Chapter Seven - Surprise!

3531 Words
DAIG PA ni Charlyn ang pagong sa bagal ng kanyang ikinikilos. Malaki, butas-butas at manipis ang suot niyang white t-shirt at manipis na shorts. Nakapusod ang magulo niyang buhok at may ‘kool fever’ sa noo. Ipit niya rin sa kilikili ang glass thermometer habang hinihintay na maluto ang tinakpang cup noodles doon sa tabing lababo ng kusina. Napaubo siya at napasinghot, nahihilo nananakit din ang buo niyang kalamnan lalo na sa balikat na ginawang punching bag ni Lester pero kailangan niyang kumain upang makainom ng gamot. In-short, nagkatrangkaso lang naman siya at hindi niya alam kung saan siya nakakuha. Sinundan yata siya ng kamalasan simula nang ma-involve ang buhay niya kay Lester. Sayang naman ang nalalabing pagba-bonding niya ngayong araw sa mga katrabaho, ang kaso ay hindi naman siya pwedeng pumasok dahil hindi niya kaya at ayaw niyang magkalat ng virus. Humugot ng malalim na hininga si Charlyn, bago napatingin sa tumunog na cellphone. “Lyn, are you alright? Sorry hindi kita madadalaw dyan kasi may shoot uli kami ngayon para sa Ivory lotion. Nandito lang kami sa La Mesa Eco Park, as usual aabutin kami dito ng hapon or gabi,” si Mia ang nag-text. Taray naman. Sa isip ni Charlyn saka napangiti. Nang nakaraang araw ay sinasama siya nito sa shoot para sa isang sikat na kape pero sinabi niyang may trangkaso siya. Pangatlong TV commercial na ni Mia ang Ivory lotion, sayang lang at hindi siya makakasama para sana makita ang kaibigan sa behind-the-scene na ginagawa nito. Kahit matagal na niyang kaibigan si Mia ay ni minsan ay hindi niya pa ito napuntahan sa shoot at makitang actual na nagtatrabaho. Buti pa ito ay minsan nakikita siyang nagluluto kahit ba bawal ang ‘unauthorized person’ sa loob ng working area ng Claire’s Ristorante. Palibhasa girl crush ni Darren si Mia kaya hinahayaan lang ng una na sumilip-silip ito sa kanilang ginagawa. At minsan ay ginagawa pa itong tagatikim! “Okay lang. Iinom na ako ng gamot, enjoy your shoot and see you soo,” reply niya. Maya maya ay nag-reply ulit si Mia. “By the way, hiningi ni Kuya Lester ang address mo. Going na siya ngayon dyan sa condo mo.” “Ha?!” biglang bulalas ni Charlyn na umalingawngaw sa buong unit niya. “Pupunta ang impakto na ‘yun dito?!” dali-dali niyang tinipa ang pangalan ni Mia sa recent contacts at din-ial ang number nito. Nakatatlong ring ang cellphone nito bago niya narinig ang boses sa kabilang linya. “Hello?” “Hello, Mia. Ano’ng gagawin dito ni Lester?” “Naku, Lyn! Pasensya ka na. Kinulit niya kasi ako kanina at hiningi ang address mo kaya binigay ko.” “Baka naman chop-chop-in na niya ako?!” napaubo siya. “Ay, grabe hindi naman siguro. Sinabi ko kasing may trangkaso ka. Eh, na-guilty yata sa pagsasalbahe kaya dadalawin ka niya.” Napangiwi si Charlyn at nasapo ang noo. Para yatang tumitibok na ang utak niya sa balitang nakaka-stress. Pambihirang magkapatid ito oo, parehong sakit ng ulo! Magsasalita na sana siya at pagsasabihan si Mia na sabihan si Lester na ‘wag nang tumuloy doon, pero parang mauupos na siya. “Sige, Lyn! Balitaan mo na lang ako, okay? Tinatawag na ako ni Direk! Magpagaling ka, ha? Dadalawin kita kapag natapos na ang trabaho ko. Bye!” naputol na ang boses sa kabilang linya. Nadagdagan ang hilong nararamdaman Charlyn kaya naibagsak niya ang cellphone sa counter sabay ang pagpatong niya sa dulo niyon ng dalawang kamay para manatili ang balanse ng katawan. Mariin siyang napapikit. s**t! Ano bang pumasok sa isip ni Mia at ibinigay nito kay Lester ang address niya?! Hindi ba iisip na baka mabuko sila? Pinilit ni Charlyn na huwag mataranta nang mapansing walang magagawa ang paroo’t-parito niya saka pumaroon sa kanyang kwarto at nagbihis ng panlalaki kahit pa ba nag-s-struggle na siya sa pagkabit ng bandage wrap sa dibdib. Napilitan din siyang tanggalin sa pader ng sala ang poster ng actor na sina Richard Gutierrez at Derek Ramsay, at sa kaniyang pagmamadali, nahati ang kaisa-isang rare poster ni Aaron Carter na iningat-ingatan niya simula elementary! “s**t!” napamura siya sa inis. Nais niyang magalit kay Mia, pero wala na yata siyang oras dahil aligagang tiningnan ang buong paligid kung may trace ba ng femininity doon sa condo. So far, wala naman dahil karamihan ng gamit doon ay nakakahon na, at mabuti na lang nanaig ang mommy niya sa debate noon kung ano ang magiging kulay ng pintura ng condo unit nila, pink sa kanya at beige kay mama. Mother’s knows best talaga, mukhang na-predict na nito na may pupunta doong hindi inaasahan at’di kinakailangang bwisita. Ding-dong. Bahagyang napapitlag si Charlyn nang tumunog ang door bell. Kamuntik na siyang madulas nang tinungo iyon. Nang silipin niya ang peephole ay deform na pagmumukha ni Lester ang nakita niya. Inayos niya ang sarili at sinuklay ng daliri ang buhok, saka siya natigilan at muling napamura ng mahina. Paano naman kasi? Hindi siya nakasuot ng wig kaya nagmadali siyang kunin iyon sa kwarto! Slowly but surely niyang ikinabit ang wig at tiningnan ang sarili sa full size mirror. Maayos naman ang disguise niya, lalaki na ulit siya na mukhang nilubog sa mantika dahil sa lagkit ng pawis at ointment na pinaghalo sa kanyang katawan. Magkaganoon pa man ay bahagya yata siyang lumakas ng ‘di sa oras. Ganoon pala kapag may adrenaline rush, bumibilis pala talaga ang kilos kahit ba masakit ang kasukasuhan niya. Kapag nakita niya si Mia ay kukutusan niya talaga ang babaeng iyon. Bumalik na siya sa main door at binuksan iyon. “Ba’t ang tagal mo?” simangot ang bungad sa kanya ni Lester nang pagbuksan ng pinto. “Ahm, galing kasi ako ng banyo,” pagsisinungaling niya sabay ang bahagyang pag-ubo. Matagal at mataman siyang tinitigan ni Lester na naniningkit na mga mata. Napalunok siya. Sana naman ay walang trace ng p********e sa bihis niya ngayon, hindi pa naman siya prepared. “Balita ko, may trangkaso ka raw,” saad ni Lester saka dire-diretsong pumasok. Aba, siga! Hindi man lang lang nagtanong kung pwede bang pumasok! “O-oo, mayroon nga. Teka, ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya. “Ano bang kailangan mo?” Inilibot ni Lester ang paningin sa loob. Si Charlyn naman ay halos hindi makahinga at muling sinuri ang paningin. Baka kasi may naligaw na lipstick doon, o kaya naman ay panties, lagot siya! Pero oo, lagot nga talaga siya dahil naipako ni Lester ang paningin sa poster ng wrestler na si John Cena na naka-semi-nude pa! “Ah!” dali-daling tumakbo si Charlyn sa poster sa sala at tatanggalin na sana iyon. Pero para saan pa? Nakita na