Chapter Four - Aches and Pains

3818 Words
AS LONG as Charlyn could remember, she always loved to cook. Hindi niya matandaan kung ilang taon ang pinakamaagang edad nang nakisawsaw siya tuwing nagluluto ang kanyang mama sa kanilang munting kusina. Hinahayaan naman siya nito at hindi pinagagalitan kahit nakailang tapon na siya ng bigas, nagkalat ng harina, nagpalipad ng kawali o kahit na nakabasag man ng bote ng mantika. Ngunit patuloy pa rin sa paggabay ang kanyang mama at sa bawat pagkakamali ay doon siya natututo, at doon siya nahasa sa pagiging isang magaling na kusinera. Cooking is her best skill, and she has always had a passion for food, at iniidolo niya ang kanyang ina kaya iyon ang nagdala sa kanya sa pangarap na maging isang chef. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang Pasta/Pizza Chef sa isang Italian Restaurant. Claire’s Ristorante is a cozy restaurant in the rust color of bricks wall with mahogany and glass combination of double doors. At the top of the entrance is the establishments’ name with the color orange neon light, and at both sides are bay windows that reflect the relaxing ambiance of the place inside. The restaurant is at the heart of the busy avenue of Visayas, and it has been Charlyn’s working place and third home for two years. At abalang kusina ang kanyang destino kung saan maaamoy ang aroma ng iba’t-ibang spices, harina, pasta, mantika, at usok. Maririnig ang ingay ng cooking ware, kumakalansing na kitchen ware, tunog ng kumukulo, ginigisa at pinipritong recipe, at pati na rin ang boses ng kanyang co-workers na ang iba ay hindi na magkaugaga. “Order up!” “Four order of spaghetti alla puttanesca and seven pizza siciliana all day!” “Naku! Na’san na kaya si Onard kanina pa tapos na ang shift ko!” Gamit ang pasta ladle, hinati-hati ni Charlyn sa anim na pasta bowl ang katatapos niya lang na ihandang Fetuccini Alfredo na nasa malaking saucepan. Ginawa niya ang lahat para bilisan ang kilos, pero mahirap gawin lalo na kung ang nagagamit niya lang ay ang kanang kamay. Nang matapos sa ginagawa ay kinuha niya ang cheese grater para lagyan ng parmesan cheese ang pasta, pero nang nasa ikaapat na siya ng plato ay agad niya iyong nabitawan, kaya ang nangyari ay nalaglag ang grater sa sahig at natapon ang ilang portion ng pasta. “Ay! Bakla ano’ng ginawa mo?” sita sa kanya ng baklang si Darren- ang thirty four year-old head chef at pamangkin ng may-ari ng restaurant na iyon. Paroon at parito ito na lalampas sana sa kanya dahil abala rin sa trabaho, pero saglit munang nahinto. “S-sorry, chef. Hindi ko sinasadya,” ngiwi niya at dinampot ang grater. Lumapit si Darren sa kanya, kamuntik pa siyang matumba dahil bumangga ang malaki nitong tiyan sa kanya, palibhasa mataba ito. “Day, kanina pa kita napapansin na parang may iniinda ka. What’s wrong with you?” Kagat-labing tumingin siya dito. “M-masakit ho ang balikat ko, napilay ata.” “Ha?! Napano ka ba?” Napamulagat nito ang mga mata. “N-nahulog po ako sa hagdan,” pagsisinungaling niya sabay ang pagyuko. “Ha? Ba’t pumasok ka pa?” mula naman sa isang parte ng kusina ay nag-aalalang nilingon siya ng isa ring chef na abala sa paggisa ng kung ano. Umiling-iling na tila hindi alam ang sasabihin. Ipagpapatuloy niya pa sana ang ginagawa ngunit hinawakan ni Darren ang braso niya, “Hay naku naman itong bakla na ito, oo! Sa susunod ‘wag ka nang pumasok kapag may nararamdaman kang hindi maganda! Saan ka bang hagdan nahulog? Sa condo mo?” “Opo, eh.” Ngiwi niya at daing, sabay ang marahang pag-ikot sa kanyang braso. “Oh! My gosh!” Natutop ni Darren ang bibig. “Pambihira ka! Bakit ka pa pumasok? Sigurado ka bang sa balikat ka lang may tama? Hindi ba nabagok ang ulo mo?” “Pauwiin mo na siya, chef!” Sigaw ng isang staff. Darren waved his hand in dismissal. “Go away, go home now!” “Pero-” “Walang pero pero. Uwi!” Pihinit siya nito patalikod ngunit banayad na itinulak. “Kami na ang bahala dito.” “Pero, chef, sino ang karelyebo ko?” “Huwag nang madaldal at ‘wag nang isispin ang relyebo dahil kaya naming maging octopus dito! At ‘wag kang papasok bukas kung masama pa ang pakiramdam mo, okay? Kapag pumasok ka, absent ka!” Babala nito na nagingibabaw ang boses sa maingay at abalang kusina. “Magpatingin ka sa doctor okay? Magpa-CT scan ka kung kinakailangan,” sabi pa nito. Natahimik ang paligid nang makapasok si Charlyn sa workplace locker room. Mabagal siyang naglakad papunta sa kanyang locker para magpalit ng damit. Una niyang tinanggal ang toque, sumunod ang neckerchi at inisa-isa ang itim na butones chef’s jacket ngunit nang aalisin na niya iyon ay napangiwi at ungol siya. Bigla na namang pumintig sa sakit ang kanyang balikat pababa sa dulo ng kanyang daliri. At sa sakit na iyon ay pati buo niyang katawan ay tila ‘di makakilos ng maayos. Pati tuloy trabaho niya ay naaapektuhan, tuloy ay nakatatlong oras lang siya. Pagkatapos magpalit ay dapat uuwi na si Charlyn para maipahinga ang katawan, pero dahil hindi siya sanay umuwi ng maaga ay naisipan muna niyang tumambay sa eskinita sa likuran ng restaurant. Naupo siya sa bricks na hagdan at pinagmasdan ang pusang nagkakalkal ng basura. Nang makakuha iyon ng pagkain at makita siya ay kumaripas na ito ng takbo. Ipinatong niya ang dalawang braso sa tuhod at nayuko, ipipikit na sana niya ang mga mata ngunit nagambala nang may biglang sumulpot sa tabi niya. “Sinasabi ko na nga ba, eh! Nandito ka pa rin!” Naiangat ni Charlyn ang paningin. Si Chef Darren iyon na may hawak na dalawang karton ng pagkain. Tulad ng ibang restaurant ay libre rin ang kanilang snacks pagkatapos ng shift. “Chef Darren, ikaw pala.” Naupo naman ang bakla sa tabi niya. “Hindi po ba may trabaho ka pa? Baka kailangan po kayo doon sa loob.” “Hay naku, bakla! Lagi naman akong kailangan doon!” Hinawi nito ang invisible bangs at tumirik ang mga mata. “Hahayaan ko muna silang magkandaugaga sa loob, tutal minsan lang naman akong lumayas! Oh, heto para sa’yo.” Tumingin ito sa kanya at iniabot ang hawak. “Ay, ‘wag na po, chef. Isa pa hindi ko naman natapos ang shift ko.” “Huwag ka na magdrama sa’yo na ‘to!” anitong kaunti na lang ay isaksak sa baga niya ang pagkain. “Bakla, kung alam mo lang umay na umay na ako sa libreng pagkain! Kaunti na lang talaga baka maging hot air balloon na ako sa laki! Isa pa, purgang-purga na ako sa pagkaing Italiano, Gusto ko naman ng papang Italiano!” Natawa si Charlyn sabiro ng chef. Alam niyang pinapatawa lang siya nito. “Kaya sa’yo na ‘yan. Hindi ko rin lang makakakain dahil ipinagluto ako ni manang Beth ng pinakbet. At iyon lang ang kakakinin ko after shift, minus rice!” Malawak pa na ngiti nito. “Okay po. Salamat.” Two years ago nang magtrabaho siya sa Claire’s Ristorante ay nagtatrabaho na doon si Chef Darren. Unang araw pa lang niya sa trabaho ay ito agad ang nakapalagayan niya ng loob, palibhasa maboka ito at palakaibigan ngunit esktrito pagdating sa kalidad ng pagkain. At hindi kumpleto ang shift nila sa trabaho kapag wala ang pinakamaingay sa kusina. “Uy, bakla. Baka you have problem more than just a body ache?” maya maya ay tanong nito at biglang bumakas sa mukha ang pag-aalala. “Wala naman po, masakit lang ang balikat ko.” Umiling si Charlyn at ipinako ang tingin sa unahan. Kahit pa sabihing close niya si chef Darren ay may mga pagkakataong ayaw niya magsabi ng problema dito. Marami na itong problema, dadagdag pa ba siya? Nag dutchess slant ang mga binti ni Darren at bumuntong-hininga. “Sana iyon lang nga, pero alam mo namang I’m here lang. Hihintayin kitang magkwento to me.” Saglit na natigilan si Charlyn, maya maya ay mariin niyang naipikit ang mga mata at nakagat ang pang-ibabang labi, sabay ang harap sa kaibigan at naipatong ang noo sa balikat nito. Doon na siya humagulhol ng iyak. Sa una ay nabigla si Darren sa kanya pero kalaunan ay niyakap siya nito nito at inalo sa likuran na tila ba nanay na nagpapakalma sa kanyang anak. Hindi niya na kayang pigilan ang sakit- sakit na higit pa sa pisikal na nararamdaman. Masyado ba siyang sensitive kung nasaktan siya sa ginawa ni Lester gayong hindi naman nito alam na isa siyang babae kaya nito nagawang suntukin siya? Pero ano’ng magagawa niya kung emotional siya? Ni wala pang taong nakakasakit sa kanya ng ganoon, ang mama at papa niya nga ay wala siyang natatandaang napalo ng mga ito. Paglakipas ng ilang minuto, dahan-dahang inilayo si Charlyn ang sarili kay Darren. Pinunasan niya ang mga luha gamit ang mga kamay. At ngayon kahit papaano ang nabawasan ng malaking porsyento ang sama-ng-loob. “Pasensya ka na, Chef Darren. Nabasa na tuloy ang damit mo.” Singhot niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Tuloy ay kailangang magpalit ng uniporme ni Darren for hygiene purpose ba dahil babalik pa ito sa kusina. “Naku…” Dumukot ng panyo si Darren sa bulsa at ipinahiram sa kanya, iyon ang ginamit niyang pampahid sa mga natitirang likido sa kanyang mukha. “Wala iyon, alam mo, ikaw ‘yung taong para bang balance lang ang lahat sa buhay. Lahat ng team member narinig ko na ang kanya-kanyang drama sa life. Minsan kaiiyak sumasama ang uhog sa sauce. At ang luha sa sopas kaya minsan maalat daw sabi ni customer!” Muli ay natawa si Charlyn, a genuine laugh, actually, at sa kalagitnaan pa ng drama. Pinapatawa lang siya ni Darren dahil hindi lang nila ito head chef kundi confidant na rin. Package deal kumbaga. “Pero noong makita kita kanina alam kong higit pa sa balikat mo ang iniinda mo. Kung gusto mo lang ikwento sa’kin, handa akong makinig sisumz.” “Makakatakas pa ba ako?” Ngiwi niyang natawa na lang. “Gaya ng sabi ko sa’yo, basta magkwento ka lang kung handa ka na.” Tumangu-tango si Charlyn. Since hindi niya pa kayang sabihin kay Mia ang tungkol sa kuya nito ay kay Chef Darren na lang tutal kaibigan niya naman ito. Kilala naman nito si Mia kaya sinimulan na niyang magkwento, kung paano niya inisip na tulungan si Mia at paano nangyaring sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang lalaki nangyari iyon at sa iba pa, hanggang doon sa sinabi niyang ang totoong dahilan kung bakit masakit ang kanyang balikat. “Talaga? Gravacious naman pala,” hindi makapaniwalang sabi ni Chef Darren, papikit-pikit pa ito at tila ina-absorb pa lahat ng kanyang ikinuwento. Sino ba naman ang hindi magtataka sa pinagagawa nila ni Mia lalo na’t hindi iyon pangkaraniwan? “Pero sa tingin ko, very risky ang ginagawa ninyo, paano na lang kung mabuking kayo?” “Hindi ko nga po alam, eh. Bahala na.” “Alam mo, gusto kong makita ang Lester na iyon. Sabihin nga natin na ang akala niya ay lalaki ka, pero para yatang gusto