MABAGAL na naglalakad sa ngayon ay tahimik na kahabaan ng Visayas Avenue si Charlyn para mag-abang sa tamang sakayan ng jeep pauwi sa kanyang condo. Marahang iniikot-ikot niya ang kaliwang braso, pero kahit ano ang gawin niyang ‘self remedy’ ay hindi iyon nababawasan. Hindi siya mahilig gumanti pero isinusumpa niya talaga ang Lester na iyon, pasasaan pa’t kakarmahin din ito! Oo, nakakaramdam pa rin siya ng inis kay Lester kahit ba sabihing umiyak na siya kay Darren kanina. Siguro naman ay hindi iyon basta-basta na lang mawawala.
“Tingnan mo baka may iba ka pang makuha!”
“Kuya mayroon ditong susi, kaya lang saan natin ‘to gagamitin?”
Naagaw ang atensyon ni Charlyn sa dalawang nag-uusap. Napatingin siya sa uhanan kung saan may dalawang batang lalaki na tantya niya ay nasa dose at nueve anyos. napansin niya rin na gutay-gutay ang damit ng dalawa. Mukhang street children ang mga ito. At ganoon na lang nalaglag ang panga niya nang mapansin ang ginagawa ng dalawa, kinakapkapan ng ang lalaking nakabulagta sa gilid ng kalsada!
“Hoy! Ano’ng ginagawa nyo?” Turo niya at mabilis na humakbang palapit.
Iniangat ng dalawang bata ang paningin, at ang mas matanda ang tumayo at hinarang siya. “Pakialam mo, bakit sino ka ba?!”
Napanganga si Charlyn sa gulat. Aba! Ang bata bata pa nito ganoon na sumagot? “Bakit ganyan ka sumagot? Ano ang ginawa nyo sa mamang iyan?” Turo niya sa nakadapa sa kalsada. “Sinaktan nyo siya?”
“Ano bang pakialam mo ikaw gusto mo bang masaktan?” Pinanlakihan siya nito ng mga mata.
Bigla na lang uminit ang magkabilang tainga ni Charlyn. Aba! Dadagdag pa ba ito sa problema niya? Alam niyang minsan ay may mga dalang patalim ang tulad nito, pero naunahan siya ng inis kaya nilapitan niya ito sa pamamagitan ng mabilis na hakbang para masindak. Effective naman dahil umatras ito ng tatlong beses bago lumagapak ang pwet sa simento.
“Ano bang kailangan mo?!”
“Ano nga ang ginawa nyo sa kanya? Mga salbahe kayo, ah!”
“Wala kaming ginagawa! Nakita na lang namin nakabulagta na siya!”
“At pinagnankawan nyo pa? ‘asan ba ang mga magulang nyo?”
“Wala! Si papa ayon nagra-rugby. Si mama namang maharot ay sumama na sa kabit nya,” walang pag-aalinlangang sabi ng mas nakababata.
Napatingin dito si Charlyn at nalaglag ang mga panga sa ikalawang pagkakataon. Oo nga at nakatira siya doon sa Metro-Manila at hindi kaila sa kanya ang harshness ng paligid, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na may mga batang-kalye natututong mag-rugby, at palasagot! Humugot siya ng malalim na hininga at nailing, ang ibinigay na pagkain ni Darren ay iniabot niya sa batang panganay na nasa harap niya. Agad naman itong tumayo at hinablot iyon.
“Ano ‘to? Lason?”
“Malinis at masarap ‘yan!” sikmat niya. “Ang mabuti pa, ‘wag nyo nang balakin kunin ang wallet nya. Kilala ko ‘yan. Pulis ‘yan na off-duty at may tracking device ang wallet nyan. Kapag kinuha nyo ‘yan ay mahahanap at mahahanap kayo at dadalhin sa DSWD, sinasabi ko. Kaya kung ako sainyo ay umuwi na lang kayo.”
“Kuya tara na! Tutal may pagkain naman tayo!” Tawag ng nakababata.
Nagdalawang-isip naman ang nakatatanda, ngunit ilang saglit ay kumaripas na rin ng takbo ang mga ito. Nakaramdam si Charlyn ng awa sa dalawa, pero hindi siya pwedeng magwalang-kibo sa kinakapaan nito ng pera. Ibinalin niya ang atensyon sa taong nakadapa sa kalsada, nilapitan niya ito na inuga. Mukhang wala naman itong tama, nakainom lang siguro dahil umalingasaw ang amoy ng alak at nasinghot niya iyon.
“Kuya, gising.” Uga niya rito. Nang hindi man lang umimik ay muli niyang inuga bago ipinihit ito paharap. At ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ito. “Lester?!”
“Uh…” ungol na sagot nito. Dahan-dahang iminulat nito ang mga at tumingin sa kanya.
Agad naman siyang tumalikod at isinuot ang hood sa ulo. “My gosh…” aniyang dahan-dahang ibinalik ang tingin dito. Nakapikit ulit ang damuho. “Sa dinami-dami ng tao, siya na naman? Ano bang nangyari sa lalaking ito ba’t narito sa kalsada?” Marahan niyang sabi sa sarili saka inililibot ang tingin sa paligid. May mangilan-ngilang taong napapatingin at dumaraan pero walang isa man ang lumapit sa kanila, ni ang magtanong man lang kung ano ba ang nangyari. Wala ring humihintong sasakyan. Napatingin si Charlyn sa building sa tapat nila. Jade Square na pala iyon hindi niya namalayan. At naroon din ang gym ni Lester. Malamang ay doon ang punta nito.
Tumayo si Charlyn. Naisip niya na iwan na lang ang lalaking ito dahil ito naman ang responsible sa pinaggagawa nito. Isa pa, bakit niya tutulungang ang taong nanakit sa kanya? Humakbang siya palayo, pero wala pa sa ikaapat hakbang ay nahinto siya. Lasing si Lester ay walang kalaban-laban kung manakawan o may manakit man dito. Isa pa, kapatid ito ni Mia.
“Hay! Nakakainis ka talagang lalaki ka!” Naikuyom niya ang dalawang palad at napapadyak. Paaubridong itinali niya ng mahigpit ang sintas ng hood para hindi iyon matanggal, kamuntik pa nga siyang masakal. Naupo siya sa tabi ni Lester.
“Huh?”
“Ano’ng huh? Tumayo ka na dyan!” Nakasimangot niyang sabi sabay tinulungan itong makaupo kahit pa ba hirap siya. Isinampay niya ang kanang braso nito sa kanyang balikat, at ganoon na lang siya napangiwi nang madagdagan ng pressure ang masakit niyang balikat.
“C-charl?” namamaos na tinig nito.
Hindi siya naimik, bagkus ay inalalayan niya itong makatayo ay makahakbang. Grabe, ang bigat ng katawan ng lalaking ito, parang hindi kayang tulungan ang sarili!
“You again? A-anong ginagawa mo sa’kin? Bitiwan mo ako!” protesta nito sa lasing na boses. Pilit nitong kumakawala, pero halatang walang lakas. Saan ba ‘to nanggaling?
“Huwag ka na ngang mag-inarte? Ni hindi mo nga namalayang mananakawan ka na, eh! Ihahatid lang kita sa gym mo. Doon kahit maglupasay ka walang gagalaw sa’yo.”
“Hindi ko kailangan ng tulong mo, leave me alone!”
Mariing napapikit si Charlyn at numipis ang mga labi. Kung wala siguro siyang konsensya ay itinulak na niya ito, binuhusan ng tubig at pinagsisipa, tutal mukha namang wala itong laban.
Hindi alam ni Charlyn kung ilang minuto o oras na nga siguro silang nag-i-struggle sa pag-akyat ng hagdan. Hinila, tinulak at nag-isip pa siya ng ibang paraan para mas mapabilis ang paghatid niya kay Lester sa gym nito na nasa ikatlong palapag. Sobrang pahirapan dahil hindi talaga nito kaya ang sarili. Isa pa ay mas sumasakit na ang kanyang balikat.
“Bakit kasi walang elevator?” halos kapusin na siya ng hininga at maubusan ng enerhiya, pero sa wakas ay naroon na rin sila sa pinto ng Adonis’ Fitness Center na tila inabot ng kalahating araw.
“Go away!”
“Go away ka dyan? Manahimik ka! Kung kailan nandito na tayo,” iritable niyang sikmat. Hanggang salita lang ang damuho, hindi naman siya kayang paalisin. “Asan ‘yung susi mo dito?”
Hindi na naimik si Lester, bagkus ay nakapikit at bagsak pa rin ang ulo nito habang alalay niya pa. Bumuntong-hininga si Charlyn, saka kinapa sa bulsa nito ang susi. Pero biglang pumihit si Lester paharap sa direskyon ng kanyang kamay, kaya iba tuloy ang nakapa niya na hamak na mas malaki kaysa sa susi! Agad inialis ni Charlyn ang kamay na tila ba napaso, para bang umakyat lahat dugo sa kanyang mukha sabay ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso at paglunok ng tatlong beses.
“W-what are you doing?” Ipinihit ang tingin ni Lester sa kanya at tiningnan ng mapupungay nitong mga mata. She even smelt his warm breath of beer. “S-sira ‘wag kang assuming! Kukunin ko lang ang susi kaya pwede ba ‘wag kang malikot?” kaysa naman kapain lang, ibinaba ni Charlyn ang paningin sa bulsa ng suot nitong pantalon para matumbok ang pakay. Iniwasan niya ng tingin ang kanina ay ‘di niya sinasadyang makapa. The hell…
Sampung susi ang nagkukumpulan sa bulsa ni Lester kaya nahirapan si Charlyn sa paghanap. Pagkatapos ay nabuksan na iyon sa wakas.
“Oh! Pwede na siguro kitang iwan dito, ano?” tanong niya.
Iniangat ni Lester ang paningin sa unahan at may itinuro sa ‘di kalayuan. “I-im going to my room.”
“Room?” Sinundan ng tingin ni Charlyn ay itinuro nito. Sa dulo ng malaking gym ay may isang pinto. Pambihira, magpapahatid pa ba ito roon? Mukhang wala siyang choice, nakakakonsensyang ibitang niya iyon doon sa sahig.
Pagkalipas ng ilang saglit ay nakarating na sila sa kwartong tinutukoy nito. Madilim pagpasok nila ngunit bago niya makapa ang switch ng ilaw ay natatanglawan na iyon ng liwanag mula sa mga gusali sa labas. Studio type ang kwarto, may dalawang single sofa, isang sofa bed at maliit na center table. Mayroon ding dining set na dalawa ang upuan, naroon din ang maliit na kusina, at cr. Ang lugar na iyon ay tamang-tama lang sa dalawang tao kung titira.
“Hay! Ang bigat mo!” at doon sa sofa bed ay marahan sanang ibabagsak ni Charlyn si Lester, pero niyakap siya nito kaya ang siste ay napaibabaw siya dito!
Saglit na hindi makaimik si Charlyn at muling kumalabog ng mabilis ang kanyang puso. Hindi siya sanay na maidikit ang katawan sa isang lalaki, pero heto at nakalapat siya kay Lester. Pinilit niyang maupo at in-adjust ang suot na jacket. Wala siyang suot na bandage! Sana naman ay hindi naramdaman ni Lester ang kanyang dibdib! Tatayo na sana si Charlyn para iwan na roon ang lalaki, pero hinawakan siya nito sa braso.
“Why?”
“H-ha?” napamaang siya.
“Why it had to be someone like you?” Tumingin si Lester sa kanya, tila rin ba may hinanakit sa boses nito.
“Ano bang pinagsasabi mo?”
“Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang umabot dito ang katigasan ng ulo ni Mia. Payag akong magkaroon siya ng asawa, but why it has to be someone like you?”
Bumuntong-hininga si Charlyn. Sinasabi nga nga ba. “Ang mabuti pa matulog ka muna, kailangan ko na ring magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas.” Ihihiga niya sana si Lester kaso nagulat siya sa sumunod na pangyayari. Sinukahan nito ang kanyang damit!
“Ay! Mama Mary!” bulalas ni Charlyn. Not just once, but twice pa itong sumuka! “Lester! May sahig bakit ako ang sinukahan mo?” Pinamulagatan niya ito ng mga mata. Hindi niya tuloy napansin na babae na pala ang kanyang boses!
“A-ang sakit ng ulo ko, p-prang mabibiyak,” ungol nito. At hindi lang iyon, naisubsob na nito ang mukha sa kanyang dibdib.
Naikuyom ni Charlyn ang mga kamay na nakawak sa mga braso nito. Pambihira, kagwapo at makisig ngang lalaki, pero hindi lang masama ang ugali, napakadugyot pa! Napapikit siya at numipis ang mga labi, sabay ang pagkontrol ng hininga pero amoy niya ang acid at alak ng suka nito. “Kadiri ka naman, ayoko na!” Itinulak niya ito sabay ang pagtayo. Pinagmasdan niya ang nakahilatang lalaki na puno ng suka ang mukha at dibdib nito. Humugot siya ng malalim na hininga. Hanggang kailan matatapos ang isipin niya?!
KAHIT HILUNG-HILO na, hindi maalis ang tingin ni Lester sa lalaking nakatalikod at nangingialam sa maliit na cabinet ng kanyang studio-type room doon sa Adonis’ Fitness Center Quezon City branch. Isa sa pinakaayaw niya ay pakialaman ng hindi otorisadong tao ang kanyang mga gamit, at supposedly dapat sigawan niya ito at sabihang pakialamero, ngunit everytime na bubuka ang bibig niya upang magsalita ay siya rin ang pag-urong ng kanyang dila. His head was throbbing like hell!
Charl Cardenaz is his sister’s girlfriend. Ang pinakamamahal at pinakapinoprotektahan niyang kapatid ay may boyfriend na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng kanyang utak. Sinabihan niya si Mia na i-break na si Charl sa lalong madaling panahon, pero pasok sa isa at labas sa kabilang tainga ang ginagawa ng batang iyon. At gaano ba siya ka sure na safe si Mia sa lalaking nagkakalkal sa cabinet niya? Maliit na lalaki lamang si Charl at mukhang may anemia dahil sa putla ang pagkaputi nito, mukha rin itong unano nang minsang magkatabi sila dahil sa tantyado niyang limang talampakan at tatlong puldaga ang taas nito. Seriously, Mia has a thing for this kind of guy? Baka si Mia pa ang kumarga dito pag oras-de-peligro?
Mula sa pagkakahiga sa sofa, pilit na naupo si Lester kahit pa parang may pumitik sa ugat ng kanyang utak ng ilang beses. f**k! Ilang beses na ba niyang sinabi sa sarili na hinay-hinay lang sa pag-take ng alcohol? Hindi niya kasi mapigilan. And it was addicting.
When Charl heard him move, he looked over his shoulder. Humarap ito sa kanya. “Hay! Naku. Tingan mo nga naman, oo. Hindi mo naman pala kayang uminom. Ba’t uminom ka pa?” sermon pa nito na naglakad patungo sa kanya, nakasimangot. “Iyan tuloy, nagkalat ka.”
“S-sino ka ba para sermonan ako?” he said, and then pain pinches his head over and over again. Napangiwi siya, napapikit sabay ang hawak sa ulo. “Ano pang ginagawa mo rito? Gusto mo ulit mabugbog?”
“Ha! Sa lagay mong iyan ang yabang mo pa rin. Sipain kaya kita tingnan ko kung mabugbog mo ako?” sagot nito. “Wala ka na bang pwedeng ilaban sa’kin kundi dahas? Sa totoo lang kayang-kaya kitang i-suffocate ng unan kaya lang masama kasi ang pumatay, eh. Isa pa ayaw kong makulong.”
“Are you f*****g kidding me?” Matalim niya itong tiningnan, trying his best to look more intimidating as possible. The hell! Sumasagot pa ang mokong? Kwelyuhan niya kaya? Pero hindi nga siya makatayo ng maayos. The f**k! Bakit ang tagal na niyang umiinom ay hindi pa rin masanay ang katawan niya? Nagmukha tuloy siyang lampa sa harap ng Charl na ito lalo na’t inalalayan pa siya nitong pumaroon sa gym. And seriously, ang huling naaalala niya ay nasa isang bar siya sa counter, and how in hell he was with this man? “Just try to kick me, at baka ikaw dyan ang lumipad.”
“Ginoo, bawasan mo ang yabang, ha? Isa pa, kay laki mong lalaki tapos hindi mo kayang asikasuhin ang sarili mo pagkatapos mong uminom. Kamuntik ka nang manakawan kanina.”
“Pwede ba? Stop—” aasikan na sana ni Lester si Charl, ngunit bigla nalang umurong ang kanyang dila.
Right before his eyes, Charl was already sitting beside him and was so close. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. And if he sees things right- his face has more feminine features than a typical man. Wait, what’s happening to his vision?
“Okay ka na ba?” malumanay na himig ni Charl nang bahagya itong umisod sa tabi niya. At sa hindi malamang dahilan, bigla na lang siyang natigilan. Charl looks was so innocent. His sincere word reflected her brown and captivating eyes. Bigla na lang iniwasan niya ito ng tingin. s**t! Ano’ng nangyayari sa kanya? “”G-get away from me,” marahan niyang bulong.
“Masakit ba ang ulo mo? Gusto mong bumili ako ng mefenamic?”
“H-hindi na,” kandautal niyang sabi. Holy f**k! Bakit ba siya nag-i-stammer? At bakit nakaramdam siya ng matinding pag-init ng pisngi? At… bakit biglang bumilis ng t***k ang kanyang puso?
“Hay! Naku. Alam kong bad trip ka sa’kin, pero nagkalat ka at kailangan mong punasan.” sabi pa nito sabay punas ng basang towel sa kanyang pisngi na may suka.
“L-lumayo ka sa’kin,” marahan niyang bulong sabay ang iwas ng tingin, but his body was telling him another thing. Kahit lasing siya ay mayroon pa rin siyang lakas, but why he can’t push this man away?
Maya maya ay walang pasabing hinawakan nito ang laylayan ng kanyang t-shirt at iniangat iyon! Holy cow!
“Hey! What are you doing? Are you a gay?” buong lakas niyang pinigilan ang kamay nito. Hinawakan niya ng mariin ang pulso nito at binabalaan ng tingin. Charl was shocked at his reaction, pero napalitan iyon ng pagkasimangot. Pagkatapos ay bigla na lang siya nitong kinaltok sa ulo!
“Ouch! Bakit mo ginawa ‘yun? Wala kang galang sa kuya ng girlfriend mo!”
Charl look disgusted. “Hello, anong ‘gay’ ka dyan? Nakakinis na kayo, ah! Kung hindi tomboy, bakla! Tutlungan lang naman kitang hubarin ang t-shirt mo. Hindi ka ba nandidiri?”
Umiwas na ng tingin si Lester. He help himself to undress, tinulungan din siya ni Charl kaya lang ay napunta ang ilang portion ng suka sa kanyang mukha, and it smells horrible!
“Tinutulungan lang kita dahil hilo ka, at hindi mo kaya ang sarili mo.”
“Hindi kaya nagpapalakas ka sa’kin dahil kapatid ako ni Mia? But you can’t deceive me. Hindi mo ako basta-basta makukumbinsi sa pagpapalakas mong ‘yan.”
Bumuntong-hininga naman si Charl at tumitig sa mga mata niya. “Sabihin na nga nating isa sa rason kung bakit ginagawa ko ito ay dahil kapatid ka ng bestfri- ah… girlfriend ko. Kung ibang tao iyon ay tutulungan ko pa rin. At ano ba naman ang tulungan kita kahit sa maliit lang na bagay? Pero Kung tutuusin ay dapat tinakbuhan na kita, kaya na-guilty ako at hindi kita kayang iwan na nagsu-swimming sa suka mo.”
“Nonsense,” aniyang natawa. “Nagda-drama ka ba?”
“Hindi ako nagda-drama!” bahagyang tinaasan nito ang boses saka mariing pinunasan ng towelete ang gilid ng kanyang mga labi.
“Ouch! What’s that for?” Ngumiwi siya.
“Pinunas ko lang ‘yung ‘cereal’ sa bibig mo,” tudyo nito.
“Disgusting.” Umiwas siya ng tingin
“Pasa ba iyang nasa gilid ng labi mo? Nagkipag-away ka ba?” Kunot-noong tanong nito.
“Nakipag-away man ako, it’s none of your business, okay?”
Napakamot sa batok si Charl.” “Alam mo, tol. Hindi mo naman kailangan magalit sa’kin.” sabi nito na umisod pa sa tabi niya. Dapat ay umisod siya palayo dito, pero hindi niya magawa dahil parang may kakaibang init na dala ang malapitan nitong presence. It was like comfort to him, so warm… “Pwede mo naman akong makausap ng walang asik at inom, higit sa lahat walang boxing.”
“Seriously, ginagawa mo ba ito sa mga lalaking nakainom na kakilala mo? Do you even dress them up when they throw up?
“Actually, ikaw pa lang ang nakita kong sumuka sa harapan ko.” Hinawakan ni Charl ang mukha niya at iniharap dito ng maayos. Wait, bakit kalalaking tao ay hahawakan siya nito ng ga’noon ka intimate? O baka siya lamang ang nag-isip. Pero kalaunan ay hindi niya mawari kung bakit hinayaan nitong hawakan ang mukha niya, saka maya maya ay banayad pinunasan ng basang towelette. Napalunok lamang si Lester sabay ang mas lalo pang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Mas malapit na ang katawan ni Charl sa kanya, and his frame was so small for a man. Nasasamyo niya ang amoy nito na tila Italian dishes pero higit pa roon ay parang naaamoy siyang mas mabango pa. Iyon bang parang natural na amoy na nangagaling mismo sa katawan nito at napakapamilyar sa kanya? Saan niya ba naamoy iyon?
Pinagmasdan ni Lester ang mukha ni Charl. He was so pale, his eyebrows were thick but tame, and his nose was perfectly in shape. Napatingin siya sa mga mata ni Charl na nakapako ang tingin sa mga labi niya na ngayon ay pinupusan muli ang sulok niyon, at doon ay hindi niya napigilan ang kyuryusidad na pati ang mga labi nito ay usyosohin niya. Kay liit niyon at kay pula, lalo pang nadagdagan ang ganda noon dahil bahagya itong nakaawang na tila ba kay sarap—
The f**k! Hindi tama ito!
“C-charl, pakiusap pwedeng umalis ka na?” Inagaw niya ang towelette dito sabay ang pag distansya at iwas ng tingin.
“Ha?”
“Get out of here! I don’t want to see you anymore!”
Saglit na katahimikan ang naghari sa kanila saka niya naramdaman ang pagtayo nito. Ang akala niya ay aalis na si Charl, pero nang pumunta ito ng kusina ay sinita niya ito kung ano ang gagawin doon. Hindi na lamang ito naimik kahit paulit-ulit niyang sinabihan. Hanggang sa lumapit ulit ito sa kanya at inilapag ang isang tasa sa center table ng sofa bed. “May decaf coffee ka sa kusina, ang mabuti pa inumin mo na iyan ng mahimasmasan ka. At ‘wag mo na akong sigawan, dahil aalis na ako,” sabi nito sa malamlam na boses. Tumalikod.
Pilit naming tumayo si Lester at tinuro ito. “Break-up with Mia.”
“Huh?” Humarap si Charl sa kanya at muling humakbang palapit. At ganoon na lamang siya nagulat nang itulak siya nito pahiga ng sofa bed!
“Ouch!”
“Pwede ba? Magpahinga ka na? Hindi ako makikipag-break sa kanya, kaya kung ako sa’yo gawin mo ang lahat para mas mapalapit ulit sa kapatid mo at ‘wag na nga kayong mag-away, naintindihan mo ba?”
“Mag-away?!” kunot-noo niyang tanong. “As far as I know, siya ang nang-aaway sa’kin. Sinasaway ko lang naman siya and it is my responsibility as his big brother, lalo na ang protektahan siya.”
“Mag-usap kayong magkapatid, kasi sa totoo lang wala akong ibang gusto kundi magkasundo na kayo. Pareho kayong sakit sa ulo,” sabi pa nito sabay labas ng pinto.
Nakapako nang matagal ang tingin ni Lester sa pinto. So, pati pala problema nila ni Mia at madalas na pagtalunan ay naisabi na dito. Naupo siya sa sofa ngunit parang ayaw nang makisama ng katawan niya kaya pabagsak na ihiniga na lang doon ang sarili. The day was really tiring, and he needed some rest. Ang akala ba ng Charl na ito ay tapos na siya? No way!