Serene's PoV "Salamat sa pag libre sa akin." sabi ko kay Damon at sinimulan ko ng kumain. Siya nangalumbaba at tinitignan ako habang kumakain kaya napahinto ako. "Wag mo nga ako titigan, naiilang ako." sabi ko sa kanya at halatang hindi siya nakinig sa sinabi ko kaya naman kumuha ako ng straw at tinapat sa bibig niya 'yon. "Hihipan ko talaga 'to kapag hindi ka tumigil sa kakatitig sa akin." sabi ko sa kanya at bigla naman siyang natawa at umiwas na siya ng tingin kaya naman pinagpatuloy ko na 'yong pagkain. Pag tapos kong kumain nakatingin parin siya sa ibang gawi. Napatitig ako sa buhok niya na kulay puti. Gusto kong baguhin 'yong kulay pero okay lang kaya sa kanya 'yon? "Gusto mo bang baguhin ko 'yong kulay ng buhok mo?" tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin

