PART 3: Weird

2075 Words
Sa loob ng isang buong linggong lumipas nang hindi ko siya nakita'y tila kahapon lamang nangyari ang lahat sa rooftop. Dinadalaw parin ako ng kilabot sa tuwing maaalala ko ang pagtitig ng malalamig niyang mga mata. Ang mga sugat niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Ipinilig ko ang ulo ko para lang iwaksi ang mga naiisip. Kung bakit naging interesado akong bigla sa iniisip kong pagkaka-wasak niya ay kahibangan! Na kailangan ng tapusin at kalimutan. Isang linggo na uy. Mukhang hindi na ulit magku-krus ang landas namin. Nagbuga ako ng hangin na para bang maisasabay kong I-release sa carbon dioxide na iyon ang lahat ng iniisip ko. O ang lahat ng dapat kong kalimutan. Sumulyap ako sa suot kong relo at halos bawian ako ng lakas ng makita ang oras. Akalain mong inabot ako hanggang alas syete sa school dahil sa mga utos sa akin ng teacher kanina sa faculty? Kung minsan ang hassle talagang maging student assistant. Hindi naman sa nagre-reklamo. Pero kung may choice ako kung gusto ko bang maging student assistant ay--hindi ko pipiliin 'yon! Sa tambayan ang tungo ko ngayon kaya't nagpalit na ako ng shirt at pants. Suot ko na rin ang sumbrelo ko. At ang skateboard ko?--'Wag mo ng tanungin. Labas 'yan sa usapan. Tahimik ang maliit na eskinitang madalas kong daanan para sa shortcut ng bigla akong matigilan. Mabilis kong nilingon ang dinaanan. Para kasing may kung sinong sumusunod sa akin. Pero wala akong namataan doon kundi katahimikan at iilang kuliglig ng gabi. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at binalewala ang guni-guni ko. Nakarinig ako ng pag-bungo ng katawan kung saan. At Ilang hakbang palang ang nagagawa ko'y may bigla nang umakbay sakin. Sunod kong naramdaman ang matulis at malamig na bagay na itinapat nya sa bandang leeg ko. Agad kong nakumpirma kung ano iyon--balisong. "Hold up to, kung ayaw mong mamatay, ibigay mo sakin lahat ng pera at gadget na dala mo." bulong ni manong. "Bilis!" Okay. Kinapa ko ang bulsa ko--Wait--What is this?! Mabilis ang mga sunod na pangyayari. Tipong aabutin ko pa lamang sana ang kamay ni manong na may hawak na balisong para putulin--este, tanggalin sa akin, ng bigla na lamang hablutin ng kung sinong bumulaga ang braso nito palayo. Isang mabilisang ikot at bahagyang pagyuko ang naaninag kong ginawa ng lalaki. Umangat mula sa lupa ang mga paa ni manong hanggang sa bumaligtad ito at humantong sa kalsada. Wow. Naunahan niya ako. Gusto ko pa man ding ma-try iyong Judo technique na iyon. Bummer. Sunod na umalingawngaw ang mga daing ni manong kasabay ng galit na pagsigaw ng lalaki. "Paralisado ba 'yang mga mata mo?!" Oh. Okay. Karma is real--real quick! "H-ha?" nakita kong namutla si manong ng sinalubong niya ang tingin ng lalaki. Ako nama'y unti-unting humakbang palayo sa ganap nila. Makalayas na nga dito. Ngunit ng pumihit ng kaunti patagilid mula sa anggulo ko ang lalaki para lang apakan ang dibdib ni manong ay natigilan ako. Ang hambog na lalaki. "Sa susunod na magliliwaliw ka, gamitin mo 'yang mga mata mo! Walang silbi!" sabay sipa nito sa tagiliran ni manong. Muling umalingawngaw ang mga daing ng huli. "Alis bago pa kita tuluyan." mahina at pabanta nang sabi ng lalaki. Napapa-daing na tumayo si manong at nagkakandarapang tumayo upang kumaripas ng takbo palayo. Parang narinig ko pa ngang napa-hikbi siya. Seryoso. Pagka-lingon kong muli sa lalaki ay naabutan ko syang nakatungo sa kalsada at para bang may kung ano syang kinagagalitan doon. Ilang beses nag-igting ang panga niya bago nanuhod sa kalsada. Mayroon siyang kung anong pinulot mula doon. At sa kabila ng kadiliman at tanging iilang posting nagbi-bigay liwanag, naaninag ko kung ano iyon. Isang gold neclace na may heart pendant. Bahagyang napakunot ang noo ko ng mapagtantong pambabae iyon. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga bago tumayo at ibulsa iyon. Napa-singhap ako ng bumagsak sa akin ang malalamig ngunit bahagyang nanlalambot niyang mga mata. Ngunit ng ilang sandal kaming magpalitan ng tingin ay unti-unting nandilim ito, katulad ng unang beses ko iyong nakita. Umawang ang mga labi ko para sa mga salitang hindi ko nasabi. "Ikaw nanaman... kaya pala minalas nanaman ako." hindi ko narinig ang ibinulong nya sa hangin. Humakbang ako ng isa palapit ngunit mabilis pa sa alas tres ay nakaalis na kaagad sya. Naiwan na lamang ako doong nawi-weird-uhan. Sa kanya at sa bawat pagkikita namin. Bigla na lang syang sumusulpot mula sa kawalan at bigla nalang din syang naglalaho ng parang bula. 'Di ko gets. Dalawang araw. Madalas akong magpunta sa rooftop at doon sa eskinitang madalas kong daanan. Nagbabakasakaling makikita ko sya doon. Pero wala. Parang multo. Hindi nagpapakita 'pag inaasahan mo. Magpaparamdam lang sila sayo 'pag hindi ka handa. Ewan ko. Eh bakit ko nga ba sya hinahanap? At bakit ko sya gustong makita? Kasi... pakiramdam ko obligado akong magpasalamat sa kanya dahil sa nangyari noong gabing 'yon... kahit sabihin na nating kaya ko namang i-handle si manong, still, tinulungan parin nya ako. Kahit na mukhang may sarili siyang grudge do'n sa holdaper. Pero teka nga a. 'Di ba binali nya 'yung board ko? Ibig sabihin kwits na kami? Napailing ako sa sarili. 'Di ko maintindihan anong mayroon sa lalaking iyon at hindi siya mawala-wala sa isip ko na para bang may misteryo akong inaantabayanang maungkat. Nasa cafeteria ako't nakapila habang iniisip kung anong klaseng lamang lupa ang lalaking iyon ng biglang, "Sunog!" may unggoy na sumigaw sa tainga ko. "AY PEDRO!" I swear namula talaga ako dahil halos lahat ng estudyante sa cafeteria ay napalingon sa akin. Ang iba'y natatawa, nawi-weirduhan at ang iba pa'y kababakasan ng pagtataka at kaunting iritasyon. Tinapunan ko kaagad ng matalim na tingin ang humahagalpak sa tawang si Pj sa likuran ko. Ini-neck chop ko sana para matuluyan na kundi lang naka-ilag ang ungas. "Tch." binalewala ko siya ng umasenso ang pila. Hindi parin maawat ang baliw sa pagtawa. Naroon na siya sa tabi ko at panay ang kalabit sa akin. Siniko ko nga. "Aw!" Lihim akong napangiti ng marinig ko ang daing niya ngunit mabilis ding naglaho ng pasigaw siyang bumulong. "Pedro ang bato!" Ito yata ang lamang lupa eh. Bakit ba kasi naisip ko si Pedro Penduko sa mga lamang lupa na 'yan. Hayup! "Ah mali." biglang sumeryoso ang boses niya sabay muling sumigaw, "Pedro! Ang panday! Bilisan mo ngawit nang brief ko!" We both snorted then laugh hard together na animo'y mga sinasaniban. May maingay na tumikhim sa 'di pangkaraniwang katahimikan ng cafeteria. Ng nasagi ng paningin ko iyong masungit naming teacher sa math ay agad kong naitikom ang mga labi ko. Siniko ko ng malakas si Pj at sinenyasan siyang may trouble na agad naman niyang naintindihan. Kaya't tanging tahimik na tawa na lamang palabas sa ilong ang ginawa niya. Ginaya ko siya ng hindi ko napigilan ang tawa ko. Sabay kaming sumulyap sa masungit naming teacher at agad nag-patay malisya ng sinalubong kami nito ng matalim na tingin. "Nagutom ako, Pedro--este--Nicabels." natatawa parin niyang sabi. "Baka naman o. Malapit na birthday ko. Wala bang libre d'yan?" Sasagutin ko pa lamang sana siya'y natameme na ako ng bigla niya akong inakbayan. Langya kasi 'yung biglang lundag ng puso ko. Akala mo naglu-luksong tinik. Hindi tuloy ako gaanong maka-hinga ng maayos dahil para akong maiiwan sa bilis ng takbo ng walangya. "Kahit 'yung special chicken with mushroom sauce lang o..." Hindi ako nakasagot agad kaya akala niya mauuto niya ako. "Na may kasamang drinks na pineapple juice at halo-halo for dessert. YUM!" "Huy! Ano ka, patay gutom?" asar ko, pagkatakas ko sa akbay niya para kumuha ng tray. 'Bestfriends since eight years old'--that's our label. At ang label na 'yon ang pinaka-nakaka-frustrate na label para sa crush mo since freshman year. "Aray ko naman!" sinapo niya ang dibdib at nag-inarte na akala mo'y bagay. Kahit bagay naman talaga. Cute na unggoy. Bwisit! "Ang sama naman ng ugali mo Pedro. Kaya siguro wala kang 'Ding' tulad ni Darna eh no!" Sinapak ko na. "Hoy! Nakakahiya naman ang isang buwan kong allowance na pang isang araw mo lang!" "Nagi-ipon ako para sa future..." sabay tingin sa akin ng seryoso. "Future girlfriend ko!" sabay halakhak. Ang daya nitong unggoy na 'to. Parang namula ko do'n ah. Kailangan talagang titingin muna sakin ng