Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi nya. Pagka-sulyap ko'y nakita kong walang bakas ng kahit kaunting ngisi ang mukha nya. Tamad nyang ipinatong iyong kaliwang braso nya sa tuhod nya't hinintay akong gawin ang sinabi nya. Nagiwas ako ng tingin atsaka umusod palapit sa kanya habang naka-indian sit. Tumamang muli iyong tuhod ko sa kanang hita nyang balewalang nakaunat lang sa lapag. "Ok na?" tanong ko habang nakayuko sa libro. Narinig ko ang paghugot nya ng isang malalim na buntong hininga bago sabihing, "Umpisahan mo na." Inilapit kong muli iyong nakabukas na libro sa kanya pero sa bandang tuhod ko iyon nakapatong. "Pamilyar ka ba sa Periodic table?" di ko talaga sya nililingon. "Let me see." hinawakan nya ang dulo ng librong nasa side nya't marahang hinila iyon palapit sa kanya. N

