Hinawi ko ang mahaba kong bangs para lang palisin ang namuong pawis sa noo. Kahit umulan noong isang araw ay talagang maalinsangan parin.
"Oy!" bati ko kay Migz, ka-club ko sa taekwondo, ng makita ko siya sa labas ng cafeteria kasama ang mga kabarkada niya.
Tanging alanganing tango ang isinukli niya sa akin.
"Maniniwala ba kayong pina-sparring sakin sa training ang black belter na babaeng 'yan? Sa aking red belter?! Mga pre, I have no words, akala ko katapusan ko na. Halimaw ang babaeng 'yan, mga pre, halimaw."
Nakita kong may kung ano siyang binubulong doon sa mga kasama niya. Siguro sinasabi niya kung sino ako?
Sabay-sabay ang mga itong nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila ngunit sing bilis ng kisap-matang nag-iwas ang mga ito ng tingin.
Napa-kamot na lamang ako sa sintindo at nagpatay-malisya dahil sa pagka-pahiyang sinapit.
Sinigurado kong malinis ang suot kong all black na chuck bago ako nagtungo sa loob ng cafeteria.
Maraming estudyanteng kumakain, nagkukwentuhan at ang iba'y naka-tambay lang doon. Nariyan ang grupo ng mga babaeng kikay, mga lalaking papogi dahil mga athlete, mga subsob sa pag-aaral at mga walang pakialam sa mundo.
Naiiling akong nagtungo sa counter para bumili ng lunch. Absent iyong unggoy kong bestfriend kaya loner ako ngayon.
Nakapila na ako sa counter ng maaninag kong pabalik galing doon ang isa sa mga classmates ko. Si Tammy. Pangiti pa lamang ako sa kaniya'y mabilis na niya akong nilampasan.
"Weirdo." I heard her snort.
Okay.
Sabi ko nga hindi ko na ngingitian ang kahit na sinong makita ko.
I'm okay.
Ngumiti ako sa sarili.
I'm really okay.
Ng ako na ang o-order ay muli akong ngumiti ngunit agaran din ang pagkaka-lukot ng mukha ko.
Ang sakit naman ng tanghaling ito! Why is everyone so mean to me? May nagawa ba akong mabigat na kasalanan? Hindi naman ako tumuhog ng sobrang fishball kahapon ah? Pati nung isang araw? Huli kong ginawa 'yun nung freshman--I mean, hindi ko gawain 'yon ah!
Ang pag-tuhog ng sobrang fishball ay isang mortal sin, my fren. Repeat after me!
"Oy miss, bat ang asim ng mukha mo? O-order ka ba o ano?"
Nagtungo ako sa pinakadulong building para maglabas ng lagim at sama ng loob sa cr.
Pasintabi sa mga nanginginain pero ayan nuuuuh—'di Joke lang. Sa payapang rooftop lang ang tungo ko, kung saan nagla-lagi ang mga sawing damdamin pati nang sawing palad--at ako lahat 'yon kaya aangkinin ko 'tong rooftop buong lunch break!
Relax akong naupo sa kung saan doon sa rooftop at nagsimulang kumain habang pinagmamasdan ang paggalaw ng ulap at pinakikiramdaman ang pag-ihip ng pang-tanghaling hangin.
Masarap ang buhay ko ng mga oras na 'yon ng bigla na lang akong nakaramdam ng pagyanig. Hindi ko pinansin noong una dahil baka mga batang pusakal lang na nagtatakbuhan sa corridor. Ngunit ilang sandali lang ang binilang ng muli ko iyong maramdaman at mas malakas na ito kaysa kanina.
Doon na ako medyo nagtaka. Ang pagka-sawi ay sandali kong isinantabi.
Baka mamaya'y nililindol na pala ako't gumuho na lang bigla itong building at matapos ang tunay na maliligayang araw ko ng wala man lang akong pakialam dahil nagse-senti akong mag-isa dito--Ang haba, 'no?
Tumayo ako atsaka inalis ang earphone sa tainga para lang pakiramdaman at obserbahan ang tahimik na muling paligid.
Naalarma ako may matagpuan akong dalawang lalaking nakatayo doon sa may bandang dulo ng rooftop. Ang isa'y nakatalikod sa akin habang ang isa nama'y nakatagilid at nakatama ang isang kamao sa pader.
Napasinghap na lang ako ng mapagtanto ko kung ano ang sanhi ng malakas na pagyanig.
Ang lalaking 'yon ay sinuntok ang pader... ang pader... ng dalawang beses...
This guy is trouble.
Maglalakad na sana ako paalis dahil hindi naman nila ako gaanong natatanaw. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa pinto ng bigla akong napatalon sa gulat dahil sa isang sigaw.
"Hayaan nyo na ako! Buhay ko 'to kaya wala kayong pakialam!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng bigla-bigla na lamang kinuwelyuhan ng lalaki ang lalaking sumuntok sa pader matapos nitong sumigaw.
"Tangina! Gan'yan ka ba talaga kababaw?! Gumising ka nga!"
Napasinghap ako sa gulat ng mabilisang dumapo ang kamao ng lalaking sunod na sumigaw sa lalaking nauna.
At sigurado akong malakas iyon dahil sa tunog ng impact at dahil napahandusay ito sa lapag kasama na ng nagdurugo nyang kamay at labi.
Nagtagal ang tingin ko sa huli. At kahit may sampung metro ang layo nito sa aki'y... parang may pamilyar sa kanya.
"Tigilan mo 'yang pagiging tarantado mo..."
Wala akong narinig na sinagot ng lalaking pamilyar hanggang sa lumabas na ng rooftop 'yong lalaking nanapak.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking naiwan at muli akong napatalon ng maabutan kong nakatingin na ito sa akin. Nataranta ako kaagad lalu na ng makita kong tumatayo na sya kaya't napa-iwas ako ng tingin dahil ayokong salubungin ang nakakatakot nyang tingin.
Ang awkward...
Ilang segundo ng katahimikan ang yumanig sa akin bago ko sya muling sinulyapan. Kinabahan ako ng makita kong sa akin parin sya nakatingin.
"Problema mo?"
Napa-titig ako sa kanya ng may halo paring kaba ng barumbado syang nagsalita.
Pamilyar talaga sya. Yung tingin nyang nakakatakot na parang hindi man lang kumukurap. Pati na 'yung buhok nyang mahaba at medyo magulo na parang dinaanan ng signal no.1 na bagyo.
"Tss." sabay irap in a 'maangas' way.
Tinalikuran na nya ako bago balewalang pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nya gamit ang likod ng palad.
At noon ko lang naalala kung bakit sya pamilyar.
"Sandali! Ikaw yung... lalaking..."
Huminto siya sa kalagitnaan ng paglakad at dahan-dahan akong nilingon.
Nagtama ang mga tingin namin. Ang lamig sa mga mata niya'y katulad ng sa gabing iyon.
Gumapang ang kilabot sa akin ng muling mabuhay ang naramdaman kong parehong galit. Hindi ko nakuhang magsalita ng dahil doon.
Pinasadahan niya ako ng tingin at nagdilim ang mukha niya bago ngumisi.
Siraulong!--pinagtatawanan ba ako nito? Talaga namang--hindi ba dapat ako ang gumawa no'n dahil sya 'tong wala sa ayos? Ni hindi nga sya naka-uniform--kung dito man siya naga-aral dahil hindi siya mukhang estudyante sa asta niya. At paano syang naka-pasok ng ganyan ang itsura?
"Ngayon?"
Tila nagliyab ang galit ko ng mapagtantong naaalala nya ako pati na ang ginawa nya gayong walang bakas ng pagsisisi akong nakikita sa mukha nya.
Ang hambog na ito.
Ilang sandali ko siyang pinanlisikan ng mata at pinatay sa isip ko. Ngunit iyon lamang siya't unti-unting namamatay ang emosyon hanggang sa tanging lamig na lamang ang matira sa mga mata.
Kinilabutan ako ulit.
Muli kong hinanap ang galit ko. Ngunit hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-tagal ng titig ko sa kaniya'y siya ring pagbawas ng galit ko. At halos mawala na iyon ng makita ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa mga mata niya.
Isang singhap ang hindi ko napakawalan.
Hindi ko alam kung naaawa lang ako dahil sa mga sugat nya o dahil parang hindi sya ang taong nakaharap ko ng gabing 'yon. Ibang-iba ang aura nya ngayon. Kung mukha syang walang kaluluwa ng gabing iyon, sa ngayon nama'y mukha syang wasak... na hindi ko maipaliwanag.
Napa-hakbang ako ng nag-bitiw siya ng tingin.
Matapos guluhin ang buhok ay muli niyang tinahak ang pinto.
Muli akong humakbang at plinanong magsalita ngunit,
"Mga walang kwentang tao..." Nag-igting ang panga nya bago pabalyang isinarado ang pintuan.