“YES, BABE. Bukas na lang tayo magkita. May importante kasi akong ginagawa.”
“Ano ba iyan at gaano ka-importante? I thought you would treat me to the nice and fine dining restaurant na matagal ko nang sinasabi sa’yo. They are serving Italian food at excited na akong matikman iyon.”
Lester’s body instantly became hotter when she emphasized the last words. Charina’s voice is aphrodisiac. Nakakapang-init at agarang ginigising niyon ang bawat natutulog na ugat sa kanyang katawan. And if it was not for some important errands ay sasakay uli siya sa kanyang kotse at papaharurutin iyon sa condo na inuupahan nito. Makikipagniig muna siya sa nobya bago pumunta sa fine dining restaurant na sinasabi nito. Ang kaso nga lang ay may sasamahan niya pa si Charl sa manghihilot, which is hindi niya alam kung bakit mas pinagtutuunan niya pa ng oras kaysa kay Charina.
“Italian food? Bakit ‘di ka na lang um-order ng pizza sa pizza hut? Italian food din naman iyo,” natatawa niyang tugon.
“Haha. Funny.”
“Sige na, bukas na lang tayo magkita. Promise na ite-treat kita sa sinasabi mong restaurant.”
“Sige na nga. Basta call me later, ha? Love you.”
“Bye,” sagot niya bago pinindot ang cancel button. Bumuntong-hininga si Lester bago ibinalik ang cellphone sa bulsa. Iniangat niya ang paningin at pasimpleng inilibot ang mata sa paligid. Nakasandal siya sa kotse na nakaparada sa harap ng Lilac Buiding ng Clover Condominium kung saan naroon ang unit ni Charl. Kaya lang ay hindi pa rin bumababa ang lampang iyon. Kaya hayon, marami-rami nang babae ang nagsisimula nang magkumpulan at tumingin sa kanya. Housewives, working girls, estudyante, katulong, yaya, at female utility worker ay nakatingin sa kanya. Ang ilang napapadaan ay napapalingon na siya namang kanyang nginingitian. Iyon nga talaga siguro ang mahirap sa pagiging magandang lalaki, but the advantage of it ay napapadali ang kanyang panliligaw. He had some short affairs with women, had several girlfriends before Charina. At hindi mahirap sa isang tulad niya ang makabingwit ng babae. Pero minsan ay may nakakapa siya sa puso niya na para bang may kulang. Minsan naiisip niya na siguro ay mapupunan lang iyon kapag nagpakasal na siya kay Charina.
Tumingin si Lester sa suot na Rolex wristwatch at napasimangot. Fifteen minutes na siyang naroon sa labas at ang sabi ni Charl ay ready na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa. Pambihira, mababatukan niya talaga ito! Naiinis man ay pinili niyang puntahan ang lalaki sa unit nito na nasa second floor, sinadya niya ring sunod-sunod na kumatok para malaman nitong hindi tama na paghintayin siya.
“Nagmamadali?” iyon agad ang bungad nito sa kanya.
“Ba’t ang tagal mo? ‘di ba ang sabi ko bumaba ka na?” nakasimangot niyang tugon. He scrutinized him from head to toe at naningkit ang mga mata niya. Ang init-init tapos balot na balot nito ang katawan. Nakasuot ng sweat pants at sweat shirt!
“Eh, nagbibihis pa ako.”
“Ang tagal mo namang mag-asikaso. Talo mo pa ang babae.”
“Ikaw kaya ang magkatrangkaso kung makatagal kang magparoon at parito?” Tinaasan siya nito ng kilay. “Isa pa, hindi ko naman sinabing sumama sa ‘kin. Ikaw lang tanong mapilit dyan, umuwi ka na lang kaya?” sabi pa nito bago lumabas. Sinigurado nitong lock ang pinto at sabay na silang naglakad. This guy is really weird! Isip-isip niya.
“Sasamahan kita. Kay lang, ba’t balot na balot ka? Alam mo bang ang advice ng duktor kapag may lagnat ay manipis lang dapat ang isuot. Lalong tataas ang temperature mo niyan,” komento niya. Siya kasi ang iniinitan para dito.
“Sabi lang nila ‘yun,” sagot nito na isinukob pa ang hood, “Mas pinagpapawisan, mas gumagaan ang pakiramdam ko. At doon ako sanay, mas tantya ko kung ano ang ikabubuti ng katawan ko.”
