bc

D-Day

book_age16+
60
FOLLOW
1K
READ
dark
time-travel
journalists
tragedy
no-couple
mystery
female lead
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

The story begins with a writer, Tracy Valerie Montes, book signing event. As the day is special for her, she happily prepared for the event. As her event goes on and as she continued to sign books, an unidentified man pretend to be her fan and suddenly stab her with a knife, and Tracy lost her consciousness.

She relive the day of her murder over and over again, in a loop that will end only when she discovers her killer's identity. That is, if she can figure out who her killer is.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naalimpungatan ako dahil sa maingay na tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saka kinapa ang cellphone ko. Tinignan ko ang orasan na nasa side table ko at alas-otso na pala ng umaga. Kaagad kong tinignan kung sino ang caller na paulit-ulit kung tumawag. Nang buksan ko ang cellphone ko ay bumungad sa akin ang 12 missed calls na galing sa iisang tao. Walang iba kung hindi kay Lhia. Kakatawag niya lang ulit kanina pero hindi ko na naman nasagot kaya hinayaan ko muna. Mamaya na lang ako magko-callback, kailangan ko pang maghanda para sa event mamaya. Tatayo na sana ako para maghanda pero muling tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko ang caller ay pangalan ni Lhia ang nakita ko. “Hey,” I said as soon as I answered the call. “Finally! Akala ko ay wala ka nang balak pang sagutin ang tawag ko. I’m sure kagigising mo lang. Am I right?” maarteng tanong niya sa kabilang linya. Kahit kailan talaga napaka-arte niyang magsalita kaya laging napagkakamalan na spoiled brat. “Yeah, kagigising ko lang. Bakit ka pala napatawag?” “Well, I just called to remind you about the book signing event later and I want to inform you na hindi na kita masasabayan pagpunta sa venue.” “Why? Hindi na ba ako dadaan sa office mo?” tanong ko sa kanya. Ang plano kasi namin kahapon ay dadaanan ko siya sa opisina niya para sabay kaming pumunta sa venue mamaya. “No need. May aasikasuhin pa kasi ako. So, mauna ka na at magkita na lang tayo sa event later. I need to finish this task as soon as possible kasi. Pero saglit lang naman ‘to so hindi rin ako magtatagal,” paliwanag niya. Tumango-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. “Okay, I’ll text you na lang kapag papunta na ako. By the way, I’ll bring my car, ayokong mag-commute papunta. Ang hassle.” “Sure! I’ll call you later kapag natapos din ako kaagad. Goodluck and see you later, T,” she said and ended the call. Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil pinutol na niya ang tawag. Itinabi ko na muna ang cellphone ko at naghanda na para mamaya. Today is a good day. And today is a special day! Hindi ako early riser kaya naman lagi akong nakabusangot kapag kailangan gumising ng maaga. Bibihira lang ata akong gumising ng maaga ng bukal talaga sa puso ko. Kagaya na lang ngayon. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Nag-set kasi ako ng 9 o’clock sa alarm ko since after lunch pa naman ang event. Bale ala-una pa talaga magsisimula. Pero dahil special day ko ngayon ay masaya akong naghahanda ng almusal. Ngayong araw kasi ang book signing event ko. 10 years na akong writer and ngayong year lang talaga ako nabigyan ng big break kaya naman sobrang espesyal ng araw na ‘to. 10 years ago, iniisip ko pa lang kung anong gagawin ko kapag sumikat ang mga nobela na sinusulat ko, na anong gagawin ko kapag sumikat at nakilala ako, anong gagawin ko kapag na-publish ang mga sinusulat ko, at ano ang gagawin ko kapag nagkaro’n ako ngs ariling book signing event. At ngayon, masaya ako na unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko lang dati. Totooo nga ang kasabihan na ‘Dreams do come true’, kailangan mo lang talagang mangarap para may matupad ka. Matapos mag-almusal ay hinugasan ko na ang mga pinag-kainan ko at naghanda para maligo. Inilabas ko na ang damit na susuotin ko para sa araw na ‘to. Kagabi pa lang nakahanda na ang lahat ng gagamitin at dadalhin ko. May time pa naman na tinatamaan ako ng pagiging makakalimutin kaya mahirap na kapag nakalimutan ko ‘yong mga dapat dalhin. Pumili na rin ako ng damit na susuotin ko kagabi pa lang para hindi na ako ma-stress ngayon kung anong isusuot ko. Nang maihanda ang mga gagamitin ko ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. ----- Katatapos ko lang magbihis ng biglang may mag-doorbell mula sa labas. Wala naman akong inaasahan na bisita kaya sino ang tao sa labas. Lumabas ako ng kwarto at saka dumiretso sa pinto para tignan kung sino ang bagong dating. “Luna!” masayang wika ko ng makita ko siya pagbukas ko ng pinto. “Hi, Tracy! Ang saya natin ngayon ah,” she said. Binuksan ko lang malaki ang pintuan para makapasok siya. “S’yempre naman! Napadalaw ka? Akala ko busy ka today?” Bago sumagot ay pinakita niya sa akin ang box na dala niya. “Nag-bake ako ng cake for you,” masayang sagot niya. kahit kailan talaga nakakahawa ang mga ngiti ni Luna. Kung lalaki lang talaga ako matagal ko na siyang niligawan. “Wow! Thank you!” I said at niyakap siya. Ewan ko ba kung dalhin sa event mamaya at nagiging emotional ako ngayon. Nilapag naman niya ang table at niyakap ako pabalik. “Hindi talaga ako busy today. I just said that to surprise you,” bakit ba ang sweet ng bestfriend ko? Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang sa kanya. May ilang oras pa naman ako kaya naisip ko na makipag-chikahan na lang muna sa kanya. ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil parehas kaming naging busy. Ako na-busy para sa event ko for today at siya naman para sa opening ng isang branch ng coffee shop niya sa Laguna. Hinanda o ang cake na dala niya at pinagsaluhan namin habang nagkakamustahan. “Anyway, patulong naman. Wala na akong oras para pumunta ng mall at magpa-ayos,” I said ng maalala ko na nagbihis lang pala ako at hindi pa talaga nag-aayos. Nakakahiya naman kung pupunta ako sa event at magpapakita sa mga readers ko na medyo sabog ang itsura. Yes, medyo lang. Medyo sabog. “No problem, may makeup kit ka naman ‘di ba?” tumango ako at tinuro ang kwarto ko. Nilinis ko muna ang pinagkainan namin habang siya naman ay dumiretso sa kwarto ko para ihanda ang mga makeup. Pagkatapos maghugas ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto. “Alam mo, T, need mo na matutong mag-ayos. Isa pa, public figure ka na ngayon, maraming magpapa-picture sa’yo for sure,” she said habang nilalagyan ng foundation ang mukha ko. Ewan ko ba, familiar naman ako sa mga makeup pero hindi lang talaga ako marunong maglagay talaga. Ang alam ko lang gamitin ay face powder at lipstick. “Halos nandito lang din naman kasi ako sa unit buong araw kaya hindi kailangan mag-ayos. Pero hayaan mo, next time, iha-hire na kitang makeup artist ko para may sideline ka naman,” natatawang wika ko. Hindi na siya sumagot at tinawanan na lang din ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

His Cheating Heart

read
41.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook