HILING NG ANAK
__
"LAWRENCE.."
SINUNDAN ni Carol si Lawrence sa silid nila pagkatapos maayos na ihatid sa pinto si Mildred.
Nakaupo ang asawa niya sa swivel chair, paharap sa computer monitor nito sa kaliwang bahagi ng kama nila.
"Not now, Carol!" mahinang bulong nito.
"Not now? Ano ba ang ginagawa ko ha? Lawrence, hindi mo man lang hinarap ng maayos si Mildred! Ano ba problema mo ha?"
Umupo siya sa kama nila sa likuran nito. Hindi man lang nito inabala ang sariling lingunin siya para makapag-usap sila ng maayos.
"Lawrence, baka nakakalimutan mong naging parte ng buhay mo si Mildred! Tao siyang pumunta rito, sana naman tao mo rin siyang hinarap.." bigkas niya pa.
Umikot si Lawrence paharap sa kaniya.
"Seriously, Carol? Seriously! Nakukuha mo pa talagang banggitin ang nakaraan? Anong klase kang asawa para ipaalala ang matagal nang nangyari ha?" galit nitong turan sa kaniya.
May pang-uuyam sa bawat katagang nagmula sa bibig nito. Bumalik ito sa ginagawa nito.
"Lawrence, tapatin mo nga ako! May problema ba tayo ha? Ano ba ang kinagagalit mo? Mahirap bang bumati man lang sa tao? Rence, si Mildred pa rin ang dahilan kung bakit naging mag-asawa tayo 'di ba? 'di ba?"
Nakita niyang umiling-iling ito.
"Lawrence, ano ba? Kausapin mo ako! Sabihin mo sa akin kung ano iyong problema! Nagsasawa ka na ba sa akin? Ano ba mali ko? Mayroon ba, para naman mabago ko kung mayroon.."
Huminto si Lawrence sa tinitipa sa computer nito. Humarap ito sa kaniya at muling umiling-iling. Tumayo ito tumungo sa vanity table at kumuha ng earphones nito bumalik sa pagkakaupo.
"Lawrence, ano ba! Nababastos na ako!" Angil ni Carol dito. Hinila nya ang sinaksak sa tenga nito para siguro hindi marinig ang lahat pang sasabihin nito.
"Stop! May ginagawa ako, Carol. Stop your drama!" anito sa kaniya.
"Ayusin natin kung may dapat tayong ayusin, Lawrence! Ayaw mo na ba sa pagiging nagger ko? Iyon ba ang problema? Hindi naman ako magkakaganito kung pinaparamdam mo sa akin na asawa kita at ama ka ni Tasha!"
"Ano ba! Minsan na nga lang ako umuwi rito ganyan ka pa! Hindi ka na ba talaga magbabago ha? Wala ka nang ginagawa kun 'di manumbat, magalit at magduda! Nakakapagod ka na!"
Natigilan si Carol sa naging tugon nito sa kaniya.
"Pagod ka na? Gusto mo na kaming iwan? Akala ko ba hindi mo hahayaang lumaki sa hindi buong pamilya si Tasha dahil iyon ang kinalakhan mo! Pero bakit ngayon napapagod ka na?" pagtatampo niya rito.
Sinundan niya nang tumayo si Lawrence. Tumuloy ito sa banyo sa silid nila.
"Enough! Pagod ako! Gusto ko magpahinga kaya ako umuwi rito," mahina nang sabi nito sa kaniya.
"So kung hindi ka pagod hindi ka uuwi? Kung hindi ka pagod aasa na naman kami sa wala ng anak natin? Lawrence, huwag mo naman kalimutan na may anak ka. May anak tayong limang taong gulang na naghahanap ng atensyon mo na nangungulila sa buong pamilya!" sumbat niya rito.
"Carol, kung magsalita ka para wala akong trabaho ah! Naghahanap-buhay ako para sa atin, para sa sinasabi mong pamilyang kinakalimutan ko!" sumbat pa nito.
Sumunod siya rito nang muli itong lumabas pagkagapos nitong magbihis.
"May iba na ba? M-may iba ka na ba, Lawrence?" Natigilan si Lawrence sa binitiwan niyang tanong dito. Lumingon ito sa kaniyang may galit sa mga mata dahil siguro sa naging tanong niya rito.
"Stop your drama, Carol!" may diin ang mga salitang binitiwan nito sa kaniya.
"Mommy... Daddy..."
Sabay ang paglingon nila sa pinto nang marinig nila ang boses ni Tasha. Mukha pa itong naaantok dahil sa pinakawalang paghikab nito at bahagyang pagkusot ng mga mata nito.
Mabilis ang ginawang paglapit ni Carol dito para buhatin ang anak nila.
"Baby, why don't you call, Mommy?" tanong niya ritong may pag-alala na baka may narinig ito sa pinag-usapan nilang dalawa.
"You went home na daddy? Why don't you wake up me?" tanong nito sa ama nang magbaling ito ng tingin kay Lawrence. Hindi man lang nasagot ang tanong niya dahil sa pananabik sa presensya ng ama.
Lumapit si Lawrence dito para kunin ito sa pagkakabuhat niya.
"How are you, Baby? Na-miss ko ang anak ko," anito kay Tasha.
Hinalikan nito sa magkabilang pisngi si Tasha. Masayang-masaya ang anak nilang dalawa, halata ang sobrang pangungulila talaga kay Lawrence.
Nilahad nito ang kamay, nagsasabing lumapit siya sa mga ito. Lumapit din si Carol nang tanggapin ang maliit na kamay ni Tasha.
"I miss you, Daddy. Na-miss ka namin ni mommy. Lagi kami nag-we-wait na umuwi ka."
Iniwas niya ang mata kay Lawrence, nang maglapit ang mga kamay nila sa likuran ni Tasha.
"Na-miss din kita, Princes.." tugon naman ni Lawrence dito.
"You miss, Mom rin 'di ba, Daddy?" malambing na tanong ni Tasha. Patay malisya nyang nilayo ang katawan niya sa mga ito. Aktong inaayos ang sapatos ni Lawrence na hinubad nito sa may pinto.
"I miss you both, Baby. Naging busy lang talaga ang daddy sa work. But no worries. Babawi ang daddy. Gusto mo ba mag-vacation?" tanong nito sa anak. Nagulat siya't bahagyang nag-alala na baka biguin lang nito ang bata.
"Opo, Daddy..." Malakas na tugon ni Tasha. Muli siyang tumayo sa harap ng mga ito habang buhat-buhat pa rin nito si Tasha. Gusto niyang marinig ang iba pang sagot ni Lawrence at hindi pagpapa-asa lang sa anak nila.
"Oo, Anak. Aayusin lang ni daddy ang work nya, tapos magbabakasyon tayo kasama si mommy."
Sa sayang naramdaman nagsisigaw si Tasha. Ilang buwan na rin sila halos hindi nakakapag-out-of-town mag-anak. Panalangin niya ngayon na sana totohanin ni Lawrence 'to, dahil baka iyon na ang sandaling muling maging matatag ang pamilya nila. Baka sakaling kaya pang sagipin ang pakiramdam niyang mawawasak na.
"I love you mommy, and I love you daddy.." Malambing na bigkas ni Tasha habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"I love you too, Baby..." Halos sabay pa nilang bigkas ni Lawrence para kay Tasha.
"Can you say I love you to each other din po," aniya ni Tasha.
"Please, Daddy..."
Napasinghap si Lawrence. Hindi ito nakaligtas sa tingin niya.
"Love you, Carol.." sambit ni Lawrence na halos hindi makatingin sa kaniya.
"I still love you, Lawrence.. M-mahal pa rin kita.." ani ni Carol dito na naging dahilan ng muling pagtili ni Tasha sa sobrang saya.