Mabibigat ang bawat hakbang ko palayo sa lugar na 'yon. Kanina pa akong naglalakad at hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Ni hindi ko na naaalala ang dinaanan namin kanina. Naiwan ko pa 'yung uniform ko sa kasumpa-sumpang lugar na 'yon. Nandoon pa man din ang cellphone at wallet ko. Naengkanto ba ako?! Nanghihinang napaupo na lang ako sa isang pavement na katabi ng mga puno. Wala akong maaninaw na mga tao sa daan. Madilim na din kaya nakakatakot nang maglakad, lalu kung hindi mo alam saan pupunta. Napasapo ko ang tyan ko ng marinig ko ang pagrereklamo nito. Tinignan ko ang suot kong relo. Eight pm na at nagugutom na ako! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pinasadahan ng tingin ang sarili. Hindi ako kumportable sa suot ko. Bukod sa maiksi, hapit at revealing ay h

