Hindi talaga maka-usap ng maayos yung mayabang na yon! Ayaw nya talaga ng tulong huh. Bahala nga sya. Ay, oo, Jhen. Bahala sya. Bahala karing humanap ng pang-tuition ha? Padarag akong nagpatuloy sa paglakad. Wala na sa paningin ko yung lamang lupa ng magdiretso ako sa Science faculty. Hinatid ko ang ilang test papers na galing doon sa teacher na nasa library. Tulala akot hindi ko parin maisip kung bakit galit na galit si Sir Alejo sa kanya. Alam kong basagulero sya pero anong problema sa kanya ng huli? Ewan ko. Di ko talaga gets yung bully na yon. Pati teacher kaaway nya. Class hours. Chemistry ang subject kaya inaantok ako. Hindi na sila nagsawa sa periodic table. Makakain ba ang mga element na nakalagay doon? Hindi na lang ako nakinig ng lecture dahil pag ganitong wala ako sa mood, w

