Chapter 2

1200 Words
“Ayan! Dilat na,” Luna said. Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang napakagandang nilalang. Palagay ko ay isang diyosa ang nasa harapan ko ngayon. Joke, masyadong OA. Okay na ako sa magandang nilalanang. “Wow!” I said nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Light makeup lang siya na bumagay sa medyo maputi kong balat at nakakulot ang ibabang bahagi ng mahaba kong buhok. Siguro, kung hindi naging successful ang coffee shop ni Luna, baka naging makeup artist na siya. May talent ang ate mo. Well, sana all may talent. “Ang ganda mo talaga, T,” she said habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na napupunta sa mukha ko. “Baliw, mas maganda ka.” “Hindi kaya, mas maganda ka,” ay, ayaw magpatalo. “Parehas na lang tayo. Maganda tayo pareho Luna, kaya nga bestfriends tayo eh,” at pareho naman kaming natawa. “Shocks! Kailangan ko na palang umalis,” hindi ko napansin ‘yong oras. Ang dami kong harot sa katawan, ayan tuloy hindi ko na namalayan ang oras. “Hala, oo nga, baka ma-traffic ka pa.” Kaagad naming pinagtulungan na ayusin ang mga gamit. At nang masiguradong nakaayos na ang lahat ay ni-lock ko na ang unit ko at sabay kaming nagtungo sa parking lot. May dala rin pala siyang kotse, akala ko kasi kanina ay nag-commute lang siya papunta. “Tracy, kailangan ko munang bumalik sa shop. I’ll drop by to your event later.” “Sure! Ingat ka, see you later, L,” I said and waved my hands. Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan niya bago ako sumakay sa kotse. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya sa daanan ay sumakay na ako at dumiretso sa venue. Hindi naman gano’n kalayo kaya hindi rin ako aabutin ng mahigit isang oras sa byahe. Depende na lang kung sobrang traffic talaga, which is lagi naman. After almost an hour, nakarating din ako. Buti na lang at hindi ako naipit sa heavy traffic. Pasado alas-onse pa lang kaya naman naghahanda pa ang production team. “Good morning, Miss T,” bati ng ilang kakilala ko sa production team. “Good morning din po, coffee break po muna kayo,” I said. Inalok ko naman sa kanila ang mga kape na dala ko. Buti sakto ng pagdating ko ay siyang pgdating din ng mga kape na in-order ko kay Luna. Habang inaayusan niya kasi ako ay naalala ko ang mga kasama ko rito kaya naman nagsabi ako sa kanya na magpapadala ako ng coffee and bread sa set. Ilang kanto lang din naman kasi ang layo ng coffee shop ni Luna sa unit ko kaso hindi na kakayanin ng oras ko kung dadaan pa ako mismo sa shop. “Kuya Benjo, patulong naman sa mga ‘to, mayro’n pa sa sasakyan,” I said at tinuro ko ang sasakyan na nakaparada sa labas. Marami-rami rin kasi ‘yong kape at tinapay. Nang mailagay ang lahat ng pagkain sa mesa ay nagpasalamat ako kay Ian, isa sa mga trusted employee ni Luna. “Thanks, Ian, ingat ka pabalik,” paalam ko sa kanya. “Thank you rin, Ma’am Tracy,” he said at dumiretso na sa kotse. Gamit niya kasi sa pag-deliver ang sasakyan ni Luna since wala naman talagang delivery sa kanila. Nagpa-special request lang ako since marami talaga ‘yong drinks. Sinagot na rin ni Luna ‘yong tinapay, treat niya raw sa buong team. “Thank you, Tracy sa pa-kape at tinapay.” “Oks lang ‘yon Kuya Benjo, saka sagot din ni Luna ‘yong mga tinapay. Para talaga sa inyong lahat ‘yan.” “Miss Tracy, hinahanap ka na pala ni Ma’am Lhia,” napabaling naman ako sa tumawag sa akin. “Ah, sige. Una na ako Kuya Benjo, kain lang kayong lahat,” matapos magpaalam ay kumuha muna ako ng kape bago sumunod kay Kuya Andrei, head ng production team. Habang naglalakad papuntang waiting room ay nakita ko sa labas ang ilang readers na nakapila na kahit ilang oras pa bago maganap ang book signing. Nakakatuwa lang na dati isa lang din ako sa mga reader na nakapila sa labas habang excited na naghihintay magpapirma sa paborito kong author. Bukod pa ro’n, sobrang nakakataba ng puso na makitang marami ang sumusuporta sa akin kahit na baguhan pa lang ako. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti habang isa-isa silang tinitignan. Hindi nila nakikita ang loob kung nasaan kami dahil one-way mirror ang kabilang side ng venue. “Thanks,” I said ng makarating ako sa waiting room. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Lhia na nakaupo sa sofa habang may mga papel sa harapan niya. Mukhang abala na naman ang isang ‘to sa pagpirma at pag-evaluate ng mga manuscript. Kahit saan talaga kami pumunta hindi niya maiwanan ang mga trabaho niya. Isa siya sa mga tao na kakilala kong napaka-workaholic. “Lhia,” tawag ko sa kanya. Mukhang hindi niya napansin ang pagdating ko dahil tutok pa rin siya sa binabasa niya. “Oh, nand’yan ka na pala. Upo ka muna,” she said pero nasa hawak niyang papel pa rin ang kanyang tingin. “For evaluation?” tanong ko sa kanya habang hinihigop ang kape na hawak ko. “Yeah, may mga bagong writer kasi na nagpasa ng manuscript nila and I need to evaluate each one of them,” she said. Kaya pala. Kapag may mga aspiring writer kasi na nagpapasa ng manuscript nila ay dumadaan muna kay Lhia at sa iba pang editor bago sa publisher mismo. Grabe rin kasi ‘yong trabaho niya. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon sa akin at 8 years na rin siyang nagta-trabaho sa publishing company kung saan ako writer. “Kanina ka pa dumating?” “Yes. Halos magkasunod lang din tayo.,” sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang abala na siya sa ginagawa niya. Ayoko naman na makaistorbo kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa habang nagpapalipas ng oras at pampatanggal kaba na rin. Kung kanina ay sobrang excited ako, ngayon naman ay mas lamang na ang kaba kaysa excitement. Pipirma lang naman ako pero hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako. Ayoko pa naman sa lahat ‘yong feeling ng kinakabahan, nagiging pasmado kasi ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. “Finally, natapos din,” napatingin ako kay Lhia na naguunat. “Kinakabahan k aba?” tanong niya ng mapansin na pinupunasan ko ang kamay ko. Tumango naman ako bilang sagot. Grabe! Hindi na ako makapagsalita sa sobrang kaba at excitement. Parang naiihi pa ako na ewan. Alam mo ‘yong feeling na may hawak na index cards ‘yong prof niyo tapos randomly pipili siya ng card for recitation. ‘Yong feeling na magko-confess ka sa crush mon a gusto mo siya. ‘Yong feeling na gusto kang pakantahin ng mga kaibigan mo sa harap ng maraming tao kahit na alam nilang sintunado ka. Gano’n. Gano’ng klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD