KISAMENG kulay puti ang nakita ni Charlyn nang marahan niyang iminulat ang mga mata. Kumunot ang noo niya at marahang papikit-pikit, sabay ang paglibot ng tingin sa paligid. Nasa isang katamtamang laki na kwarto siya, malamig doon at puti ang pintura ng paligid. May ilang pamilyar na aparato din siyang nakita, at bigla na lang siyang natigilan at agad napabalikwas ng bangon, nasaan siya? “Aw!” napangiwi si Charlyn nang kumirot ang kaliwa niyang balikat, pati na rin ang likod ng kaliwa niyang palad, pagtingin roon ay nakita niya ang dextrose na nakakabit sa kanya na bahagya pang nadaluyan ng dugo ang hose, nakasuot rin siya ng hospital gown. Bumukas ang nag-iisang pinto ng kwarto niyon at agad doong napatingin si Charlyn. Iniluwa niyon ang isang matandang lalaking naka-reading glasses na

