‘Value every moment you have, because time waits for nobody.’ Nang makarating ako sa parking lot ay agad kong hinanap ang sasakyan ni Andrew, mabuti na lang at nasa bungad lang nakaparada kaya naman hindi ako nahirapan na maghanap pa. Kaya lang nang makalapit ako ro’n ay hindi ko siya nakita, wala siya sa loob ng sasakyan niya. Bigla tuloy akong kinabahan dahil ang sabi niya lang kanina ay nandito na siya at hihintayin niya ako, kaya lang ay wala naman siya ngayon. Dali-dali ko namang ni-dial ang number niya, nag-ring lang ‘yon ng paulit-ulit pero walang sumasagot. Hindi naman ako tumigil sa pag-dial hanggang hindi niya sinasagot ang tawag, pero nakailang tawag na ako sa kanya ay hindi niya pa rin talaga sinasagot ang tawag ko. Nang mapatingin ako sa ssasakyan niya ay do’n ko lang napan

