bc

SIXTO PATERNO LAURIER: THE QUEER HEIR

book_age18+
354
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
love-triangle
HE
forced
heir/heiress
drama
bxb
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

⚠️ Warning: R18

Si Sixto o Zen ang nag iisang tagapamana ng pamilya Paterno. Sa pagtungtong niya ng biente otso na kaarawan ay ibibigay sa kanya ang bilyon-bilyong halaga ng ari arian at pera. Subalit, magagawa lamang niya iyon kung magagawa niyang magpakasal. Isang silahis o binabae si Sixto. Makakaya kaya niyang magpakasal sa isang babae para lamang makuha ang kanyang mana? Mapapanindigan kaya niyang maging ama sa kanyang sariling anak?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LUMAPAG sa runway ng domestic airport ang eroplano galing Manila. Lulan niyon si Zen. Nakatanaw lang siya sa bintana ng eroplano. Sampung taon na rin noong huli siyang tumapak sa Pilipinas. Kung hindi pa siya tinawagan dahil sa may sakit ang abuela niya ay hindi siya uuwi para dalawin ito. "Hello, Philippines! And hello world! Grabe ang init, masisira ang masutlang kutis ko," maarteng bulalas ni Zen. Habang naglalakad papalabas sa loob ng plane. Tumingala siya para matingnan ang mainit na sinag ng araw. Buwan ng Nobyembre at walang nakapagsabi sa kanya na sobrang mainit ang panahon sa Pilipinas. Noong umalis siya ng America ay sobrang nagyeyelo sa lamig doon dahil sa snow. Kaya nag-jacket siya. "Sixto! Sixto!" malalakas na tawag sa pangalan niya. Hinanap ng mata niya ang tumatawag sa pangalan niya. Napapilantik ang kanyang kamay at dumapo iyon sa sarili. Siya ba ang tinatawag? Napabuga siya ng hangin. Nang makitang tumatakbo palapit ang mama niya sa kanya. "Imbyerna, red na red ang kulay ng lipstick ko. Tapos naka-boots pa 'ko. Tatawagin lang akong Sixto. Omege! Hindi ko 'to keri! I'm Zen Laurier! Remember, letter Z, E, and N! ZEN—!" pagtatamang sigaw din ni Zen. Nang makalapit sa kanya ang ina ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit. At saka hinalikan siya sa pisngi. Napangiwi siya sa ginawang iyon ng mama niya. "I miss you, anak," mangiyak ngiyak na sabi ng mama niya. "I miss you more, mama." Pero bigla siyang pinalo sa balikat ng mahina. Napadaing siya na kunwari'y nasaktan. "Ikaw naman kasi. Bakit ganyan ang suot mo? Di ba, napag-usapan na natin ito over the phone? Hindi puwedeng bakla kang uuwi dito. Kung tayo lang, walang problema sa akin, 'yong ganyan ka. Dahil tanggap ko na isa kang sirena. Pero si mama, ayaw niyang makita na ang nag-iisa niyang apo ay isang binabae. Malalagot ako kay mama nito, e. 'Pag nalaman niya ang itinatago nating dal'wa sa kanya," saway ni Senia sa anak. Sa America ay kilalang kilala siyang lalaking may pusong babae. Sa Pilipinas, alam nang lahat na lalaki siya. Matikas, guwapo, at magaling pumorma. Walang bahid ng kaniyang pagiging isang bakla. "I know, mama. Magaling akong magpanggap at napaka-convincing 'kong artista. Don't worry, naka-ready ako diyan. Samahan niyo po ako sa wash room," aya niya sa ina. Inakbayan pa ni Zen ang ina. Sa sobrang tangkad niya ay hanggang balikat lang niya ang taas nito. "Zen, nagmumukha akong unano sa sobrang tangkad mo. Ikaw na lang ang pumunta sa banyo. Hihintayin na lang kita dito sa labas." Reklamo ng mama niya. "Are you sure, mama?" "Yes, hijo. Sige na. Bilisan mo lang at kanina pa naghihintay sina mama sa 'tin sa bahay," saka malapad na ngumiti si Senia sa anak. Sumang-ayon si Zen ss tinuran ng ina. Saka nagmamadaling pumunta ng banyo sa loob ng paliparan. Napapailing ng ulo si Senia habang abot-tanaw pa ng mata niya ang anak. Si Sixto ay nag-iisa niyang anak sa kanyang dating asawa. Maliit pa ito noong maghiwalay sila ng ama nito. Hindi na din siya naka-isip pa na mag-asawang muli dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Sinisipat ni Zen ang sarili sa salamin. "Ay, grabe hindi talaga bagay sa 'yo ang lalaki. Sana naging babae ka na lang," bulalas niya. Habang pinupunasan ng wipes ang make up niya sa mukha. Nang malakabas ng banyo ay hinanap niya ang mama niya. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakakasalubong niya. Guwapo si Zen. Sa lakas ng appeal nito, kung naging lalaki ay baka naging kali-kaliwa ang mga babaeng pinaiiyak. Matangkad, maputi, at talagang malaki ang katawan. May abs siyang talo pa ang mga tunay na lalaki na titilian ng maraming babae 'pag nakita. Iyon lamang ay may pusong babae siya. Nasa katauhan ng isang lalaki. "Let's go, mama. Naalibadbaran ako sa mga babae dito. Hindi ba nila alam na pareho kaming lahat ng gusto? Lalaki rin ang gusto ko, kaloka!" inis na yakag niya sa ina. Hindi naman mapigilan ng mama niya ang hindi matawa. Sa reaksiyon niya sa mga babaeng hayagan kung magpakita ng interes. Binabaybay na nila ang daan papunta sa mansyon ng mga Paterno. Ang mga nadadaan nila na bahay ay simple lang na gawa sa kahoy na mga bahay. Makikita mong tahimik ang buhay ng mga mamayanan sa Paterno. Ang maliit na bayan ng Paterno ay kinuha sa apelyido ng mayamang angkan ng abuelo ni Zen. Sila lang ang nagmamay-ari ng napakaraming lupain. Sakahan at ekta-ektaryang farm. May iba din silang negosyo sa Paterno. Factory ng sapatos at mga bags, mula sa balat ng mga hayop. "Kumusta ang daddy mo? Ang madrasta mo? Maganda ba ang trato sa 'yo?" pang-usisang tanong ng mama niya. "Mama, parang may pagkabitter ang tanong mo po. Of course, happy si daddy. Si Tita Myra, ayon problemado pa rin sa 'kin. Pero ganoon lang po siya, mahal ako 'non. Takot lang 'non palayasin siya ni daddy." Napansin ni Zen ang pag-iba nang reaksiyon ng mama niya. Matagal nang hiwalay ang parents niya. Pero alam niyang mahal pa rin nito ang daddy niya. 'Di pa rin ito nakakamove on sa hiwalayan. "Masaya akong masaya si Siegfred kay Myra," mapait itong ngumiti sa kanya. Napakunot ang noo ni Zen. "Ma, labas sa ilong." "Huwag mo na kaming usisain ng daddy mo. Masaya na nga siya, di ba?" Tinakpan na lamang ni Zen ang bibig niya. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa mama niya. "Kunwari pa. Miss mo naman rin si daddy," Pahabol niya. "Minahal ko rin ang daddy mo. Siya nga ang pinakasalan ko. Maiba tayo, ikaw ba ay may boyfriend na?" tanong nito. Nangislap ang mga mata ni Zen. Kinikilig nang marinig ang tungkol sa boyfriend niya. "Yes, mama. At ang guwapo—!" malakas na tili niya. Napatakip ng kanyang tenga ang mama niya. Halos mabingi sa malakas na sigaw ni Zen. "Tumigil ka nga, Sixto. Kapag nasa bahay hindi ka puwedeng ganyan. Alam mong ayaw ng lola mo sa mga bakla. Kaya para hindi lalo sumama ang loob niya at makasama pa sa kanya. E, kalimutan mo muna pansamantala ang boyfriend mo," mahabang litanya ng mama niya. "Hindi ko nga maintindihan diyan ke lola. Bakit galit na galit siya sa mga katulad ko? Hindi ba puwedeng tanggapin na lang niya ako, mama? Ito ako, e. Ganito na ako. Dito ako masaya." Malungkot na inakbayan siya ng ina. Inaalo dahil babagsak na ang mga luha niya sa mata. Hindi matatanggap ng Lola Teresita niya na magiging bakla siya. Iyon ang palaging bukang bibig at babala ng kanyang abuela. Kung magiging isang binabae siya ay kalimutan na niyang isang Paterno siya. "Hayaan mo at kukumbinsihin ko si mama na tanggapin, kung ano ka. Nandito naman si mama. Tanggap ka, maging sino ka man. Sa akin ka nagmula, ako ang naluwal sa 'yo. Mamahalin kita, kahit ano pa ang gender mo. At kung saan ka masaya," naiiyak na usal ng mama niya. Saka siya niyakap ng mahigpit. Masaya si Zen na andiyan palagi ang mama niya. Hindi naman siya galit sa lola niya. Mahal na mahal niya ito. At kung ano ang ayaw nito ay susundin na lamang niya. Sana dumating din ang panahon na tanggap na nito ang pagiging bakla niya. Marami pa silang napag-kuwentuhan na mag-ina. Habang lulan sila ng magarang sasakyan ng mga Paterno. Sa haba ba naman ng taon na nagkahiwalay sila. Kulang na kulang ang oras sa dami ng kanilang gustong pag-usapan. Tatlumpung minuto ang nilakbay nila bago nakarating sa malaking mansyon ng abuela at abuelo ni Zen, sa Mansion De Paterno. Inilinga ni Zen ang mata sa napakahaba at eleganteng entrance ng Mansion De Paterno. Panahon pa ito ng Kastila ipinatayo. Minana mula sa mga magulang ni Don Herardo Paterno. Nagsusumigaw ang karangyaan sa entrada pa lamang ng gate. Tunay ngang ang mga Paterno ang pinakamayaman sa buong bayan ng Paterno. Nanlalamig ang mga kamay ni Zen na hinawakan ang kamay ng ina. Kinakabahan at natatakot siyang makaharap ang kaniyang abuela. Hindi sila malapit nito dahil lumaki siya at nagkaisip sa America. Masyado ring istrikta ang kanyang Lola Dona Teresita Paterno. Kasing-ugali nito ang namayapa nitong asawa— si Don Herardo Paterno. Noong tumawag ang kanyang ina na kailangan siya ng kanyang abuela ay agad siyang nagpa-book ng ticket papuntang Pilipinas. Masyadong makapangyarihan ang kaniyang lola. Kaya hindi niya puwedeng balewalain ang hilimg nitong umuwi sa Pilipinas. "Andito lang ako para sa 'yo, Zen," sinisigurado nito sa kanya na hindi siya nito pababayaan. "Thank you po, mama." Lumabas silang mag-ina ng sasakyan. Nakalinya ang sa tantiya niya ay bente na katulong. Nasa pinakaunahan ang matandang mayordoma. Si Manang Isabelita, katabi ang anak nitong naninilbihan din sa mga Paterno. Nakangiting lumalapit si Manang Sabel, kasunod ang anak nito sa kanilang mag-ina. "Magandang araw, Sir Sixto. Masaya akong nakarating kayo ng ligtas. Ako po si Sabel at anak ko nga po pala, si Iris." Pakilala ni Manang Sabel sa sarili at sa anak nito. Nagyuko ito ng ulo bilang paggalang. "Kumusta po ang biyahe? Tiyak na pagod na pagod ka sa napakahabang oras ng biyahe mo, mula America papunta dito sa Pangasinan." Dire-diretsong dagdag pa ni Manang Sabel. Pekeng ngumiti si Sixto dito. Pansin niya ang parang nagpapa-cute na anak nito. "Magandang umaga po, Sir Sixto. Maligayang pagdating," malambing na bati ni Iris sa kanya. Tinitingnan ni Sixto si Iris mula ulo hanggang paa. Saka pilit na ngumiti dito. "Maraming salamat po sa warm na welcome niyo sa 'kin," malawak ang ngiti na wika niya sa lahat ng mga naroon. Matamis ang mga ngiti ng mag-inang Sabel at Iris. "Ah, Sabel, si mama?" tanong ni Senia sa mayordoma. "Nasa kuwarto niya. Kanina pa kayo hinihintay." "Paki-handa na lang ang mga pagkain. Pupuntahan lang namin si mama sa kuwarto niya," utos niito. Tango ang naging sagot ni Manang Sabel. Panay naman ang tingin ni Iris kay Sixto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook