PART 4: Malabo pa sa blurred

1730 Words
Natameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Shet. Bakit ka nga ba nandito, Jhen? Anong isasagot mo sa lamang lupang 'yan? Humakbang syang palapit sa akin ng hindi inaalis ang mga titig nya. Kinabahan ako. Dahil sa takot? Ewan ko. Hindi parin siya naka-uniform kaya't inisip ko kung dito ba talaga siya naga-aral o naga-akyat bakod lang siya. At kung estudyante nga siya dito, paano siyang nakaka-pasok ng ganiyan? Kinukulam ba nya ang mga guard? Ni hindi ako pinapapasok 'pag naka-rubber shoes. Pwera nalang 'pag 'yung all black na chuck taylor ang suot ko, kasi hindi halata. Nanatili akong tahimik hanggang sa huminto sya isang metro mula sa akin. Itinabingi nya ang ulo nya't maiigi akong pinagmasdan. "You're still at it, huh? I thought those we're just coincidences..." "Huh?" ansinasabi nito? "Tingin niya hindi kita mapapansin dahil babae ka?" sarkastiko siyang tumawa. "Talk about lame." seryoso nyang idinugtong ito. Kinunot ko ang noo ko sa pagtataka. Okay, I'm lost. Ano daw? at... niya? lame? Excuse me? Napakamot ako ng sintido. "Sino nga kasing pinag-uusapan natin dito?" Dumilim ang mukha nya ng sunod akong tignan. "You tell me." HUUUH? Psychic na 'ko ngayon? Paano ko malalaman sino tinutukoy nito? "Wait, wait... I can't follow." natawa ako sa inner confusion. "Now you're playing dumb." umigting ang panga niya. "Bakit mo ako sinundan dito?" Sinalubong ng blangko niyang mga mata ang nagtataka at nagi-isip kong ekspresyon. Bakit ko nga ba siya sinundan dito? Para magpasalamat? Eh shet ha! 'Di ba kwits na kami? 'Di ko na matandaan kung bakit ko pa naisipang magpasalamat sa kanya. I pondered my answer deeply. "'Yung board ko... tapos 'yung nangyari nung isang gabi... gusto ko lang..." I swear para kong nire-recite 'to. Ng marinig kong muli ang sarkastiko niyang tawa ay natigilan ako sa pagi-isip. Ano nanaman ang nakakatawa? Mukha siguro akong tanga. Naitikom ko ng mariin ang mga labi ko sa kahihiyan. Ilang sandali ng awkward na katahimikan ang namayani. And all the while, nasa akin ang mapang-obserba niyang mga mata. Hanggang sa wakas ay mukha siyang nabunutan ng tinik at bahagyang nabawasan ang madilim niyang presensiya. Halos wala na siyang interes ng muli siyang nagsalita. "Okay... so you're just another creep. 'Wag mong sabihing binigyan mo ng espesyal na kahulugan ang mga 'yon?" bored siyang ngumisi. "Give me a break." Namilog ang mata ko sa mga akusasyon niya. Creep? Ako? At... AT! "Anong sabi mong--" "Listen, weirdo. Walang espesyal na kahulugan ang mga 'yon..." iritable siyang natawa. "Seriously, stop shitting me." Wow from creep to weirdo. Wow. I have no words. This. Moron! Maniniwala ka ba? Ginaya ko ang iritable niyang pagtawa. "Wala akong sinabing may espesyal na kahulugan ang mga 'yon! And stop calling me names!" "Pero hinihiling mong sana mayroon? That's why you followed me here, right?" ang ngisi niya'y biglang naging malisyoso. "Weirdo." Oy grabe! Nakakakilabot ang kayabangan niya! Grabe nanginginig talaga ang laman ko sa inis. Pinagsisisihan kong nag-krus pa sa isip kong kahit paano'y nagsisi sya sa ginawa nyang pagsira sa board ko! "Kapal mo. Asa ka!" pinandilatan ko siya. "Asshole! Wala kang sense kausap!" Okay, I need to calm down. How to calm down? "Speak for yourself," malamig niyang sabi. "Creep." Binalewala ko ang sinabi niya at pilit na lamang kinalma ang sarili. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ano nga bang sense ng pagsunod ko sa kanya dito sa rooftop? What am I thinking? Sana hindi ko na lang iniwan si Pj para makita ang mayabang na 'to! This is utter nonsense! I glared at him. May araw karin! HAH! Humakbang ako't lalampasan ko na sya para makalayas na ako sa kahibangang ito ng bigla nyang itukod ang kanang kamay sa pader, hinaharangan ang daraanan ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa iritasyon sa pagkakatigil. Nilingon nya ako. Iritable ko siyang tinignan pabalik. "Lost your wits?" bulong niya. "You're no fun at all." I swear kung nakama-matay lang talaga ang tingin ay inaanod na siya sa ilog. Ibinaba nya ang kamay mula sa pader ng hindi inaalis ang tingin sakin. Hindi na ako nagsalita hanggang sa tinalikuran nya ako. Nasa tapat na siya ng pinto ng lumingon siya ng kaunti, tanging kalahati lamang ng mukha niya ang kita ko. "You stay away from me... ayoko sa mga taong kagaya mo." At ganoon lang niya ako kadaling iniwan ng laglag ang panga. What the?! Sino bang nagsabing hinahabol ko sya? Na gusto kong ma-involve sa kanya? Ayaw niya sa mga taong kagaya ko? HAH! Same here, asshole! At talaga! talagang makakaasa syang lalayo ako sa radar niya na para siyang may nakakahawang sakit! Pumuti na ang uwak at mag-ugat ang mga paa ko dito pero kahit kailan hindi mangyayaring magkakasama ulit sa isang papel ang pangalan naming dalawa! Kahit pa hindi ko alam ang pangalan nya! ARGH! Byernesanto ang mukha ko ng magdiretso ako sa classroom ko. Hindi ko na binalikan si Pj sa cafeteria dahil paniguradong wala na sya doon. Ilang minuto nalang din kasi ay tapos na ang lunch break. Biruin mo? hindi ko natapos ang lunch ko't iniwan ko ang bestfriend ko para lang sapitin ang walang kwentang usapang iyon? Nakakairita! Sana kinalimutan ko nalang 'yung araw na una kong nakita 'yung damuhong 'yon! Senseless lahat! Malapit na talaga 'kong manipa pero napawi ng kaunti ang inis ko ng makita ko si Pj sa corridor ng classroom ko. Anong ginagawa nito dito? "Pj!" Napalingon sya sa direksyon ko. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? malapit ng mag bell ah?" Napabuntong hininga sya na para bang noon lang sya nakahinga ng maluwag. "Saan ka ba galing? akala ko nagdiretso kana dito sa classroom mo!" bahagyang kunot noo niyang sabi. "Uh... kasi..." Sinulyapan ko sya't maigi syang nakatingin sa akin. "May naalala lang ako na dapat kong gawin... importante kaya... nagmadali ako." Oh wow. Importante? Parang gusto kong kagatin 'yung dila ko para parusahan! Masuspetsya nya akong tinignan. Napalunok na lamang ako. "Talaga lang." diskumpyado niya akong pinagmasdan. Magpaloko ka naman uy. Hindi ko naman pwedeng sabihing umalis ako't iniwan ko 'yung pagkain ko para lang sa mayabang na lalaking 'yon. Laslas nalang! "Oo nga! Parang tanga 'to." sabay iwas ko ng tingin. "Sinungaling." Napa-pikit ako ng mariin. Alam talaga nito 'pag nagsisinungaling ako. Bakit kaya 'pag nagse-selos hindi? "Sige, bibilhin ko 'yang kasinungalin mo kahit kuripot ako." Ngumuso ako sa sarili. "O, ito!" sabay abot nya sakin ng brown bag. Nagtataka ko iyong tinignan sunod siya. Kinuha ko iyon. "Ano 'to?" Nagbuntong hininga sya ng malalim. "Fries." Namilog ang mga mata ko sa bahagyang pagkaka-gulat at pagtataka. "'Wag mo akong tignan ng ganyan." iritableng sabi nya. "Nanlibre si Vj kahapon... wala ka kaya..." he shrugged. "At dahil umalis ka ng hindi inuubos ang pagkain mo, naisip kong baka kulitin mo ako habang nagka-klase kami kasi gutom ka..." Langya oy lumulukso nanaman 'yung puso ko. Tae, wala namang ganyanan. "Tapos magsisinungaling ka lang pala sakin..." pinanliitan nya ako ng mata. Itinawa ko na lamang ang kabang nadarama. Though I'm really happy on the inside. "Thank you, Pj!" bonggang sinabi ko habang winawagayway pa 'yung brown bag sa kanya. "Akalain mong naiisip mo pala ako?" Kumunot ang noo nya ng bahagya ngunit nangingiti na. "Kailan ba hindi?" pinandilatan niya ako. "Kung may 'Ding' si Darna, mayroon ka namang ganito." ngumisi siya sabay pogi sign. "Ang corny." I snorted a laugh. Wala na. Talo na 'ko. Ayawan na. Langya naman eh. "Ikaw lang ang Pedro Penduko na may sidekick for nine years and counting. Kahit nakakainis ka minsan at kahit parati mo akong binubully!" mas lalung lumaki ang ngisi niya. Napawi naman ang ngiti ko. Whatever. It's still sweet though. "Kailan kita binully'ng unggoy ka?" Inabot ko ang tagiliran niya ngunit mabilis siyang naka-ilag, tumatawa na. "Kailan? kailan hindi?" Tinignan ko sya ng masama tsaka muling sinubukang hulihin ang tagiliran niya. "Hoy! Self defense ang tawag 'don. Ikaw kaya 'tong unang nambu-bully!" Para siyang batang nagtata-takbo doon para lang hindi ko mahuli. At buong sandali siyang tawa ng tawa. Feeling ko nga maiiyak na sya. "Hoy, ayoko na, hoy!" suko niya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa corridor pero wala kaming pakialam. "Sidekick pala kita ah. Halika dito, bibigyan kita makati-kating side kick!" "Sige, sumbong kita kay tito! Sabihin ko ginagamit mo 'yang--ARAY!" Mabilis akong tumakbo kumpara sa kaniya kaya madali ko siyang nahuli at nasapak. Humalakhak ako evilly ng 'di siya nakaganti. "Ano, ganti!" asar ko. Inakbayan niya ako bigla sabay headlock. "Ibigay mo sakin ang mutya, Pedro! Maghiwalay na tayo ng landas!" sabay tawa ng unggoy. "Hoy, Pj! Walang p*****n! Asaran lang kasi eh!" nagpumiglas ako dahil sa nagwa-wala kong dibdib. Sigurado akong maririnig niya iyon sa lakas. "Kita mo na? Ikaw 'tong bully! Sumbong din kita kay papa!" usal ko. "Ako? Pagkatapos mo akong sapakin? Ha?" sabay bitaw sakin. "Ang sakit! Ewan ko sayo! Bumalik ka na nga sa classroom mo. Maghiwalay na tayo ng landas!" natatawang sabi ko habang tinutulak sya ng mahina paalis, para hindi niya makita ang pamumula ko. "Oo na, sige na. Ito na." narinig ko ang halakhak niya. Binitawan ko na sya ng medyo malayo na kami sa may pintuan ng room at ng sa tingin ko'y hindi na ako namumula. Humarap sya sakin. "Una na ako. Kainin mo yan ah? 'Wag kang magpapa-gutom. Baka mabaliw ka nanaman." sabi nya habang nakaturo sa brown bag na hawak ko. "Ayusin mo din 'yang pusod mo bago ka maging afro tulad ni Pedro!" pahabol pa niyang sigaw. Sinamaan ko lang ng tingin hanggang sa tumalikod na sya sa akin. Kung hindi ko lang talaga sya kilala, paniguradong iba ang iisipin ko sa ginagawa nya. Masyado kasi talaga syang maalaga. Kahit idinadaan nya sa biro. Nayuko ko ang brown bag na hawak ko. How cliché can this be? Having a crush on your bestfriend? You can tell them anything, everything. But never your true feelings: 'Yung kung paano kang sumasaya sa pinaka-maliit na bagay na ginagawa niya para sayo. At kung paano kang nasa-saktan at nagse-selos sa tuwing may ibang babae siyang binabanggit sa harap mo. Bestfriend. Isang nakaka-frustrate na title. Pero... Bakit pa nga ba ako umaasa? Alam ko namang hindi masusuklian ang damdaming inaalagaan ko. Kasi nga... malabo pa sa blurred. Kung may mas malabo pa sa malabo, 'yon ay ang magkaroon ng espesyal na kahulugan ang 'kami' 'pag pinagsama ang 'ako' at 'siya'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD