“Tracy, standby! Lalabas ka na in a few minutes,” sinenyasan naman ako ni PD Kyle na malapit na akong lumabas.
Ilang minuto mula ngayon ay lalabas na ako at magsisimula na ang event, though nagsimula na talaga siya.
Mula sa likod ng stage ay naririnig ko ang emcee na pinapakilala ako.naririnig ko rin mula rito ang sigawan ng mga readers na excited na makita ako.
Kung kanina sa waiting room ay kinakabahan na ako, ngayon naman ay halos dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Feeling ko ay any moment lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.
“Smile, Tracy. Today is your day, okay? So enjoy this and interact with your readers and supporters,” napangiti naman ako sa sinabi ni Lhia dahil kahit papano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.
“Thanks!” I said.
Nagpaalam na siya sa akin dahil kailangan niyang pumunta sa labas para i-monitor ang buong event kaya naman naiwan ako sa backstage.
“She’s the writer of ‘I’m a Gangster Nerd’, ‘The Day’, ‘Night Walker Detective’, and many more. Let’s all welcome, Miss Tracy Valerie Montes! Also known as Miss T!” at sinenyasan na ako ni PD Kyle na lumabas.
Expected ko na, na maraming readers ang pupunta for this day’s event pero nakakagulat pa rin makita ang dami ng tao na nag-effort na pumuntavsa event na ‘to para makita ako at para magpapirma. Nakaka-overwhelmed.
Pag-akyat ko sa stage ay inabutan ako ng mic ng emcee kaya bumalik ang kaba ko. Hindi talaga ako sanay na humarap sa maraming tao tapos nasa akin ‘yong atensyon nila.
“Uhm, good afternoon to all of you,” huminto ako sa pagsasalita dahil muli silang nagsigawan. “Thank you for waiting and coming to my book signing. Let’s all enjoy this day. Thank you,” I said at ngumiti sa kanilang lahat.
Kahit papano ay nabawasan na ang kabang naramdaman ko dahil sa ngiti ng mga readers na nasa harapan ko. Sobrang nakakataba ng puso.
Matapos magsalita ay pumwesto na ako sa upuan na nakalaan para sa akin at pinapila na ang mga readers habang ‘yong iba ay nakaupo pa dahil hindi na sila kasya.
Nagsimula ang book signing ng walang ano mang aberya na nangyari. No’ng una ay sobrang kinakabahan pa ako kaya naman sobrang pasmado ng kamay ko kanina at ang pangit ng sulat at pirma ko.
Pero matapos ang halos kalahating oras ay nasanay na ako sa lahat kaya naman mas naging madali na sa akin ang pakikisalamuha sa mga readers na nagpapa-pirma.
May ilan pa akong nakilala na matagal ko na palang reader, naka-suporta na sila mula no’ng unang nobela na nasulat ko hanggang ngayon. Ang iba naman ay na-inspire sa mga characters ko kaya nandito rin sila ngayon.
Throughout the event ay nakangiti lang ako. Hindi ko maramdaman ang sakit ng kamay dahil sa ilang oras na pagpirma.
Tinignan ko ang pila at mahaba pa rin siya kagaya kanina. Para bang hindi nababawasan ang mga tao at nadadagdagan pa. Ang iba naman na tapos nang magpa-pirma ay nakaupo sa dulo habang naghihintay na matapos ang event at nakikipag-kwentuhan sa kapwa readers.
-----
Ilang oras na akong nagpi-pirma kaya naman nararamdaman ko na ang pangangalay pero tuloy pa rin. Marami pa ang nakapila at ilang oras din silang naghintay kaya kailangan magpatuloy din ako.
Nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil ilang oras na rin ang lumipas simula lunch time, kaya naman tubig lang ang break time ko. Nakakahiya rin kasing umalis habang ‘yong ibang readers ay nakapila at naghihintay.
“Tiis lang Tracy. Malapit na rin matapos,” I said at the back of my mind.
Nililibang ko na lang din ang sarili ko sa pakikipag-usap sa mga readers kaya naman hindi ko rin namamalayan ang paglipas ng oras.
“OMO! OMO! OMO! Ako na!” naagaw ng isang babae ang atensyon ko dahil sa boses niya. hindi naman sobrang lakas pero papunta na sa tili kaya naman masi mga staff na nasa gilid at ibang readers ay natawa sa kanya.
“Hi,” bati ko sa kanya ng makalapit siya.
“OMG! Hello po, super fan niyo po talaga ako. Grabe! Lahat ng novel niyo po is nabasa ko na. Nakaabang din ako sa mga update mo, shinare ko rin sa mga friends ko ‘yong stories mo kasi napakaganda po talaga,” hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya.
Obvious na reader ko talaga siya kasi ang dami niya pang sinabi tungkol sa akin at sa novels na nasulat ko.
“Thank you, anyway, ano pa lang name mo?”
“Annabeth po, pero Anna for short na lang po,” nakangiting sagot niya.
Matapos magsulat ng message sa libro niya ay pinirmahan ko na ‘to at ibinalik sa kanya.
“Grabe! Thank you po Miss T. Thank you po talaga! I love you po,” she said habang hawak ang libro niya na nagpapaalam.
Kinawayan ko siya saka bumaling sa ssusunod na magpapapirma.
Nakakawala rin ng pagod ‘yong support na natatanggap ko mula sa mga readers ko kaya naman kahit na pagod at gutom na ay laban pa rin at tuloy pa rin sa pagpirma.
-----
Bigla naman akong napahinto ng makilala ko ang taong nasa harapan ko.
“Hi!” nakangiting bati niya sa akin.
Hindi na ako nakapagpigil pa at niyakap siya kahit na may mesa sa pagitan namin.
“Hindi halatang na-miss mo ako,” she said while rubbing my back.
“Totoo ka ba?” tanong ko sa kanya matapos kong humiwalay sa pagkakayakap. Natawa naman siya sa tanong ko at inabot sa akin ang libro ko na ipapapirma niya.
“Niyakap mo na nga ako tapos magtatanong ka pa kung totoo ako. Baliw ka talaga as always, Tracy.”
“Ang hilig mo talagang manggulat as always, Hazel,” I said at naupo nang muli.
Sobrang na-miss ko ‘tong babae na ‘to, palibhasa bihira na lang naming makita dahil sa trabaho niya.
“Nagkita na kayo ni Luna?” tanong ko sa kanya habang pinipirmahan ang libro.
“Yeah, I’m with her,” sabay senyas niya sa likuran niya at dumungaw naman si Luna na may hawak din na libro ko.
Mas lumawak tuloy ang ngiti sa labi ko dahil sa kanila. Ang hilig talagang mambigla ng mga ‘to.
Kanina pa ako naghihintay kaya akala ko ay hindi sila makakarating, lalo nasi Hazel. Buti at magkakasama kami sa espesyal na araw na ‘to.