‘What may be done at any time will be done at no time.’ “Anong klase ‘yong tattoo na nakita mo?” tanong ko pa sa kanya. “Alibata. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin pero sigurado ako na alibata ‘yong tattoo niya,” he said kaya naman tumango-tango ako. “Then paano mo naman nasabi na kakilala ko ang killer?” muling tanong ko sa kanya. Hindi naman siya mukhang sigurado sa sinasabi niya kaya naman hindi ko maisip na baka nga kakilala ko ang killer. Isa pa, kung kakilala ko nga siya ay dapat no’ng una pa lang ay malalaman ko na kaagad o kaya naman ay makukutuban ko. Pero wala naman akong naramdaman na gano’n, wala naman akong napansin na kakaiba kaya naman imposible ‘yong sinasabi niya na kakilala ko ‘yong taong gustong pumatay sa akin. “Nakita ko siya sa event mo,” sabi niya kaya nama

