umpisa

2716 Words
Chapter 1 "A-ANAK!" Itong baon mo mamayang uwian baka hindi kita masundo huh, may service ako wika ko kay Danica. Sige po papa okay lang ako maraming salamat sa paghatid mo sa'kin wika ko sa ama at hinalikan ito sa pisnge bago bumaba ng trycecle namin. Bitbit ko ang mga panindang Merienda para makatulong sa gastosin namin nilagang itlog ng pugo at mani na ibinalot ko sa plastic at ibebenta ko ng sampong piso sa mga classmate ko karamihan ay tulad ko ding nagtitipid at sakto lang ang perang pamasahe at bumibili lang ng mumurahing pagkain na pamatid gutom pumasok nako sa eskwelahan kong saan kumukuha ako ng kursong HRM" dahil gusto kong makapag trabaho sa isang sikat na cruise ships tulad ng mga pinsan ko. Second year college, nako pero parang ang Hirap-hirap maabot ng pangarap ko dahil sa kong Ano-ano, na ang trabaho namin ni papa para maitawid ko lang ang first year college, ko halos dalawang taon, din namin pinag iponan ang pag aaral ko sa college tumigil muna ako at nagtrabaho ng matapos ko ang high school, naging tendera ako sa canteen ni tita Dorry, at ang sinasahod ko ay inipon ko at kapalitan ko si papa sa pamamasada kong minsan mabuti nalang tinuroan ako ni papa na mag maneho at naawa ako sa kapatid kong si Luis dahil mga note book, na pinag lumaan ko ang ni recycle, nito para may magamit lang at makatipid kami. Nasa Kalahatian palang kami ng klase ay naubos na ang paninda ko kaya balak kong bilhan si Luis ng kahit dalawang bagong note book nito may ngiti sa labi ko habang nasusulat ng lecture. Ms. bustamante, tawag ko sa estuyanteng napakasipag parati itong may dalang paninda at kong minsan nakikita kong namamasada ng trycecle nila kapag walang pasok. "Yes, Ma'am sagot ko habang tinatapos ang ilang letra sa isinusulat ko bago nagtaas ng tingin. Katabi nito ang hinihingal pang Guard. "Ms. bustamante, nasa labas daw ang tyahin mo emergency pwede kanang umuwi malungkot kong wika kay Danica. Napatulo agad ang luha ko sa narinig habang tila dumadagundong ang kaba sa dibdib ko at habang tinulongan ako ng mga classmate ko mag ayos ng gamit ko. "Bustamante tahan na baka wala namang mabigat na nangyari sa inyo pag papakalma ko sa kaklase. Sana nga Adriano wala maraming salamat sa inyo wika ko bago tumalikod sa kanila ng matapat ako sa professor namin ay mahigpit na yakap ang iginawad nito. Kong ano man ang nangyari sa inyo walang problema na hindi nasusulosyonan Ms. bustamante. Salamat po Ma'am at magka agapay na kaming naglakad palabas ng Guard. Malayo palang ako ay natanaw kona ang bunsong kapatid ni papa na si tita Dorry mukhang galing ito sa pag iyak kaya binilisan kong lalo ang paglalakad para makalapit. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko kay Danica bago nagsalita anak ang papa mo inatake habang nasa byahe pagkahatid sa'yo mabuti nalang at naitabi nya ang trycecle bago nag collapse. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at napakapit lalo sa tyahin ko dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Ligtas naman daw si kuya kaso paralisado na anak halika na yakag ko sa pamangkin at inalalayan ko ito hanggang makasakay sa trycecle nila. Napatulo ang luha ko ng makita ang amang walang malay dahil hindi ko alam kong saan ako kukuha ng ipambabayad sa ospital at baka hindi kona din maipag papatuloy pa ang pag aaral ko dahil sa kondesyon ni papa ngayon pero ang nagpapasakit talaga sa ulo ko ay ang isiping bayarin namin sa ospital dahil walang problema kong titigil muna ako sa pag aaral. Unti-unting idinilat ko ang Mata mugtong Mata ni Danica ang nabungaran ko hirap man akong magsalita pero huminge ako ng tawad dahil sa problemang naidulot ko dahil napakabata pa nito para bumalikat ng responsibilidad na dapat ay ako ang gumagawa ngunit malabo ng makapag tratrabaho pa ako dahil ni magsalita ng tuwid ay hindi ko magawa. "P-Papa!" Huwag kang magsalita ng ganyan at huminge ng tawad sa'kin dahil hindi mo naman ginusto ang magkasakit gagawa ako ng paraan para may maipambayad tayo dito sa ospital. "Tita Dorry, ikaw po muna ang bahala kay papa kailangan kong mag trabaho para may maipambayad tayo dito sa ospital. Anak mag iingat ka huh, may nalikom naman akong pera sa mga kapitbahay natin pero wala pa sa kalahati itong pambayad natin wala din kasing kita ang tiyo Caloy mo pero sinusubokan kong makahiram sa mga pinsan mo. Hayaan muna tita kahit nasa abroad sila at malaki ang kinikita alam kong sakto lang din para sa pamilya nila at mga umaasa sa kanila dahil wala ding mga trabaho gagawa nalang ako ng paraan para makabayad tayo at mailabas si papa. Ganon na nga anak basta mag iingat ka. Malungkot na tumango lang ako sa tyahin at umalis na sakay ng trycecle ay sinimulan kona ang mamasada. "Danica sino ang bantay kay pare? Si tita po ako na muna ang mamasada nitong trycecle namin kulang pa po kasi ang pambayad namin sa ospital tito Ariel turan ko sa kaibigan ni papa. Ganon ba eh, paano na ang pag aaral mo anak ito meron kaming naipon mula nong isang araw pa ng inatake ang papa mo nag ambagan kami tag bebente kami ng samahan namin dito ang iba ay isang daan ang ibinigay kaya nakalikom din ako ng medyo malaki at may makukuha pa ang papa mo sa emergency fund namin na tag sampong piso kada araw ang inihuhulog. Maraming salamat po sa tulong nyo mailalabas kona po si papa naluluhang wika ko at inabot ang perang ibinibigay ni tito Ariel. Wala 'iyon hayaan mo sasamahan kita mamaya sa bahay ng presidente namin dito. Halos alas dose na ako bago tumigil sa pamamasada tulog na si Luis ng makauwi ako bago ako natulog ay tiningnan ko ang note book ni papa na listahan nya ng mga iseniservice na estuyante para ako nalang din ang magtutuloy dahil mas malaki ang kikitain ko doon kaysa sa pipila pa ako bago makakuha ng pasahero. "Ate bakit gising ka pa magpahinga kana bukas wala akong pasok ako naman ang magbabantay kay papa. Hahaha!" Loko bawal ang bata doon isa pa mailalabas kona si papa. Huh?" Saan ka kumuha ng pera ate gulat kong wika sa kapatid. Sa grupo nila ni tito Ariel may nakuha akong limang libo bukod pa sa tatlong libo mahigit na ambagan nila kaya mailalabas kona si papa meron din kasing ibinigay si tita Dorry sakin. Maraming salamat kamo ate sa tulong nila hindi na makakadagdag sa isipin ni papa ang ipambabayad natin sa ospital. Kinabukasan ay nailabas na namin ang Papa at simula din ng araw kong bumalikat sa responsibilidad bilang kapalit ni Papa dahil kong wala akong gagawin ay magugutom kaming tatlo kaya ng maihatid kona sila sa bahay ay nagsimula na akong pumasada. Lumipas ang mga araw ay nahirapan akong pagsabayin ang pag aaral ko at trabaho kaya napilitan akong tumigil dahil hindi din sapat ang kinikita ko sa pamamasada kulang pang pambili ng gamot at diaper ni Papa. "Tulad ngayon ang haba ng pila at walang pasahero tirik pa ang sikat ng araw nakataas ang paa, kong nakahiga sa motor dahil nangangalay na ang likod ko sa kakaupo napatingin ako sa tapat ng babaan ng mga pasahero na galing Manila at kalapit probinsya. Mabenta ang mga nagtitinda dahil karamihan sa mga bumababa ay bumibili kaya napangiti ako sa naisipan kong bagong pagkakakitaan. "Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at binuhay ko ang motor takang napatingin sa'kin ang mga kasamahan ngunit hindi kona pinansin pa at nagtuloy ako sa palengke at namili ng mga kakailanganin ko portable na lamesa, upoan at malalaking jugs na lalagyan ng samalamig sunod kong tinungo ang grocery para mamili naman ng mga gatas at asukal. Pagkatapos ay umuwi nako at nagtungo sa tindahan ng tyahin ko. "Oh, akala ko mamaya mo pang gabi susundoin ang Papa mo nalilibang naman sya dito dahil maraming kausap kamusta ang pag pasada mo hindi ba delikado sa'yo anak. "Okay!" Naman po tita kaso mahina ang byahe ang dami namin pagkatapos walang masyadong pasahero kaya babaguhin ko nalang siguro ang pag kakakitaan ko ipagluto mo ako tita Dorry Para may ititinda ako tapos ako na din ang magtitinda ng inaaning gulay ni tito. May service naman po ako sa mga estudyante tuwing umaga kaya sa gabi ay magtitinda ako sa gilid ng terminal may naipon pa naman akong ipambabayad sa magiging pwesto ko doon. Talaga mas mabuti pa nga anak tama 'iyang naisip mo hayaan mo ako ang bahala sa pagkaing magiging paninda mo ng makampante ako sa kaligtasan mo sya sige magpahinga kana muna at hayaan mo lang dito ang Papa mo. Tango lang ang sagot ko sa tyahin at muli akong umalis at iniuwi ang mga pinamili ko sa bahay matapos kong malinisan ang mga gagamitin ko sa bagong panimulang kabuhayan ay nagpahinga na ako at ng sumapit ang hapon ay sinundo kona ang mga batang hatid sundo ko maigi nalang karamihan ay may baon ng pananghalian isa sa mga pabor sa'kin at sa magulang nila na nagagampanan namin ang ibang trabaho. Nang ma-ihatid kona ang mga bata at kapatid ay muli akong umalis at nagtungo sa target kong pwestohan. "A-ate!" Tawag ko sa babaeng nasa tabi ng bakante pang pwesto naghahanap po kasi ako ng pwesto dito bakante po ba itong nasa gilid mo tanong ko pa din kahit na walang nagtitinda. Pang umaga lang yong bagong nakakuha dyan Ineng kaya kong gusto mo ay pang hapon ka nalang kikita ka din naman dahil matao din sa gabi kapag uwian tulad ngayon tingnan mo sabay nguso ko sa bugso ng mga taong galing sa trabaho at papauwi na. "Sige po ate kukunin kona saan po ba ang may ari nito. Ayon 'iyong lalaking naniningil sa mga stall itinaas ko ang kamay at kinawayan ito. Poly!" Naghahanap ng pwesto itong si Ineng pang hapon daw. Pinasadahan ko ng tingin ang magandang dalaga sa harapan ko sige pero mula alas singko hanggang alas dyes' lang ng gabi pwedeng magtinda dito at iiwan mong malinis din ang lugar para sa papalit sa'yo na pang umaga. Promised po pasigaw kong wika dahil sa ingay ng mga busina ng bus at nag abot ako agad sa matandang lalaki ng pauna kong bayad at ng makuha ko ang resibo ay agad nakong muling namalengke para naman sa Gagamitin kong flavoured ng samalamig. Marami na akong kakompetinsya ngunit kong sa lasa ko dadaanin ay siguradong may ilalaban ako. Bago ko ilapat ang patang katawan ay umusal ako ng panalangin na magampanan ko sana ang bagong naisip na kabuhayan at magtagumpay para makatulong sa amin Ma, bigyan mo ako ng lakas naluluhang bulong ko sa isipan at nangulila bigla sa inang matagal ng patay. Kinabukasan ay maaga akong naghanda ng mga ititinda ko at ng matapos kong masundo ang mga bata sa eskwelahan ay magkatulong kaming tatlo nila tita Dorry at Luis na isinakay ang mga ititinda ko. "A-anak!" samahan kaya kita ang dami nitong ititinda mo makakaya mo bang mag isa ito? Tita, best in mathematics kaya ako wala ka bang tiwala sa'kin tsaka matagal na akong nagtitinda high school hanggang college mayabang kong wika sa tyahin na nag aalinlangan pa sa kakayahan ko. "Oh, sya wala na akong magagawa kong desidido kana good luck, sabay yakap ko ng mahigpit sa pamangking bumabalikat sa mabigat na responsibilidad. Ang Papa, Luis huh, Aalis nako painomin mo ng gamot pagkatapos nyong mag haponan at matulog kayo ng maaga baka bukas ang hirap mo nanamang gisingin bilin ko sa kapatid bago sumakay na sa punong- puno kong trycecle. Okay!" Ate akong bahala mag iingat ka sagot ko sa kapatid na pa-alis. Nang makarating ako sa pwesto ay naabotan ko pa ang kapalitan kong naglilinis tulad ko ay mga pagkain din ang itinitinda nila. P'wede muna itong gamitin Ineng malinis na itong ibang gamit ko ay dyan mo lang mabuti ka pa at may service kami ay kariton lang mabigat itulak kong dadalhin ko lahat. Salamat po okay!" Lang po at ng magamit ko din kong p'wede. "Oo,naman mas matibay ito kaysa dyan sa lamesa mong plastic dito mo ipatong 'iyang samalamig mo dahil mabigat 'iyan. Talaga maraming salamat, tuwang-tuwa kong wika at nagsimula na ding maglagay ng ititinda ko. Ilang oras palang mula ng mag umpisa akong matinda ay natuwa na ako dahil walang palya ang mga bumibili sa'kin. Gulay!" Gulay!" kayo dyan samalamig sigaw ko kahit na lumalapit naman ang mga bumibili nauna kong maubos ibenta ang lutong ulam ni tita Dorry, at mga gulay na tanim ng asawa nito. Muling naging matalas ang idea ko sa mga hinahanap ng mga bumibili kaya inilista ko at idadagdag ko bukas bago may ngiti sa labing iniligpit kona ang mga gamit at isinakay ko sa trycecle. "Oh, Di'ba sabi sayo Ineng mababawi mo agad ang upa sa pwesto mabili talaga dito mas gusto kong magtinda sa hapon dahil walang nanghuhuli kapag umaga kasi maraming nagbabawal dito dahil abala daw sa mga pasahero. Ganon po ba swerte po pala tayo kaysa sa mga pang umaga sagot ko sa katabing matanda habang sinimulan kona ang pagwawalis idinamay kona din ang tapat nila dahil mukhang hindi pa sila tapos magtinda at ma-edad, na ngunit kailangan pa ng mag asawa magbanat ng buto. Lumipas ang mga buwan ay nasanay nako sa pagtitinda at dahil din sa pagsisikap ko ay naibili kona ang Papa ng second hand na wheelchair nya. Excited akong umuwi ng maaga para ma-abotan kong gising pa sila. Malayo palang ako habang tulak ko ang wheelchair ay nanubig na agad ang Mata ni Papa. "P-Papa!"bakit umiiyak ka agad hindi mo pa nga na-uupoan nakangiti kong wika at itinapat sa higaan nito ang wheelchair na nabili ko para sayo Papa hindi na mahihirapan sina Luis at tita na mag buhat sa'yo makakagala kana lalo halika itry, natin Papa. Wow Ate big time na si Papa huh, nala wheelchair na tuwang turan ko at tinulongan ang kapatid sa pagbuhat kay Papa. "Salamat anak, bulol kong wika at hinalikan ang noo' nito kahit hindi kita nagawang mapagtapos sa pag aaral ay ginawa mo ang lahat para mapabuti pa din ang buhay natin. Wala 'iyon Papa, mahirap ipilit ang hindi natin kaya atlest kahit paano ay nakaka survived tayo si Luis ang magtutuloy ng pangarap natin kaya lalo akong magsisikap para mangyari iyon at hindi maging drawing tulad ng kapalaran ko sabay pahid ko sa luhaang Mata ni Papa. "Tila tumaba ang puso ko habang nakatunghay sa amang sakay ng wheelchair, habang iniikot ni Luis sa sala namin kahit paano ay napasaya ko ang ama, kahit na second hand lang ang kaya ng bulsa ko iniunat ko ang hapong katawan sa sopa namin at hindi kona mapigilang ipikit ang pagod na Mata. "Pinigilan ko si Luis ng malingonan kong tulog na si Danica at inutosan itong ipasok ang mga naiwang gamit sa trycecle. Matapos kong ihiga ang ama at maipasok ang mga gamit sa pagtitinda ni ate ay ikinuha ko nalang ito ng kumot at maingat na kinumotan bago isinara ang ilaw at pumasok na din ako sa kwarto ko. Tunog ng Alarm ang nagpabalikwas sa'kin at nagmamadaling napatayo ng maalala ko ang mga naiwan kong gamit sa trycecle ngunit ng matanaw ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil naipasok naman pala ni Luis at naghugasan pa nya isa sa mga nagustohan kong ugali nito ang may kusa at matulongin mahirap nga lang gisingin. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil masyado pang maaga at tinatamad pa akong maligo dahil sa malakas ang ulan, siguradong malamig ang tubig. "Samantala panay ang ikot ko sa mga malalaking taniman ng nyog, para mamili ng kinopra nila at para sa sinisimulan kong pag gawa ng isang cooking oil. Dahil nagsisimula palang ako ay kailangan kong magsipag. Kasama ko ang pinsang si Khalid at kapatid sakay ng owner ni Khalid na panay ang tulak namin kapag namamatay. Kapag yumaman, na tayo ang una kong ireregalo sa'yo Gabriel ay Mercedez ng hindi na tayo nagtutulak ikaw naman Khalid ay magiging boss, sa kompanyang itatayo nitong si Gabriel. "Nako puro ka panaginip ng gising kuya kulang pa nga tayo sa mga Gagamitin natin kailangan pa nating sipagan at hindi ang magbilang agad ng magiging Sisiw sa hindi pa napipisang itlog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD