Damon's PoV Nakita kong pumasok dito si Serene at agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap din ako sa kanya ng pabalik at kumalas din siya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si mama sa akin, kaya nag papasalamat ako sayo Damon." dahil binalik mo 'yong oras kung saan hindi nasaktan si mama at ikaw mismo ang humarap sa gumawa sa kanya niyon. Pag tapos ko kasing maibalik ang oras nakita ko ang may gumawa niyon sa nanay niya at ako na mismo nag bago ng magaganap at iyong lalaking 'yon ang sinaktan ko kaysa ang nanay ni Serene ang masaktan. "Wag ka ng mag alala ayos na 'yong mama mo." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang ulo niya at ngumiti ako sa kanya. "Matulog ka na. Bukas may pasok ka pa." sabi ko sa kanya at tumango naman siya

