The Betrayal | Chapter Six
SURPRISE
__
TARLAC, 9:58 PM - OCTOBER-
MAAYOS ang naging pagkikita at paghaharap nina Carol kay Mildred. Nagluluksa pa rin ang kaibigan niya hanggang sa mga sandaling iyon. Kita niya pa rin sa mga mata nito ang pangungulilang nararamdaman sa pagkawala ng mga magulang nito isang taon na ang nakalipas. Kaya heto nga siya ngayon at handa siyang bumawi sa lahat ng kakulangan niya n'on kay Mildred. Hindi niya ito nasamahan sa Singapore dahil pamilya nila ang naging punong-abala para mag-asikaso ng lahat sa lamay paging sa pag libing.
"Ano ang iniisip mo, Hija?" tanong ng papa niya sa kaniya. Malungkot siyang ngumiti rito. Magkatabi sila sa likod ng van ng ama niya at si Tasha ay nakatulog sa gitna nilang dalawa.
"Nothing, Dad. Naaawa ako lang ako kay, Mildred. Alam kong malungkot siya, pero mas pinipili nya pa rin mag-isa," sagot niya rito.
Hinanap niya nga kanina si Sam sa mga bisita nito. Para sana may umalalay rito sa mga oras na iyon. Busy daw ito, iyon ang sagot ni Mildred sa kaniya.
"Magiging maayos din si Mildred. Malakas ang kaibigan mong iyon. Pareho kayo, Anak. Lilipas din ang lungkot, tulad mo na lang sa mommy mo," aniya rito.
Tama naman ang papa niya sa kabilang banda. Ilang sandali naramdaman niyang may sobre itong inabot sa kaniya, makapal ito at alam niya kung ano ang laman n'on.
"P-Pa ano to?" tanong niya.
Pinagmasdan nito si Tasha. May ngiting sumilay sa labi nito.
"Para kay Tasha, Anak. Ibigay mo lahat ng pangangailangan niya. Ayaw kong umasa lang kayo palagi sa asawa mo," anito sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. Ayaw niya sanang tanggapin ang perang inaalok nito sa kaniya; pero aminin niya man o hindi kailangan nila ni Tasha. Nahihiya na rin naman siyang humingi kay Lawrence, kung may pagkakataon.
Hinawakan niya sa kamay ang papa niya. Ngumiti siya rito na punong-puno ng pagpapasalamat sa tulong nito sa pamilya nila.
"Hindi naman nagkukulang si Lawrence, Pa. Pero nagpapasalamat pa rin po ako. Malaking bagay sa amin 'to. Lalo na kay Tash.."
"Alam ko, Anak. Anything for you, Hija. Sa inyo ng apo ko."
Sa puso ni Carol nandoon ang sobra-sobrang pagpapasalamat para sa ama niya, iniwan man sila ng maaga ng mommy niya hindi niya naman naramdaman ang sobrang kakulangan dahil sa daddy niya. Lagi itong naroon kapag kailangan niya. Hindi ito kailanman nagkulang sa kaniya. Hiling na lang ng puso niya ngayon na sana pagdating ng panahon maging katulad ito ni Lawrence; ang pagiging responsable nitong ama ang labis niyang hinahanap sa presensya ni Lawrence.
__
MENESES RESIDENCE MAKATI. 8:50
"GOOD MORNING, RENCE? Nasa work ka na ba?" malambing na tanong ni Mildred sa lalaki. Sinadya niya itong tawagan para ipaalala rito ang lakad nila ngayon; inutusan niyang magfile ng leave si Lawrence. Nangako naman ang huli na susundin ang utos niya rito. Heto nga at tinatanong niya ang lalaki kung nasa opisina na ba ito para kumpirmahin nang leave na matagal na palang pinasa nito sa HR ng kompanya. Nangako sa kaniya si Lawrence na kapag naging maayos na pupunta agad ito sa kaniya. Kaya nga naghanda siya ng Spaghetti Bolognese na paborito nitong gawa niya.
"Hi, Dred. Everything is doing good. Approve na ang leave ko. Ililigpit ko lang ilang gamit ko then punta na ako diyan."
"I'll wait you here ha. Don't hurry! Magluluto pa naman ako eh. Okay."
"Okay, Baby. See you."
"See you here, Rence. And, I promise hindi ka magsisisi that you will spend your time right at my side. I love you, Baby."
"I'll always do, Ms. Meneses.."
Napangiti si Mildred sa pagmamahal na pinaramdam sa kaniya ni Lawrence. Ganoon na lamang ang sayang nararamdaman niya dahil sa loob ng anim na taong pagsasama nito at ni Carol; hindi lubos nakayang kunin ng kaibigan niya ang pagmamahal ni Lawrence sa kaniya. Sa kaniya pa rin ito nagkakaundagaga. Siya pa rin ang hinahanap-hanap nito kapag nangangailangan ito. Nothing change and noone can defeat her; kahit na ang pinakamatino pa niyang kaibigan sa lahat si Carol Bernardo.
'Dala mo lang ang apelyido ni Lawrence. But you never get his love, Carol. Ako pa rin. Sa akin pa rin nababaliw si Lawrence Saavedra,' natatawa niyang sambit sa sarili.
Hindi niya hahayaang mawala ito sa muling pagkakataon. And, so what kung may isang batang limang taong gulang na masasaktan sa kung anong mayroong relasyon ang pwedi nilang mabuo? She don't care at all!
'Bakit? Binigyan ba nila ng pagkakataon mabuhay ang mga magulang ko? No! They let my parents die! Technically, ang mga magulang ni Carol ang pumatay sa mommy at daddy ko!' galit niyang usal.
Sa sarili niya sinumpa niya sa puntod ng mga itong hindi niya kayang patawarin ang papa ni Carol o kahit na ang kaibigang hindi nya alam kung ano ang naging papel kaya na-aksidente ang parents niya.
'You will gonna pay for this! I promise!'
Malakas ang ginawang pagbato ni Mildred ng kopetang hawak niya sa dingding. Nagkaroon ito ng isang malaking ingay sa silid niya. Galit siya! Galit na galit siya sa mag-amang Bernardo.
NEW HOPE BANK. ORTIGAS. 11:15 A.M
"MOMMY DITO NA OFFICE NI DAD?" nasasabik na tanong ni Tasha kay Carol. Sinadya nyang puntahan ang asawa dala ang niluto niyang Spaghetti Bolognese na tinuro sa kaniya ni Mildred ang recipe dahil ito ang paborito ni Lawrence.
Mainit pa ito sa tupperware na dala-dala niyang nakalagay sa maayos na paper bag.
Ilang taon niya na ring nagagawa ang bagay na ito ang dalhan ng pagkain ang asawa niya sa opisina sa bangko na pinagtrabahuhan nito dito sa Ortigas.
"Oo, Anak. Wait na lang natin ha," bulong niya kay Tasha. Nakikita niyang parang ang abala ng lahat. Paroon at parito ang mga tao, siguro dahil mag-bre-breaktime na kaya narito sila ni Tasha naki-umpok sa ilang costumer na may kaniya-kaniyang concern siguro dito. Wala pa siyang natatanaw mula sa loob ng pribadong opisina ni Lawrence, bilang branch manager. Hindi naman siya nagtangkang tawagan ito dahil balak niyang hintayin na lang itong lumabas para hindi sila maka-disturbo.
Binaling niya ang tingin kay Tasha. Naging abala itong naglaro sa cellphone niya. Napangiti siya, dahil ilang buwan din naman ito hinintay ni Tasha ang araw na ito; ang makasama ang ama nito sa kompanyang iniikutan ngayon ng mundo nito.
Ilang sandali nang maabot ng tingin niya si Eden ang sekretarya ni Lawrence. May binalot din siya para dito kaya sinalubong niya ito matapos magpaalam kay Tasha.
"E-Eden.. Eden.." may kalakasang boses ni Carol sa pagtawag sa pangalan ni Eden. Lumingon ito sa kaniya at agad ang ngiting sumilay sa labi nito.
"Ms. Carol Saavedra.. Ikaw ho pala," anito sa kaniya.
Tumingin pa ito sa gawi ni Tasha at nag-hi dito.
"For you.." Abot ni Carol sa dala-dalang pasalubong para dito.
"Ano ho ginagawa niyo rito?" may gulat sa mga matang tanong nito sa kaniya.
"Bibisitahin lang sana namin si Lawrence. Surprise visit para ibigay namin sa kaniya 'to," nahihiyang tugon niya rito.
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang biglang pagkunot-nuo nito sa naging turan niya rito.
"Si Sir Saavedra ho?" ani pa sa kaniya.
"O-oo. B-bakit? Wala ba siya diyan? Meeting?" aniya.
Sa puso niya may biglang sumikdong kaba kung para saan ang pagtataka ng tanong na nakita niya sa mga mata nito.
"Ma'am ah. Hindi niyo po ba alam?" May pabitin pang tanong nito sa kaniya.
Nilingon niya si Tasha, mabuti na lang at abala pa rin ang anak niya sa cellphone niyang hawak nito. Hinila niya sa isang tabi si Eden, may gusto siyang marinig sa sasabihin nito sa kaniya.
"Alam iyong?" kinakabahan niyang tanong dito. Sa kaibuturan ng puso niya nandoon ang panalangin na sana mali ang kutob niya.
"Ma'am Carol, nag-file ho ng two weeks vacation leave si Sir Lawrence, effective today. Umalis na ho nga siya eh, may flight daw siya abroad kaya bilin niyang huwag ko siyang abalahin sa mga concerns ko about sa trabaho.." Malinaw ang lahat ng narinig niya mula kay Eden. Nag-file ng dalawang bakasyon ang asawa nyang walang binanggit sa kaniya nang mag-usap sila kahit na nang umalis ito kanina.
"A-alam mo ba kung saan siya pupunta?" tanong niya rito. Umaasa siyang may alam si Eden; dahil kung sakali man kahit saang lupalop pa ito pumunta susundan niya ang lalaki para malaman ang lahat ng kutob niya.
"No, Ma'am. Confidential daw. Wala naman sinabi kung family getaway sino kasama niya," sagot nito sa kaniyang nandoon ang pagtataka.
"Mommy wheres na si daddy? Lalabas na ba si daddy?"
Nilingon ni Carol si Tasha. Hindi niya man lang namalayan na nasa likuran niya ito.
"Mommy, call na natin si daddy. I'm hungry na eh," dugtong pa nito.
"Ma'am Carol are you okay?" May pag-aalalang tanong sa kaniya ni Eden. Hinawakan pa siya nito sa braso. Muli siyang tumingin dito at tumango-tango sa harap nitong may pilit na ngiti sa labi niya.
"Mommy, we call dad. Please." Pangungulit pa ni Tasha sa kaniya.
"No! Don't bother him, Tasha. Hindi natin tatawagan ang daddy mo. Wala kang tatawagan. Okay? Don't ever try! Let's go!"
May kalakasan ang boses niyang tugon kay Tasha sa gusto nitong mangyari. Hindi niya rin namalayan ang ginawa niyang paghila dito na naging dahilan kung bakit ito lihim na umiyak dala ng pagkabigla dahil sa pagsigaw at paghila niya nang walang naiintindihan.
____