CHAPTER 6. #TBLNewDayNewLife Nagising ako sa mga ingay ng tao sa labas, hindi pa talaga ako sanay dito. Napakaingay, dun sa'min kasi hindi naman gaanong maingay. Bumangon na lang ako at tiniklop ang hinihigaan ko. "Astrid?" Tawag sa akin ni Tita Marlisa. "Bakit po Tita?" Kunot noo kung tanong habang kinukurot ko pa ang mga mata ko. "Bilis hali ka muna dito!" Dali-dali naman akong bumaba nang tawagin niya ako. Halata sa boses niya ang saya at pagmamadali. Dali-dali akong bumaba at humarap sa kaniya ng di pa sinusuklay ang buhok ko. "Bilis!" Hinatak niya ako palabas ng bahay. "Yun! Tamang-tama ang ganda niya!" Bungad sa akin ng isang babae. Maputi ito at nasa bente anyos na ang edad niya. Mukhang siya itong sinabi sa akin ni Tita na aalis na sa trabaho niya. At siya ang papal

