Serene's PoV Hinanap ko si Damon at maya maya nakita ko siya doon sa may likuran ng school namin at nakaupo siya sa may tapat ng puno. Nakayuko lamang siya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin at nakita ko ang isang mata niya na lumuluha ng dugo kaya naman napalapit kaagad ako sa kanya at hahawakan ko na sana 'yong pisngi niya ng mag senyas siya. "Don't ever touch me if you see me like this." sabi niya sa akin kaya naman nalungkot ako sa sinabi niya at pumunta ako sa harapan niya at niyakap ko siya. "I told you not to—" "I know, I know." "I just want you to know that we are this close and I can help you in everything." sabi ko sa kanya at naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik at napangi

