Chapter Six - The Hard-headed Spoiled Brat

1846 Words
A LAS DOS na ng hapon nang makauwi si Lester sa kanilang mansyon. May kaunting hilo pa rin siyang nararamdaman, pero may kailangan siyang asikasuhin sa Don Agripino Del Carmen High School kung saan siya nagtatrabaho bilang sports director ng P.E. club. He was still tired, pero kaya niya pa namang magtrabaho at pupunta siya ng school kahit hapon na. Kahit hindi pa naman pasukan ay madalas siyang nasa eskwelahan para sa summer activities, at kung hindi naman ay pinupuntahan niya ang tatlong branch ng gym na kanyang mina-manage. Sa dami ng kanyang ginagawa ay masyado nang okupado ang isip niya, dagdag pa si Mia na naabutan niya sa sala. “Saan ka pupunta?” he asked his sister in a lazy tone. Mia looked at him for a second, then back to what she was doing. Inilalagay nito ang kung anong mga gamit sa pink duffle bag doon sa center table ng kanilang sala. Nagkalat pa roon ang maleta at ilang malalaking bag. “May shoot kami, hindi mo muna ako makikita dito ng ilang araw. Kaya free na naman pumunta dito si Charina,” patuloy ito sa pag-empake. Lester slowly closed his eyes, then sighed. “Ano na naman ang kinalaman ni Charina dito? ‘wag mo akong simulan, Mia. Wala ako sa mood.” “Where have you been anyway? To your girlfriend at uminom ka na naman?” simangot na tiningnan siya nito, mula ulo hanggang paa. How many times I told you na stop it na, Kuya? Pero kung ayaw mo talaga ay ‘wag mo na akong kausapin, busy akong tao.” Napahimas sa batok si Lester at nagtimpi. Sa totoo lang ay punung-puno na siya kay Mia, hindi niya lang masigawan dahil maghahagulhol na naman ito at siya na naman ang magmumukhang masama. Malamang ay magsumbong na naman ito kay Charl o kung kanino pa, Kaya lang ay minsan wala na itong galang sa kanya. “Bakit ganyan ka na naman? May sinabi ba sa’yo ‘yung boyfriend mo?” aniya. He’s wondering if Charl said something to her, pero ano ang isusumbong nito? Na sinuntok niya? Napakababaw na rason ng isang lalaki kung nagkataon! Tumayo nang tuwid si Mia at humalukipkip. “Bakit? May kailangan bang sabihin? Kuya, baka ikaw ang may kailangang sabihin sa’kin? You asked for Charl’s number, nagkita na ba kayo? What did you do to him? Tinakot mo ba siya?” “Huwag kang oa bata ka. Oo nagkita kami noong isang gabi sa gym sa QC.” “Sana hindi mo siya kinawawa, hindi kita mapapatawad,” nagpatuloy ito sa ginagawa. Humalukipkip si Lester at pinagmasdan ang ginagawa ng kapatid. Ibig sabihin, wala namang sinumbong ang lalaking iyon. But the way Mia talked to him like that ay nais niya ulit itong i-grounded. She was such a hard-headed spoiled brat! “Why are you talking like that to me, anyway? I’m doing my best para magkaayos tayong magkapatid, yet, kinakausap mo ako ng walang galang.” “Alam mo naman kung paano tayo magkakasundong muli. Break up with Charina and find someone better. Kung gusto mo ako pa ang maghahanap ng better woman para sa’yo.” Umiling-iling si Lester. “You know what, Mia? You judge her too much. Kung kikilalanin mo lang siyang mabuti, for sure magkakasundo kayo.” “No way!” she looked at him like he had said something that made her feel disgusted. Sa loob ng anim na buwan, everytime na magkikita sila nito ay lagi silang nagtatalo. Wala na yatang tagpo na maayos silang nag-uusap. “I don’t know what you see to that woman. Mukha namang bruha sa snow white, beautiful, yet devil kaya she’s a no-no for me! Ginamitan ka yata ng love potion kaya ka baliw na baliw sa kanya!” “Stop it! Mia!”agsik niya. “Sumosobra ka na! Akala mo naman may ginawa siyang malaking kasalanan sa’yo! Baka nakakalimutan mo ‘yung ginawa mo sa’kin? You almost had betrayed me if I didn't catch you stealing something from me!” Naikuyom niya ang mga kamao at biglang nanginig ang kanyang mga kalamnan. Compared to Mia’s cold demeanor to him ay wala iyon sa ginawa nito sa kanya. He was not angry at her at all, naghihinanakit lang siya tapos ang tigas pa ng ulo nito. Ayaw na sana niyang ungkatin pa iyon pero nandadamay ito ng taong nananahimik. Saglit na katahimikan ang naghari sa malawak na sala bago lumabi ang kapatid at dinampot ang smartphone sa mesa at nag-dial ng numero. “Hello, Charl? Are you coming with me sa shoot? What? Since when? I see… sige magpahinga ka na, call you later na lang, okay? I love you!” nilakasan nito ang mga huling sinabi saka ibinaba ang smartphone at tumingin sa kanya. “Oh, pa’no? I have to go na.” “I think I have the right to know if where you are going? Isasama mo ba ‘yung lampa mong boyfriend?” simangot niya. Mia rolled her eyes heavenwards. “Sa Global City. May shoot kami doon and hopefully matapos din mamayang gabi. And nope, Charl’s not coming with me. She has— I mean, he has flu.” “Flu?” Kunot-noo niya sabay ang pag-iling-iling at tumawa ng maiksi.”Like I said, lampa yang boyfriend mo. Pakainin mo ng sangkatutak na gulay para naman lumakas.” “Whatever.” Hinatak nito ang maleta at naglakad palayo. “Yaya, tara na malapit na raw sina direk.” “Opo, ma’am,” sagot ng yaya ni Mia na naroon lang pala sa ‘di kalayuan. Noon niya lang ito napansin, kinuha nito ang mga natitirang bag at nagpaalam sa kanya bago sumunod na sa kanyang kapatid. Hindi niya alam na may ibang tao pa lang nakakarinig sa argument nila ni Mia. Ang kapatid niya ay hindi muna nagpigil ng dila, mas pinili pa nitong makipagtalo, nakakahiya tuloy! Mabagal na tinungo ni Lester ang kusina dahil masakit pa rin ang ulo niya. He leaned on the kitchen door frame dahil bahagya siyang nakaramdam ng hilo, bago pinagmasdan ang paligid. The kitchen has the touch of seventy-five percent white, fifteen percent green, and ten percent black painted wall, furniture, and utensils. The design gives a clean, calming, and contemporary feel. Malawak iyon at pumapasok ang ma-preskong hangin mula sa kanilang garden, but despite of it’s beauty, he felt a total emptiness in his heart dahil napakatahimik niyon. Bigla niya tuloy naalala noong mga bata pa sila ni Mia na madalas ay naghahabulan at umiikot sila doon sa kitchen countertop, at sa pag-alala niyon ay hindi niya mapigilang malungkot. Buti pa sila noong mga bata pa ay bilang lang sa daliri kung mag-away, ngayon tuloy kung kailan malaki na ay saka namang madalas magtalo. Bumuntong-hininga si Lester at kumuha ng malamig na tubig sa ref bago naupo sa kitchen counter. “Bakit malungkot ang pamangkin ko?” untag ni Tita Salve na bigla na lang sumulpot sa tabi niya. “Ikaw pala, Tita Salve.” Tumingin siya dito bago uminom ng tubig. Pinalandas niya ang mga mata sa counter ng kitchen para sana maghanap ng alak. At dahil wala siyang nakita ay isa lang ang ibig sabihin niyon, pinagtatapon na naman iyon ng kanyang kapatid. “Narinig ko nagtatalo na naman kayong magkapatid.” “Lagi naman po, ‘di ba? Tungkol na naman kay Charina.” “Ah, ganoon ba?” malumanay na sabi nito bago naupo sa katabing bar stool. Si Tita Salve ang mayordoma at pinsang buo ng kanyang ina. Maliit pa lamang sila ni Mia ay naroon na ito sa kanilang mansyon. She was petite, tall and pale, may ilang puting buhok na rin ito dala ng pagiging sixty seven years old. “Nag-set ako ng dinner para sana sa aming tatlo. Kaya lang ay ayaw niya, hindi raw siya pupunta,” puno ng hinanakit niyang sabi. “I don’t understand that brat, ngayon na nga lang ako nagseryoso sa isang babae, ayaw niya pa? Samantalang wala namang ginagawang masama sa kanya si Charina. Saan ba siya nagagalit? Kapag may isinusumbong si Charina sa’kin na mga pagkakamali niya? Para sa kapakanan niya naman lang iyon.” Tumangu-tango si Tita Salve. “Siguro ay ‘wag mo muna silang pagharapin ngayon, Lester. Huwag mo munang pilitin ang kapatid mo na gustuhin ang kasintahan mo.” “Then, ‘wag nya muna akong pilitin magustuhan ang boyfriend niya!” bulalas niya. “May boyfriend si Mia?” Nanlaki ang mga mata ni Tita Salve, bahagya pa nitong natutop ang bibig. Napatingin si Lester sa kanyang Tita. So hindi pala nasabi ni Mia dito. See? Kahit sa sariling tiyahin na hindi naglilihim ay nagawa nang magtago! If he didn’t caught her red-handed ay hindi niya rin naman pala malalaman. “Yes.” “Well…” umayos ng upo ang matanda, “… na-meet mo na siya?” “The guy? Yes! At ang sarap gawing punching bag,” sabi niya sabay ang lagok ng tubig. “Nakung bata ka! Bakit mo bubugbugin? May ginawa bang katarantaduhan?” Lester thought for a while. Noong makita niya si Charl sa kwarto ni Mia at mag-explain ang dalawa ay hindi agad siya naniwala. Pero kahit madalas silang magtalo ng kapatid niya ay naniniwala siya sa paliwanag nito. And somehow he believes that Charl didn’t do anything wrong to his sister. Minsan nga iniisip niya na bakla ito. “Wala naman, naiinis lang ako.” “Kung walang ginagawang masama, bakit ka maiinis? Vente tres na si Mia. At ito yata ang unang pagkakataon niyang magkaroon ng kasintahan. Sa tingin ko normal lang iyon. Kaya lang, kailan pa? Bakit kaya hindi niya nabanggit sa’kin?” “Kahit na, paghihiwalayin ko pa rin sila,” simangot niyang sabi sabay ang tingin sa unahan. Bumuntong-hininga si Tita Salve. “Eh, ‘di lalo kayo niyang mag-aaway? Ang mabuti pa, Lester, kilalanin mo muna iyong lalaki ng mabuti. At sana ma-meet ko siya para makilatis ko rin. Magaling yata ako sa bagay na iyan!” “So, magaling ka magkilatis, Tita? So you’re in favor of Charina?” “Ay! Sandali maglalaba lang ako,” agad tumayo ang matanda na siyang ikinasalubong ng mga kilay niya. Hinawakan siya nito sa balikat. “Ang maipapayo ko sa’yo, kumalma ka lang. Kilalanin mo ang boyfriend ng kapatid mo bago mo siya husgahan, naiintindihan mo ba? Gumawa ako ng pudding, nasa ref. Kumain ka,” sabi pa nito sabay ang pag-alis. Napailing si Lester at inubos na inumin ang tubig sabay ang malakas na pagbagsak niyon sa countertop. He is a very busy person, bakit niya pagtutuunan ng oras para kilalanin ang lalaking iyon? Does he really need to do that para kay Mia? Anyway, the man was the reason why he was able to make it to the gym last night. Inalalayan siya nito, at sa totoo lang ay kahit ano’ng deny niya sa sarili ay alam niyang may utang siya dito. Pero wala namang utang ang ‘di nababayaran. So, he will pay for it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD