Damon's PoV Nakauwi na kami at napangiti naman ako dahil yakap yakap niya 'yong nakuha ko para sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng bahay niya at napatingin kaagad dito ang nanay niya. "Oh nandito na pala kayo! Tara anak kain ka muna ikaw din ijo kumain ka din!" sabi ng nanay niya at pinaupo kaagad ako sa silya kaya wala naman akong nagawa. "Ma kailangan na ni Damon makauwi." sabi ni Serene. "Ganoon ba?" "Ah hindi po kakain po muna ako dito." sabi ko at napatingin naman sa akin si Serene at parang sinasabi niya na hindi ko kayang kainin 'to kaya naman nag senyas ako na kaya ko. Nag simula na kaming kumain at natikman ko 'yong pagkain na binigay sa akin ni Serene noong batang palang siya. Naalala ko tuloy 'yon, nauna akong matapos kumain at hinintay ko silang matapos kumain