Weirdo. Ang dami pang sinasabi! Nakasakay na sila sa kotse at nang ipihit niya ang ignition ay humingi ito ng pabor kung pwedeng hinaan ang aircon. Pinasya niyang patayin na lang iyon at buksan ng kalahati ang bintana sa tabi niya para may pumasok na hangin. Isa pa, gabi naman at hindi siya iniinitan.
“Saan tayo?” tanong niya. Nagsimula na siyang magmaneho.
“S-sa may Old Balara lang, papasok sa eskinita ‘yung bahay ni Tyang Lumen kaya hindi ka makakapag-park. Iwan ka na lang dito kotse mo, ako na lang ang papasok doon.”
Wait, inuutusan ba siya nito? “Seriously? Taga-rito ka ba sa QC?”
“Oo, bakit?”
“You sound like a bit probinsyano. Naririnig ko lang ang term na ‘hilot’ at ‘Tyang’ doon sa co-teacher ko na taga-Bicol. Pati sa Tita Salve ko. Taga-province ba ang isa sa parents mo?”
“Taga-probinsya iyong madre na nag-alaga kay mama. Tuwing may pilay o may lagnat ang mga bata sa bahay-ampunan kung saan siya nanggaling ay dinadala sila nito kay Tyang Lumen. Kaya kilala ni mama ‘yung manghihilot at doon niya ako madalas dalhin kapag may pilay,” paliwanag ni Charl. Tinakpan nito ang bibig gamit ang dalawang kamay saka sunod-sunod na umubo.
Sa bahay-ampunan lumaki ang ina ni Charl? Na’san kaya ang ama nito at mga kapatid? Hindi niya naman iyon naitanong kay Mia. Tatanungin niya sana si Charl kung saan nakatira ang mga kamag-anak nito kaya lang ay ayaw niya na itong pagkwentuhin sa ngayon. May iba pa namang pagkakataon.
Sunod-sunod muli na umubo si Charl at napailing naman si Lester. This guy is so wimpy! Pero at the same time ay hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng awa. Nang makarating sa hi-way ay biglang bumagal ang daloy ng trapiko at nahinto sila kaya nagawa niyang pagmasdan si Charl. He was slightly facing the window, and his eyes were close. My, he was too small for a typical twenty three year-old Filipino. At hindi siguro siya magsasawang itanong sa sarili kung bakit ito ang gusto ni Mia.
Dumukot ng panyo si Lester sa bulsa nang makitang namumuo ang pawis ni Charl sa noo sa kabila ng nakabukas bintana. He removed his seat-belt to reach him, magaan niyang dinampi ang panyo sa noo nito ngunit napilitan itong imulat ang tila namimigat na mga mata.
“Hey…”
“Ano’ng ginagawa mo?” tinig nito sa namamaos na boses.
“P-pinupunasan lang kita, pnagpapawisan ka na.” Hinawi niya ng mga daliri ang buhok nito na tumatabing sa mga mata.
“Huwag mong hawakan ang wi… ang bangs ko…”
“Wala akong gagawin sa bangs mo, ano ka ba?” patuloy niya sa ginagawa.
Charl groaned. Hindi sinasadyang mapagmasdan niya ang mukha ng lalaki na bumalik sa pagkakapikit. His eyebrows furrowed, and his small face was traced with pain, kawawa naman. Lumandas ang tingin niya sa ilong nitong maliit, pababa sa mapupula nitong mga labi na hugis puso. Napalunok siya ng pagmasdan iyon.
“Ano bang ginagawa mo, bro? Ba’t ka ba nakatitig sa’kin?” untag ni Charl sa halos iritableng bulong.
Bahagya namang nagulat si Lester at napailing sabay itinuloy ang pagpunas dito. Ba’t alam nitong nakatingin siya? “Y-you’re creepy, Charl.”
“Ikaw ang c-creepy. Lumayo ka nga sa’kin, pagselosan ka pa ng kapatid mo.”
Tumikhim si Lester at unti-unti niyang inilayo ang sarili dito. Nagdidiliryo na ata ang lampang ito! In-adjust niya ang upuan at marahang b-nen-d iyon upang makahiga ng maayos si Charl, ikinabit niya rin ang seat belt nitong nakalimutang ikabit bago siya naman ang umayos sa pagkakaupo.
Lester sighs and turns his attention at his front. He felt weird, actually. At nais niyang kastiguhin ang sarili dahil sa totoo lang ay dapat kasama niya si Charina ngayong gabi. Dapat ay matuwa siyang nagkaroon ng trangkaso ang boyfriend ng kapatid niya pero bakit ganoon? Bakit siya binabagabag ng konsensya niya? Gusto niya sanang maging harsh dito, but he told himself not this time. Isa pa, nakita niya sa CCTV sa loob ng Jade Square na tinulungan siya nitong maaakyat ng hagdan papunta sa gym niya kahit ba hirap na hirap ito.
Narinig niyang muli ang pag-ungol ni Charl, at automatic naman siyang lumapit dito.
“Are you okay?” halos pabulong niyang tanong.
“Parang binibiyak ang ulo ko,” ngiwi nito.
“Ideretso kaya kita sa hospital instead doon sa manghihilot?” nag-aalala niyang suhestyon sabay ang hawak sa noo nitong napakainit ngunit malamig na pawis na lumalabas doon. My… ang taas ng temperature nito! “Hubarin mo na nga itong suot mong sweater. Mamaya nyan naliligo ka na sa pawis,” sinimulang niyang ibaba ang zipper ng suot nito, napailing lang siya ng makitang napapailaliman pa iyon ng pagkakapal-kapal na t-shirt!
“Ano’ng ginagawa mo?!” Pigil nito sa kamay niya.
“Huhubaran ka.”
“Hoy—” ,napaubo ito at pilit iminulat ang mga mata at tabig sa kanya. “s****l harassment!”
“Are you out of your mind?! Palagay mo sa’kin, bakla?”
He groaned. “Bro, okay lang ako. Dalhin mo na lang ako sa manghihilot.”
“You look really pale,” pag-aalalang sabi niya. “Alam mo, ayaw ko ng lampang boyfriend ng utol ko. Ikaw nga dapat ang nagpoprotekta sa kanya. Once na gumaling ka, you need to be stronger for her, okay?”
Muli ay dahan-dahang iminulat ni Charl ang mga mata. “Makapag-salita ka naman para akong may terminal illness,” anito sabay ang pagkaltok sa kanya sa noo!
“Gago!” At gumanti rin siya ng kaltok, ngunit ewan ba niya kung bakit siya nakonsensya pagkatapos.
“H-hindi yata bagay sa’yo ang maging mabait,” ubo nito. “Lumayo ka sa’kin. Mahahawaan kita.”
“Thanks for the concern, pero para yatang naaaliw akong pagmasdan ka ng malapitan,” he smirked.
Charl slowly opened his eyes. Bigla siyang natigilan sabay niyon ang kakaibang pagtibok ng puso niya. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon.
“Grabe, naaaliw kang pagmasdan na mamamatay na ako? So… parang maging malaya na si Mia?” may bakas ng biro ang himig nito. Pero hindi niya gusto iyon.
Mabilis na umiling si Lester. “No, Charl. I’m not that harsh,” halos pabulong niyang sabi.
Tipid na ngumiti si Charl at muling pumikit. His hand hesitated to caress his face, pero hinaplos niya iyon.
“Sir! Ano’ng ginagawa nyo? Kanina pa ho umusad ang daloy ng trapiko.”
Agad napabalikwas sa gulat si Lester nang may sumilip na MMDA sa nakabukas na bintana sa driver’s seat. Nakatutok sa kanila ang hawak nitong flash light.
“Naku! Bawal ho ‘yang ginagawa nyo sa gitna ng kalsada,” anang MMDA na tumingin kay Charl. “At lalong bawal ho ‘yan sa mata ng Diyos, pareho kayong lalaki!”
“Ano bang pinagsasabi mo?” iritable siyang bumalik sa upuan, “Mataas po ang lagnat ng kasama ko at dadalhin ko siya sa manghihilot at pinupunasan ko lang siya. At pwede ho ‘wag nyo siyang tutukan ng flash light sa mukha?”
Inilayo ng MMDA ang sarili sa bintana saka kumibit-balikat na animo hindi naniniwala sa mga sinabi niya. “Sabi mo, eh! Abante na!” anitong sumenyas.
Bumuntong-hininga si Lester at saglit na tumingin sa hindi gumagalaw na si Charl bago niya pinaandar ang kotse.