang bagay na sinabi nya.
"Ang sabi ko ayoko sa mga taong katulad mo..." malamig niyang sinabi.
"Bakit? tinanong mo ba ako kung gusto ko ang mga taong katulad m--mnnnn!"
Isang iglap lang ang binilang ng maisandal nya ako sa mga locker at matakpan ang bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko't agad akong pumasag. Pinaghahampas ko ang braso ng kamay nyang nakatakip sa bibig ko.
"s**t! Just shut the hell up!"
Natigilan ako ng maipako nya ang kanang pulso ko sa mga locker, sa gilid ng ulo ko. Mas lalung namilog ang mga mata ko sa panic. Hinawakan ko ng kaliwa kong kamay ang kamay nyang nasa bibig ko't nagtangkang alisin iyon pero napahinto ako ng ilapit nya ang mukha nya sa akin.
Madilim at malamig ang mga mata nya ng titigan ako ng diretso. Gumapang ang kaba at ang pamilyar na kilabot sa akin.
"Don't move or else... you're dead."
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sya pero walang kahit kaunting bakas ng ngisi ang mukha nya.
He must be serious then?
Oh boy. Is this trouble?
At dahil mahal ko pa ang buhay ko't wala naman sigurong masama kung mananahimik nalang ako'y sinunod ko ang gusto nya.
Juicecolored, ano ito?
Tanging mga mata ko lang ang gumalaw ng nilingon ko ang pintuan ng muli naming marinig ng ilang mabibilis na yabag mula sa labas kasama ng boses ng ilang mga lalaki.
"Nakita n'yo?" tanong ni lalaki 1.
"Hindi eh." sagot ni lalaki 2 habang hinihingal.
"Mukhang wala na, nakatakas nanaman." sabi naman ni lalaki 3.
"Tara na. Mukhang wala na tayong mapapala dito. May mala sa pusa talaga 'yang Jerzen na 'yan.'' sabi naman ni lalaki 4 na mukhang paalis na dahil palayo na ang boses.
Jerzen? Sino 'yun? Siya? At hinahabol sya ng mga 'yon? Bakit? May atraso ba sya? Anong ginawa nya?
Nilingon ko sya't naabutan kong nakatingin sya doon sa pintuan at mukhang pinakikinggan din ang usapan ng mga lalaki sa labas. Ibinaling lang nya sa akin ang tingin nya ng marinig namin ang mga yabag nilang palayo.
Ilang sandali niya pa akong tinitigan hanggang sa masiguradong wala na ang mga lalaki sa labas.
Unti-unti niya akong binitiwan. Gayunpama'y nanatili syang nakatayo sa harapan ko. Hindi ako nakagalaw. Tanging pagganti na lamang ng tingin sa malamig niyang mga mata ang nagawa ko.
Sino ba ang lalaking ito? Ayokong tuluyang buuin ang pagkatao niya sa isip ko pero...
Pagka-bitiw niya ng tingin ay humakbang syang palayo sa akin. Palabas na sya ng pinto ng magawa kong magsalita ulit.
"Ikaw ba 'yung hinahanap ng mga lalaki kanina?"
Natigilan siya sa paghakbang. Itinagilid nya ang ulo nya kaya't nakita ko ang kalahati ng mukha nya.
"Don't concern yourself with me." at tuluyan na syang lumabas ng locker room.
Naiwan ako do'n na maraming katanungan na hindi nabigyan ng sagot ng mawala na sya.
What's with our weird and sudden encounters, Barbie?