‘One reason so few of us achieve what we truly want is that we never direct our focus; we never concentrate our power. Most people dabble their way through life, never deciding to master anything in particular.’ – Tony Robbins “Nandito na tayo,” narinig kong sabi niya kaya naman napatingin ako kung nasaan na kami. Ilang oras din ang naging byahe namin kaya naman magdi-dilim na ng makarating kami sa sinasabi niyang hideout niya. Akala ko ay literal na hideout ang sinasabi niya pero mukhang hindi pala. Bumaba naman na siya ng sasakyan kaya naman lumabas na rin ako at sumunod sa kanya. Nandito kami ngayon sa harap ng isang bahay. Mukhang ginagawa pa ito dahil wala pang pintura o kahit anong design pero tapos naman na siyang buohin. Mukhang pipinturahan na lang at kaunting ayos pa ay pwede

