Kumalabog ang puso ko't nawala iyong gutom at pagod na nararamdaman ko dahil lang sa sinabi nya. Naayos ko ang paraurang upo ko ng wala sa oras. "B-bakit, nasaan ka ba? Wala ka na bang k-klase?" nanlamig ang mga kamay ko. "Lunch break na. Nasaan ka ba? Wala ka do'n sa pinaghatiran kong room ah? Nand'yan ka ba sa room nyo?" narinig ko ang maingay na corridor sa background. Mukhang labasan narin ng iba. "W-wala! Ano..." hindi ko alam kung sasabihin ko ba kung nasaan ako. Baka kasi pagalitan ako nito 'pag nalaman nyang ito ang dahilan kung bakit ako nag-cut ng half day class. Lalu na dahil hindi ako sigurado kung may pahintulot nga ba ito ng principal. "Wala? Eh nasaan ka ngayon?" naimagine ko kaagad ang nagtataka nyang mukha. May kung anong nagliparan sa sikmura ko. "S-sa ano..." napabu

