THE BETRAYAL | CHAPTER SEVEN
______
MALALIM na ang gabi, nakatulog na rin si Tasha sa sariling silid nito. Hindi nga alam ni Carol kung paano niya nagawang paniwalain si Tasha sa totoong kutob na mayroon siya.
Nagsinungaling na naman siya sa anak niya at iyon ang gusto niyang aminin sa sarili niya. Awang-awa siya kay Tasha isa lang naman ang gusto sana nito ang maiparamdam kay Lawrence na mahal na mahal niya ito.
*I know your cheated me, Lawrence. Hindi mo na maitatanggi at maitatago iyon sa akin. Kahit hindi man makita ng dalawang mata ko, alam ko sa sarili kong may ginagawa kang mali sa likod namin ni Tasha!*
Galit kong kausap sa sarili ko. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon ang malaman ang totoo at ang makilala mismo kung sino man ang ibang babae nito. Dahil kapag nangyari iyon, pareho ko silang hindi mapapatawad at pareho ko silang pagbabayarin sa ginagawa nilang p*******t sa damdamin ko at sa Tasha ko.
*Huwag lang kayong magpapakita sa akin. Dahil kapag nangyari iyon, baka hindi lang natin parehong magustuhan ang pwedi kong gawin!* dugtong niya pa.
Nagpasya siyang inumin ang huling alak sa baso niya't bumalik siya sa silid ni Tasha. Ayaw niyang gumising itong nag-iisa, natakot nga siya kanina dahil nang bigla itong uminit nang damhin niya ang nuo nito. Kagagaling lang ni Tasha isang linggo ang lumipas, at kung magkataong magkasakit man ito ay nag-iisa na naman siya dahil tulad ng inaasahan niya wala na naman si Lawrence at hindi niya alam kung saan ito hahanapin.
Mabuti na lang at naging tapat sa kaniya ang sekretarya nito. Sinabi sa kaniya ang totoong nag-leave ang lalaking hindi niya alam. May pinangako si Lawrence sa anak niya, at hindi siya makapaniwala na gagawin nitong umalis na wala silang dalawa o kahit sana si Tasha na lang para sa kaniya.
Pinahid niya ang luhang lumabas mula sa mga mata niya nang tuluyang makapasok sa silid ni Tasha. Tulog na tulog ito, alam niyang gustong magtanong ni Tasha sa kaniya pero wala rin siya naman maisasagot.
*Patawarin mo ako, Tash. Pinilit ko naman na ayusin ang lahat-lahat para sa atin. Pero mukhang malabo na ang lahat, Anak. Mukhang masaya na ang daddy mo sa iba.* Mapait na katotohanang bulong ko sa sarili ko.
Maingat akong tumabi sa kaniya. Humiga ako at niyakap ko ng mahigpit ito.
*Mahal na mahal kita, Tasha. Buong buhay ko wala akong minahal kun 'di ikaw lang, Anak. Pangako sa iyo ni mommy na, magiging malakas ka at magiging buo ka pa rin kahit na ano ang mangyari ha. Hindi kita pababayaan, pangako ko sa iyo 'to, Tash!* Iyon ang paulit-ulit kong bulong sa tabi niya habang nanatili ang higpit ng yakap ko sa maliit na katawan nito.
_____
"Mukhang nahihilo na ako, Baby," ani ni Mildred sa lalaking kasama niya sa isang hotel na tinuluyan nilang dalawa sa Thailand. Halos kararating lang nila galing sa pamamasyal at heto nga't nagpasya silang uminom muna.
"Ano ang nararamdaman mo't magkasama tayo? Okay ka lang ba? Masaya ka ba, Rence?" bulong niya nang umupo siya patabi rito.
"Of course. Bakit mo naman naitanong? Masaya ka rin naman 'di ba?" balik tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya nang matamis kay Lawrence, kung alam lang talaga nito kung gaano siya kasaya. Unti-unting nagagawa niya na ang lahat at heto nga't magkasama silang dalawa malayong-malayo kay Carol.
"Why? Something wrong? Mukhang worried ka ah. May problema ba?" tanong niya rito nang bigla itong natigilan. Umiwas pa ito nang bahagya niyang idikit ang katawan niya rito.
"Iniisip ko lang si Tasha.." sagot nito sa kaniya.
"Si Tasha lang ba talaga? O, baka naman iniisip mo rin si Carol. Aminin mo nga sa akin, Lawrence. Minahal mo ba ang babaeng iyon?"
"Mildred, please. We're here to enjoy, to be free from everything. Huwag na natin sila pag-usapan."
"Paano hindi natin pag-uusapan ha? Pinaparamdam mo sa akin that I'm nothing even I'm here. Si Carol pa rin ang iniisip mo kahit na ako ang kasama mo!' may himig pagtatampong saad niya rito.
"Baby, please. Huwag na natin pag-usapan ito. Ilang araw lang tayo dito hindi ba? Kaya e-enjoy na lang natin 'to."
Napasinghap siya sa naging tugon sa kaniya ni Lawrence. Sa totoo lang may tama rin naman ito, siya lang naman nag-iisip ng mali at siya lang naman ang umuungkat tungkol kay Carol.
"I'm sorry for being insecure to Carol. Alam mo naman na, siya ang dahilan kung bakit naghiwalay tayo hindi ba?!" aniya pa.
"Mildred, lets stop this. Okay. Tulad ng sinabi ko sa iyo, let's enjoy this moment. Because I'm happy that we're here together. Ikaw lang at ako ang mahalaga ngayon at wala nang iba pa."
Sinundan niya nang tingin ang kamay ni Lawrence nang hawakan nito ang kamay niya hanggang sa dinala nito sa labi nito para halikan.
"I love you, Lawrence. Walang nagbagos sa pagmamahal na mayroon ako sa iyo mula noon. Gusto kong malaman mo iyon ng paulit-ulit."
Ngumiti sa kaniya si Lawrence, linapit nito ang mukha nito sa kaniya hanggang sa sinakop nito ang labi niya't hinalikan siya.
"I still love you, Mildred. Nothing change.." bulong nito sa kaniya nang kumuwala ito ng halik sa kaniya.
"I will make sure that you will enjoy this moment, Rence. I promise, hindi mo makakalimutan ang sandaling ito.. Dahil, I'll make sure na sila muna ang makakalimutan," dugtong niya pang natatawa.
___