nito! At baka lalo pa siyang mahalata kapag tinanggal niya iyon oras-mismo. Nais niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba kasi nakalimutan niya iyong tanggalin?! “Ahm, ano…” hindi na alam ni Charlyn ang mga susunod pang sasabihin. Bahala na, come what may, go with the flow. Wala namang sinabi si Lester, umiling lang ito at pumunta sa dining. Teka, hindi ba ito magtatanong kung bakit ang isang ‘lalaking’ tulad niya ay may poster ng isang sikat na wrestler? Inilapag ni Lester ang dala-dala sa mesa ng dining. Teka, para ba iyon sa kanya? Goodah goto iyon na paborito niya, nakita niya dahil sa transparent na plastic bag. Kung para nga iyon sa kanya ay bahagya siyang na-touch at pilit iwinaksi sa isipan ang poster tutal mukhang wala naman itong pakialam. “Para sa’kin ba ‘yang goto? Ang bait mo naman bro, thank you,” aniyang ngumiti. Muli ay mataman siyang tiningnan ng lalaki. “Ano ka ba? Dinala ko ito dahil ibinilin lang ni Mia. Ayaw ko naman talagang gawin ito, pinilit lang niya ako.” Humarap ito ng maayos. “Hindi ako pumunta dito para makipag-ayos, okay? Don’t get the wrong idea. Ginagawa ko lang ito para makabawi ako sa kung anuman ang pagkukulang ko sa kapatid ko,” pagpapaliwanag pa nito. Napangiwi si Charlyn. Pambihirang lalaki ito, oo! “Ganoon ba? Kung ga’nun, thank you na rin. Iwan mo na lang dyan ‘yang goto. Pwede ka ng umalis i-lock mo na lang ang pinto,” tugon niya dumiretso sa kwarto, nahiga sa kama at tumalukbong. Ang akala niya pa naman ay nakonsensya na ito sa ginawa sa kanya, iyon pala ay nagkamali lang siya. Sa bagay, ano ba namang aasahan niya sa lalaking ito? Ang sama ng pag-uugali, hmp! “Hey! Ganyan ba ang pag-entertain mo sa bisita? Basta mo na lang nilalayasan?” biglang untag ni Lester. Inalis ni Charlyn ang pagkakatalukbong nang maramdamang pumasok ito doon sa kwarto. Sinimangutan niya ito. “Sinabi ko bang bisitahin mo ako? At bakit ka pumapasok sa kwarto ng may kwarto ng walang paalam? Trespassing ka, ah! Umuwi ka na nga!” muli siyang tumalukbong. Maya maya ay narinig niya ang mapaklang pagtawa ni Lester, saka naramdamang umupo ito sa kanyang tabi at walang pakundangang tinapik siya sa pang-upo! “Hoy! Ano ba!” bulalas niya sabay alis ng kumot at tiningnan ito ng masama. “Alam mo, ikaw ang pinakalampang taong nakilala ko. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ikaw ang pinatulan ng kapatid ko.” “Pakialam mo ba eh, 'love is blind' nga ‘di ba? Umuwi ka na at baka imbes na gumaling baka matuluyan na ako.” “Get up. Kainin mo na ‘yung goto bago lumamig,” anitong tumayo at lumabas ng kwarto. Napailing si Charlyn at napakamot sa sentido. Hiling niya na sana ay umalis na ito, pero hindi dahil bumalik ang kumag na dala ang goto! Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard. “Mamaya ko na ‘yan kakainin. May cup noodles sa kusina. Sayang kung ‘di ko kakainin.” “Eat it, paborito mo daw ito sabi Mia.” Abot ito sa kanya. Humalukpkip siya ay umiwas ng tingin. “Ayoko nga! Baka mamaya nilagyan mo ‘yan ng lason.” Umiling si Lester at mahinang tumawa. “Look, I may be a tyrant to you. Pero hindi ako dimonyo, okay? Come on. Eat it,” anitong hawak ang kutsara at isusubo pa sa kanya! Halos magkandaduling-duling si Charlyn nang tumingin sa kutsara. Teka, ano ba ang ine-expect nitong lalaking ito? Ibubuka niya ang bibig at isusubo iyon? Tinabig ni Charlyn ang kutsara dahilan kung bakit natapon ang goto sa kanyang dibdib! “What the—”hindi na naituloy ni Lester ang susunod pang sasabihin. He looked at her with his big, brown eyes na para bang tahimik siyang pinagagalitan. “Tingnan mo ang ginawa mo,” ngiwi ni Charlyn. “At ako pa ang sinisi mo ikaw nga itong nagtapon nyan?” umayos ito sa pagkakaupo sa kama. “Alam mo, para kang matandang inaalagaan ng isang caregiver. Aburido ka ba sa buhay?” Natigilan siya. Bakit nga ba niya tinabig iyon? Ewan niya. “Hindi ako aburido. Sadyang may trangkaso lang ako at wala akong lakas entertain-in ka. At sino ba ang hindi magagalit sa’yo? Pumasok ka rito na akala mo kaibigan kita.” “Tsk!” Umiling-iling si Lester at tumayo. Ang akala na naman niya ay aalis na ito, iyon pala ay may kinuha lang sa bulsa ang panyo, naupong muli sa kama at umisod sa kanya! She was literally speechless when he came closer to her. Kamuntik na kumawala ang puso niya sa sobrang lakas ng t***k nito dahil walang sabi-sabing pinupunasan ni Lester ang goto na tumapon sa kanyang dibdib! Kahit nakasuot pa siya ng bandage ay ramdam pa rin niya ang knuckles nito sa kanyang kalamnan! “There.” Nang matapos ito sa ginagawa ay tiningnan siya nito sa mga mata habang siya naman ay umiwas ng tingin at napahawak sa dibdib. Mainit na nga ang kanyang pisngi ay uminit pa, sana naman ay ang pamumulang nararamdaman niyang sumakop sa kanyang pisngi ay isipin ng lalaking ito na dahil lang iyon sa trangkaso. “Hmp!” dahil walang masabi, nahiga na lang siya at muling tumalukbong. Pilit pinakakalmang ang pusong patuloy sa mabilis na pagtibok. “Dyan mo na lang ‘yan sa bed side table at mamaya ko na kakainin. Umuwi ka na.” “Lalamig na nga ito, ano ka ba?” sikmat nito sabay ang walang habas na paghatak sa kanyang kumot! “Hoy! Ano ba!” “Bumangon ka na dyan kung ayaw mong mabatukan!” “Batukan?!” agad siyang naupo. “Abuser ka talaga!” “Abuser?” natawa ito. “Tingin mo sa’yo, babae?” Dedepensahan niya sana ang sarili, kaso oo nga pala lalaki siya ngayon. Padabog niyang kinuha rito ang goto na bahagya na ngang malamig. Saglit namang lumabas si Lester at pagbalik ay dala na nito ang cup noodles niya ngunit ito ang kumain. “Mia said that you are a chef, bakit cup noodles ang kakainin mo?” maya maya ay tanong nito sabay ang higop ng sabaw, feeling at home. “Kung may lakas lang sana, ‘di magluluto.” “I see…” “Ah… bati na ba kayo ni Mia?” tanong ni Charlyn. Wala kasi siyang ibang maisabi dahil mukhang wala pa itong balak umalis, tinanggal na kasi nito ang suot na sapatos. Isa pa ay nais niya ring malaman kung may progress ba ang ginagawa nila ng kanyang kaibigan. “Bakit kami magbabati? Hindi naman kami nag-away?” Tumingin ito sa kanya at sumubo ng cup noodles at matunog na sinipsip iyon sabay ang paghigop muli. Napangiwi si Charlyn, kawapong lalaki ang ingay kumain. Hindi ba ito naiinitan? “Hindi naman ‘yun magsusumbong sa’kin kung hindi kayo nag-aaway,” saad niya sabay subo ng goto. Humarap ng maayos sa kanya si Lester, salubong nito ang mga kilay. “Oo na nag-aaway kami, and that’s our problem. Bakit? Ano ba ang mga isinusumbong ng batang iyon sa’yo?” “Wala naman siyang sinasabing masama tungkol sa’yo. Nagtatampo lang ang kapatid mo dahil madalas daw kayong hindi nagkakaunawaan.” Sarkastiko at bahagyang natawa si Lester, umiling-iling muli at nagsubo ng noodles. “Alam mo, kayo na lang magkapatid ang mayroon sa isa’t-isa dahil wala na ang mommy nyo. Hindi ba dapat kayo ang nagkakaunawaan?” “Teka, nanenermon ka ba? Hindi ko kailangan ang pangaral mo.” Turo nito sa kanya gamit ang tinidor. Naikuyom niya ang kutsara at nais niya sanang ihagis ang goto sa pagmumukha ng kumag na ito. Ang siga, ah! Kalma! Lalaki ka sa paningin niya! Sabat ng isang bahagi ng kanyang isip. “Hindi ako nananermon! Naaawa lang ako sa kapatid mo, gagi.” “Hindi naman talaga kami mag-kaaway. Pumunta nga ako dito sa’yo para sa kanya kahit labag sa loob ko. Siya kasi itong ubod ng tigas ang ulo! Biruin mo pinatulan ka niya? Hindi man lang pumili ng kasing gwapo at kasing kisig ng kuya niya.” “Ang yabang mo, ah!” otomatikong nadampot niya ang unan sa tabi at ibinato rito. “Ano ba? Matatapon ang kinakain ko!” reklamo nito. “Totoo naman, ah! Pipili na lang siya iyon pang mas payat sa kanya,” sabi pa nito sabay ang muling paghigop ng sabaw. “Hmp!” Inismiran ito ni Charlyn. Sa bagay may punto naman itong si Lester. Si Mia ay definition nga ng perfect girl dahil bukod sa pagkaganda-ganda ng mukha nito ay biniyayaan pa ito ng balingkinitang katawan. Samantala siya ay sadyang petite simula pa noong nagdalaga siya. Pero kahit kailan ay hindi niya iyon naging insecurity. “Charl, bakla ka ba?” Lester asked out of nowhere. Nabitin sa ere ang pagsubo ng Charlyn at agad na tumingin kay Lester. “Ako bakla? Hindi, ah!” Tinigasan niya ang boses. At ano naman ang naisip nito? Tiningnan siya ng mataman ni Lester sa naninigkit na mga mata. “Kung bakla ka at ginagamit mo lang ang kapatid ko para magbalik-loob ay tigilan mo na ‘yan dahil tatamaan ka sa’kin. Ayaw ko ng ginagamit ang kapatid ko. Baka mamaya umiyak pa siya nang dahil sa’yo. Hindi kita mapapatawad,” may bahagyang pagbabanta sa mga huling sinabi nito pero wala siyang pakialam. Ibig sabihin lang ay effective talaga ang pagiging ‘lalaki’ niya. “Hindi nga ako bakla! Ano’ng naisip mo at tinanong mo na naman iyan? Dahil lang ba sa payat ako?” “Kung hindi ka bakla, bakit may poster ka ng lalaki sa sala mo?” Nabilaukan si Charlyn sa sariling laway sabay ang isip ng idadahilan. Binagalan niya ang pagpatong ng goto sa bedside table para magkaroon siya ng mas mahabang oras mag-isip. Maya maya ay umayos siya ng pagkakaupo at pinantay ng bahagya ang wig. “Ano kasi… I-idol ko kasi si John Cena. Kahit hindi mo sabihing payat ako alam ko iyon sa sarili ko kaya siya ang ispirasyon ko. Gusto kong maging katulad niya ang katawan ko. Ma-muscles,” palusot niya. Pambihira., hindi lang siya pretender, isa rin siyang liar! Napansin ni Charlyn na tila ba gustong matawa ni Lester. Maniwala kaya ito sa kanya? “Mukhang imposible ang pangarap mong iyan, suntok sa buwan! Swerte mo nga at pinatulan ka ng kapatid ko.” Pinaningkitan niya ng mga mata ang ngayon ay tatawa-tawa nang lalaki. Aba, nakakainsulto na ang lalaking ito, ah! Ikaw nga dyan, bopols dahil hindi mo napapansin babae ako! Nais niya sanang sabihin. “Ano bang nakakatawa? Alam mo bang itong katawan ko ang insecurity ko? Simula noong… magbinata ako huminto na ang katawan ko sa pag-improve at mahirap iyon tanggapin at saka maraming nambu-bully sa’kin. Tapos dumagdag ka pa!” pagdadrama niya. Sana naman ay umepek para tumigil na ito sa kapipintas sa kanya! “Okay.” Tumangu-tango si Lester, ngunit bakas pa rin sa mga mata nito ay pamimintas at nakataas pa ang sulok ng mga labi. “Ganito na lang. Why don’t we put your dreams into reality? You can do something about it, you know.” “Ha?” “Ang gusto kong sabihin, mag-enroll ka kaya sa gym. Tutal mayroon naman akong gym at ako rin ang magiging instructor mo. Para ma-achieve mo naman iyong katawan mong pinapangarap.” “Seryoso ka ba?” Napanganga siya. “Akala ko ba gusto mong maging katulad ng wrestler na iyon ang katawan mo?” Kunot-noong tanong nito. “Kung puro ka lang pangarap at hindi ka gumagawa ng aksyon ay wala ka na dapat asahan. Walang pangarap ang natutupad kakaisip lang.” “G-gym?” Napakamot siya sa wig na sa loob nangangati. Iniinitan na rin siya, actually. “Oo, gym. Ako mismo ang instructor mo kaya kapag sumunod ka sa mga sasabihin ko ay maaabot mo iyon. Ayaw mo ‘nun? Kapag na-achieve mo na ang katawang iyon ay baka hindi na kita pintasan. Isa pa hangga’t mukha kang toothpick hindi-hindi ako magiging boto sa’yo para sa kapatid ko.” “Maka-toothpick ka naman!” sikmat niya. “Magkano ba professional fee mo?” “Saka na natin ‘yan pag-usapan. Ano, deal?” Lahad nito ng kamay. Tiningnan ni Charlyn ang kamay nito saka ibinalik ang tingin sa mga mata nito. “Baka mamaya niyan lumpuhin mo ako. Huwag na lang.” “Tsk! Ano bang akala mo sa’kin? Ano, deal?” “Sige na nga, mapilit ka!” Kinamayan niya ito ngunit mabilis lang at agad iyong binawi, baka kasi pisilin ng bruho at madurog. Mabuti na iyong pasiguro. “Tingnan mo ‘yan, pati kamay mo ang lambot rin. Daig mo pa ang kamay ni Mia. Nagtatrabaho ka ba talaga?” “Oo naman. Ano ang ikabubuhay ko?” Inisod niya ang sarili sa head board at sumandal doon. “So, bukas pumunta ka sa gym, doon na tayo magkita.” “Bro, baliw ka ba? Tinatrangkaso pa ako. Gusto mo na yata talaga akong mamatay, eh!” “Ay, oo nga pala. ‘Di kapag gumaling ka na after ng trabaho mo, tutal extended na hanggang eleven P.M. ang gym. Open seven times a week.” “Saka na kapag magaling na ako. Magpapahilot rin muna ako bukas,” ngiwi niya sabay ang bahagyang pag-ikot sa kanang brasong sinuntok nito. “Isa pa iyan. Dahil isa kang lalaki, you should endure minor pain. Bakit ‘di ka magpa x-ray instead sa hilot-hilot na ‘yan?” “Hindi naman ganoon kalakas ang suntok mo para magpa-x-ray ako.” Lumabi siya, pero ang totoo ay hindi niya malimutan ang sakit na dulot niyon at gusto niya pa ring isumpa ang kausap. Bumuntong-hininga si Lester at napakamot sa sentido. “Okay, fine. Ano’ng oras ka magpapahilot? “Mga gabi na. Mas effective si Tyang Lumen maghilot tuwing gabi.” “Okay.” Tumayo si Lester. “Susunduin kita bukas ng gabi dito. Sasama ako.” “Ano? ‘wag na!” “Sasama na ‘ko,” tila tinatamad ngunit matigas na sabi nito. “Tutal ako naman ang dahilan ng pagkapilay mo at nakokonsensya ako ng kaunti kaya sasahaman na kita, ha? See you tomorrow.” “Hoy! Teka lang!” tawag niya ngunit hindi na siya nito pinansin. Nakaalis na ito dahil narinig niya ang pagsara ng main door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD