Prologue

656 Words
Prologue "Bawat pahinga ay importante kay Danica Bustamante, dahil doon nya lang naipapahinga ang patang katawan sa maghapon nitong pagbabanat ng buto. Service ng mga estudyante sa araw, at tindera ng gulay sa gabi ang hanap buhay nya upang mapag aral ang bunsong kapatid at may maipambili din ng gamot sa ama, nitong paralisado. "Mula ng atakehin ang kanyang ama, ay napasa na sa kanya lahat ng obligasyon kinailangan nyang kumuha ng maraming trabaho at tumigil sa pag aaral, dahil sa kagustohan nyang maski ang bunsong kapatid nalang ang makapag patuloy sa pag aaral, at makapagtapos para hindi ito matulad sa kanya at kahit paano ito ang tutupad sa pangarap nilang mag ama, kaya lalong nagsisipag si Danica sa paghahanap buhay at kahit pa kumuha sya ng maraming trabaho ay kakayanin nya para lang sumapat sa pang Araw-araw nilang gastosin. Isang gabi matapos nyang magtinda dala ng matinding pagod ay nakaidlip sya sa kanyang pagmamaneho at nabangga sa isang magarang sasakyan at Galit na galit ding bumaba ang may ari, ng sasakyan na si Gabriel faridez, ng makitang nitong nayupi ang mamahalin nyang sasakyan. Puno ng kaba ang Dibdib ni Danica, at namoroblema agad kong paano nya ito mababayaran at sa takot na baka dalhin pa sya nito sa pulis maging ang masasakit na binibitawang salita ng Mayamang kaharap ay pinili nyang maging kalmado para hindi na humaba pa ang nasangkotang disgrasya. Nakiusap syang huwag na umabot sa pulis ang nangyari at nakahinga ng maluwag si Danica ng abutin nito ang ibinibigay nyang driver licensed, bilang collateral sa galit na lalaki at pangakong magbabayad sya kahit abutin pa ng ilang taon. Sa muli nilang pagkikita sa kalsada ni Gabriel faridez, ay iniabot nito ang isang Calling card, kay Danica at pinapunta nya ito sa pag aari nyang Villa. "Agad na umayon si Danica ngunit isang pagkakamaling nagpunta sya sa lugar ng binatang si Gabriel, dahil hindi na sya nito pinaalis at agad na pinasimulan ang mag trabaho bilang pagbabayad sa nasirang sasakyan walang nagawa si Danica at napilitang sundin ang kagustohan ni Gabriel para mapabilis din ang kanyang pagbabayad. Ngunit hindi inasahan ni Danica na sa unang araw palang nya sa trabaho ay mararanasan nya agad ang matinding pagod sa kaliwa't kanang utos ni Gabriel at kapilyohan nito na nagpapakaba lagi sa kanya. Sa kanilang pagluwas sa Manila para makipag kita sa mga kasosyo ni Gabriel at makitang nandoon din ang kanyang dating kasintahan na naging asawa ng kaibigan nya dahil sa inakala nitong hindi mayaman si Gabriel at dahil din sa matinding galit nya sa dating kasintahan bilang ganti ay ipinakilala nyang Asawa si Danica. Para makita ng mga itong nakapag move on, na sya ngunit ang isang simpleng paghalik nito kay Danica ay tila drogang nakaka adik at nakaka ubos din ng kanyang katinoan at sa tuwing nakikita nya ang dalaga ay hindi nya mapigilang mapahanga sa Gandang taglay nito at kunyaring Idinadaan nya nalang sa pang-iinis kay Danica ngunit palaban ang Dalaga dahil lagi itong may pambalang sagot. "Hindi inasahan ni Danica, ang mga trip ni Gabriel dahil ultimo pag papanggap na asawa nito ay trabaho din pala nya ngunit ipinamumukha ni Danica kay Gabriel ang kanilang kasundoan ay pansamantala lang ang kanyang pananatili sa poder ng binata bilang isang tauhan ni Gabriel at makapagbayad sa kanyang atraso at muli syang Babalik sa dati nyang tahimik na buhay. May takot sa puso ni Gabriel kapag naririnig nito ang pagpapa-alala, ni Danica sa kanya ng kanilang kasundoan. Ngunit habang nagtatagal si Danica, sa poder ni Gabriel ay nakikilala din nito ang ugali at may awang Nararamdaman para sa binatang amo, dahil tulad nya ay hindi din ito lumaking sagana sa buhay bago nakamit ang tagumpay bukod pa sa malungkot nitong buhay dahil wala ng pamilya at tanging ang mga tauhan, nalang nito ang naging kapamilya na ikinabilib nya sa kabila ng pagiging istrikto nito ay may nakatagong malambot na puso, para sa mga empleyado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD