SPECIAL KISS
“Kelan pa? Kelan mo pa to ginagawa? Ha? Michael??!”
“Sorry Alisha, I fell out of love lalo pa nung umuwi ka sainyo dahil nagkasakit ang lola mo.” sambit niya.
“Wow? Yun lang ba? limang araw lang akong nawala nagkaganyan kana? Nabibigay ko naman oras ko para sa’yo ah, distansiya lang ang nagbago. O baka naman ginawa mo lang na rason ang pag uwi ko saamin para pagtakpan ang panloloko mo saaken, ay mali PARA SA PANLOLOKO NIYO NG BEST FRIEND KO! ” diin kong bigkas sa huling mga salita.
“Pero pan--” pinutol ko ang sasabihin niya.
“Oo,alam kona noon pa, nakakagulat ba? Play safe baby. Well okay lang I also hang out with your brother James, we watch Netflix and chill.”
“W-whatt?? You slept with my brother? Really Alisha? Niloko moko”
“Ohhh? Takot ka rin pala sa sarili mong anino? How pathetic you are! I never did that. See? Masakit ba? Masakit bang niloloko ka ng fiance mo? At hindi ako kagaya mong hindi makontento sa isa! ”
Itinapon ko sakaniya ang engagement ring at promise ring na galing sakaniya.
“Yan. Almost 8 years Michael, 8 fvcking years tapos niloloko niyo lang ako? Sa 2 years na panloloko niyo sa’ken,wala kaman lang ba balak na sabihin saken? At best friend ko pa talaga? Really? Does she also told you na p0kp0k siya? Hinde lang yan, she's also a gold digger. Well enjoy. Fairwell Michael, can you hug me? A goodbye hug for our closure?” at agad naman niya akong nilapitan at niyakap.
“A-a Alisha, b-ba-kit? ” at humandusay ang walang buhay niyang katawan sa sahig.
phone ringing.......
“Hey bess what's up?” sagot ni Camila sa kabilang linya.
“Hey ahm I was wondering if you're free later? How about dinner, at my place ipagluluto kita. May bago akong dish,gusto ko Ikaw ang unang makatikim.”
“Yeah sure. Sarapan mo ah”
“I will. Seeyah.”
doorbell rings.......
“Hey you're here” pag salubong ko sakaniya at pinapasok.
“Upo ka, ipaghahain kita.” sambit ko.
“Ang bango naman niyan,nakakabusog amoy palang”
Naka dalawang plato siya at pakatapos ay may dessert pa.
“Busog na busog ako, napakasarap, anong putahe ba iyon? At anong karne ang ginamit mo‚ parang ngayon ko lang nalasahan ito?” takang tanong niya.
“Michael Bermudo dish.” at binigyan siya ng kakaibang ngiti.
“Ano nga? Nakakakilabot naman yang joke mo.” sagot niya na may halong kaba.
“Hindi mo ba maalala? Iba ako magalit‚ BES.”
“P-pinatay m-mo s-si-yaa?” at tumakbo siya sa takot ngunit nahila ko ang kaniyang buhok na may katamtamang haba.
“At sa’n ka naman pupunta?”
“Maglalaro pa nga tayo eh‚ tapos aalis kana? Mamaya na bes.” Saad ko rito at humandusay ang katawan niyang walang ulo. At ang ulo niya ay hawak hawak ko pa habang pinagmamasdan ang kanyang katawan.
“Ano kayang putahe ang pwedeng gawin sa karne mo bes?”
“Anong itatawag ko sa putahe ninyo ni michael?”
“Ahh! Alam kona. Special kiss.”
“Goodbye bes‚ Michael. Ngayon wala nang pipigil sainyong dalawa. Magsama kayo! Mga manloloko”
“Ang sarap ng special kiss.”