gano'n? Nananadya 'to, papatulan ko 'to! "Anyways, speaking of, hindi ako makakasama mamaya sa inyo sa tambayan." sabi nya pagkalapag ng tray sa lamesa. Alam ko na 'to. Nangyari na 'to. "Bakit?" Hinanda ko na ang sarili sa maririnig. Tumikhim sya. "Alam mo kasi bes, may napaka-gandang babae akong nililigawan ngayon." At kahit alam ko na o kahit naghanda pa ako sa sasabihin niya langya ang sakit paring marinig. "Talaga ba? At sino namang napaka-gandang babae ang papayag na magpaligaw sa unggoy na si Pj?" itinawa ko ang nadamang pagkabigo. Sana hindi niya nahalata. Naging attentive siyang bigla. "Hmn! One of these days dadalhin ko sya sa tambayan. Ipapakilala ko siya sa inyong lahat and I promise, magugustuhan niyo siya. She's that great!" Napahinto ako sa pagkain at agad napatingin sa kanya. Mabuti nalang at hindi niya nakita ang reaksyon ko dahil abala na siya sa pagsubo. Tama ba ang pagkakarinig ko? Dadalhin niya sa tambayan? Ipapakilala niya sa amin? Eh sa dami ng naging girlfriend niya wala naman siyang dinala do'n? What's so different about this girl? Tumikhim ako para lang mawala ang bukol sa lalamunan. "Tinanong mo ba siya kung gusto niyang sumama? I mean, kung magiging kumportable ba siya? Puro lalaki ang tao do'n." Niyuko ko na lamang ang sariling pinggan para lang hindi niya makita ang ekspresyon ko. Narinig ko ang halakhak niya. "Kung magsalita ka parang hindi ka babae ah? Bakit naman ikaw?" Parang gusto kong chop-chopin bigla 'yung manok sa pinggan ko. Talaga lang ha? Kailangang may paghahalintulad sa akin? Are we even the same species? Baka higad iyan? Okay. Kalma. Okay. "I'm pretty confident na sasagutin nya ako. After a year, Nica, can you believe it? Magkaka-girlfriend na ako ulit!" maligaya niyang anunsyo. "Hmn. Happy for you." labas sa ilong kong sabi. Ng sandali siyang natahimik ay sinulyapan ko siya. I saw him smiling dreamily like an idiot habang nakatingin sa akin. "Panis ba 'yung steak na kinain mo, bes?" ngiwi ko. Tumawa ang unggoy. "Trust me. She's one of a kind. You'll like her..." I shrugged. "Okay. Sabi mo eh. Let's see then." Pinandilatan ko iyong manok sa plato ko at tinuhog ng tinidor. Ng sumubo ako ay nginitian ko si Pj na nanatiling nakatingin parin sa akin. Gaano nga ba kahirap makita ang mga bagay na nasa harapan mo lang? Mapapansin mo ba ito kung hindi ito mawawala sa 'yo? At kung mawala man ito hahanapin mo ba? Magbabago ba ang pagtingin mo? I guess I know all the answers to that. And it's a bitter truth. Makalipas ang ilang sandali ay bigla akong napatigil sa pagkain ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na mukhang 'yon. Kumunot ng bahagya ang noo ko sa pagtataka. Namamalik-mata ba ako? "I can't wait! Maybe I'll bring her next week--ah hindi. This we--what's wrong?" nilingon nya ang kung anong tinatanaw ko. Napatayo na ako ng mawala ito sa paningin ko. It's him. Right? "Nica?" nilingon ako ulit ni Pj ng bahagyang nakakunot na ang noo. "What is it? Okay ka lang?" "May pupuntahan lang ako." Hindi ko na inantay ang sagot nya. "What? Hindi ka pa tapos kumain!" narinig ko pang pahabol nya pero di ko na sya nilingon. Patakbo kong nilabas ang cafeteria. Natanaw kong patungo siya sa pinaka-dulong building. Mabilis akong sumunod doon hanggang sa nahantong ako sa rooftop. Medyo hinihingal na ako ng magpalinga-linga ako sa paligid. Pero wala akong nakita ni anino ng kung sino doon. At bakit... bakit ko nga ba siya sinundan dito? Ni hindi ako siguradong siya 'yon? Napasandal nalang ako sa pader hanggang sa humupa ng hingal ko. I'm crazy. Maybe I'm a weirdo after all? "What's wrong with me?" tawa ko sa sarili. Nasobrahan yata ako sa pagi-isip sa kanya kaya namamalikmata na ako? Nagbuga ako ng hangin at umayos ng tayo. Pahakbang na sana ako paalis ng bigla syang bumulaga ilang metro ang layo mula sa akin. Nakapamulsa sya't seryosong nakatitig sa akin ang malamig nyang mga mata. It really is him. And he's here. Ang hambog na lalaking biglang susulpot at bigla ring mawawala. Padura nyang itinapon ang upos nang sigarilyo sa bibig nya. Ibinuga nya ang huling usok habang sinasabing, "Hinahanap mo ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD