‘Your time is limited, so don’t waste it living someone else’s life.’ Kaagad na nagmaneho paalis si Andrew. Mabuti na lang at maayos ang pagkakalagay ng seatbelt ko kung hindi ay baka lumipad na ako papunta sa harapan ng sasakyan. Grabe naman kasi ang bilis ng pagda-drive niya. Kung hindi lang kami nagmamadali ay iisipin ko na nasa race track kami at nakikipag-karera. Hindi man lang niya ako sinabihan na bibilisan niya pala kaagad ang andar, edi sana ay naihanda ko ang sarili ko. Hindi naman na ako nagsalita pa dahil masyado siyang naka-focus sa daan. Ilang kilometro pa ang layo namin sa MNOP Highway at isang oras na lang din kaagad ang natitira sa amin. Kaya naman mukhang nagmamadali na rin siya dahil may hinahabol kaming oras. Nagtatalo tuloy ngayon ang isip ko kung patitigilin ko ba

