"Bakit dito? Di ba sa kabilang building ang room nyo?" tanong ni Pj habang pinapasadahan ng tingin ang bawat bakanteng room na dinaraanan namin. "Uhh... dito daw muna ako magka-klase..." medyo alanganing nasabi ko. "Don't tell me ipinatapon ka na sa last section dahil lang sa pag-cut mo ng klase kahapon?" natatawang untag niya. "Mahigpit pa yata sa sinturon ko ang lab high ah?" I gasp. "Pero posible ba 'yon? Na ipatapon sa last section? Kahit nasa kalagitnaan na ng sem?" "That's what you call a joke, Nica." Natuluyan siya sa pagtawa. "What's wrong with you? Masyado kang anxious." "Actually... magc-cut kasi ako ulit ng klase ngayon." "You what? Seriously?" pinandilatan niya ako. "Sandali is it the spoiled brat again?" Sawi akong tumango. 'Yung mayabang ang tinutukoy niya. "Is that o