kong maging lalaki for you even for a mean time? I will send him far away gamit ang bilbil ko!” “Ha?” halos matawa si Charlyn. Darren easily falls for a man, baka magustuhan pa nito si Lester kung magkataon! “Hindi bagay sa’yo ang makipag-trouble, chef! At saka ayos na akong nasabi sa’yo ang problema ko, ‘wag ka nang mag-alala.” “Pero Lyn, ang advice ko lang sa’yo, baka may iba pa namang paraan para matulungan mo si Mia sa problema niya. Iyong paraan na hindi ma masasaktan emotionally at physically,” pag-aalala sabi nito. Tipid na napangiti si Charlyn. Buti pa si Darren hindi siya hinuhusgahan. Ang akala niya ay pagtatawanan siya nito sa kwentong iyon, pero naalala niyang maunawain pala ang kaibigan. One of a kind nga ito at masasabi niyang swerte siya pagdating sa kanyang mga nagiging kaibigan. “Siguro nga, chef. Mag-iisip ako ng ibang paraan,” aniya. Tumango si Darren at ngumiti. “Basta, kung may maitutulong ako, ‘wag kang magdalawang-isip na magsabi sa’kin. Kasi kapag ako may problema tungkol sa mga jowa kong pera at pasta lang ang habol, isa ka naman sa nasasandalan ko, ‘di ba? We are family here at Claire’s Ristobar kaya one for all, all for one!” “Thank you ulit, naibsan na ang dalahin ko.” Ngumiti siya ng tipid. “You are welcome!” Niyakap siya nito. Natawa naman si Charlyn. Ang lambot ni Darren, parang teddy bear. “Oh, sige na bakla! Gorabels na you! Remember magpatingin ka sa doctor just to make sure na walang something wrong sa katawan mo. Hihingan kita ng medical certificate, okay?” “Okay!” NASA sulok ng isang bar si Lester at mag-isang nakaupo sa pang-apatang couch. The light was dim yellow, and a slow song could be heard in the background. Dalawang bucket ng beer ang naroon sa mesa. Usually, he gets some drinks with his friend from the school and gym where he is working, kaya lang kung mang-iinuman sila ay ayaw niyang magdrama sa harap ng mga ito. He tried to call Charina, pero baka natutulog na ito at ayaw niya nang maka-istorbo. Would it be better for him to be alone? Kaya lang ay gusto niya sanang may makausap, at gusto niya nang maibsan ang bigat ng loob na kanyang nararamdaman “I miss you, mom. Why did you go too soon?” puno ng hinanakit na sabi ni Lester. He was looking at his wallet where a wallet-sized picture could be seen- his mom, the thirteen-year-old himself, and the three-year-old giggling Mia. Back in his younger years, life was much more easier. He was wild and free and could do whatever he wanted, pero dumating ang araw sa kanyang buhay na hindi pala perpekto gaya ng kanyang inaakala. Isang araw noong third year high school pa siya ay kasama niya ang dalawa niyang bestfriend at ang nahihintakutang mga kapwa estudyante na nakatingin sa roof top. Even he was far away, he could see the sadness in his classmate’s eyes. The guy was Alex, a loner in their batch at laging biktima ng bullying sa school at isa siya sa mga nambully dito. And right before his eyes, he saw him fall. He witnessed his death, and after that incident, his thinking of life was never the same way again. The incident keeps haunting him up until now. The second and probably the most traumatizing incident that happened in his life ay iyong isang gabi na kakain na sila sa dining area sa kanilang bahay. Nang oras na iyon ay may mabigat na problemang dinadala ang kanyang mama kaya naisipan niyang hatiran na lang ito ng pagkain. But his mom was lying on the floor. Laslas nito ang dalawang pulso at puro dugo na ang kama. His mom was still breathing at that time, pero dead on arrival na nang dalhin at makarating ito sa ospital. He witnessed another suicide. At hindi naging maganda ang epekto nito sa kanya. Simula nang pangyayari na iyon ay hindi na naging masaya ang kanilang bahay. Their home became just a mansion with a deafening environment. At dahil dalawa na lang sila ni Mia ay inakala niya na mas lalong mapapatibay noon ang relasyon nilang magkapatid, but the two of them were constantly fighting. Lumayo ang loob nila sa isa’t isa, at si Mia ang unang gumawa ng dahilan para gawin iyon. Unlike other kids, Lester never asked his mom about his father. Ni hindi niya matandaang naghanap siya ng isang ama, siguro ay nakuntento na siya sa pag-aalaga sa kanya ng kanyang ina, pero ito ang nagsabi na half-Brish and half-Filipino ang kanyang ama na naka-one night stand lang nito. He didn’t care, actually, but ever since his mother was gone, a lot of questions bombarded his thoughts. Kung naroon kaya ang ama niya ay magsu-suicide attempt ba ang mommy nya? Kung sa ibang paraan kaya ito namatay, would he cares? Ganoon pala ang pakiramdam kapag ulila na— no matter how old you are, o kaya kahit kaya mo nang tumayo sarili mong mga paa ay hahanap-hanapin mo pa rin ang gabay ng isang magulang. And he badly needs it as of the moment. Nagsalin ng beer sa baso si Lester at straight na ininom iyon. He was so sad to the point na ayaw niya munang may makausap. Ipagpapatuloy sana niya ang pag-e-emote pero isang sexy na babae ang naupo sa katapat niya. Napatingin siya dito. “Hey, gorgeous! Alone tonight?” Tanong nito sa senswal na boses. The woman was in her early twenties, probably. She was so sexy and beautiful, at nadala rin siya sa nakakaakit nitong ngiti. “I choose to be alone tonight,” muli ay nagsalin siya ng beer. “So…” the woman leaned forward and intentionally showed her big breast. Inipit nito iyon ng dalawang braso. “Okay lang ba na saluhan kita? Promise I will be a good girl… or would I?” Lester’s eyes automatically lingered at her breasts, and his body instantly became hot. f**k! Weakness niya talaga ang mga sexy at magagandang babae. But he must remind himself that he already has a girlfriend. At malapit na niya na itong pakasalan kaya kailangan niyang lumayo sa tukso. He is already matured and must know how to resist temptation, lumagok muna siya ng beer bago nagsalita. “How about you? Any companion?” “Andun sila sa malayo.” Turo nito palampas sa kanyang likuran. Nilingon iyon ni Lester. A group of hot and giggling young girls was looking at them. He smirked and shook his head, ibinalik niya sa babaeng nasa harap ang atensyon. “Okay lang.” “I’m Stella, by the way.” Inilahad nito ang kamay. Lester is a gentleman. Hindi naman siguro magagalit si Charina kapag kinamayan niya ang ibang babae? Iniabot niya ang kamay nito. “Your hands are firm and rough. I’m kinda like it, are you into sports?” “Actually I’m a gym and P.E. instructor. And my name is—” “Sinasabi ko na nga ba! May katagpuan kang ibang lalaki!” out of nowhere, a man suddenly appears. Tinapik nito ang kanilang kamay bago niya masabi ang pangalan kay Stella, and he was dazed for a moment. “Jude! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tumayo si Stella. “Halika, umuwi na tayo!” Hinawakan ng lalaking nagngangalang ‘Jude’ si Stella sa braso at pwersahan hinatak nito, ngunit hindi nagpatinag ang babae na napapangiwi na sa higpit ng pagkakahawak. “Bitiwan mo ako! Hindi ako sasama sa’yo!” Pilit nitong binabawi ang braso ngunit ‘di hamak na mas malakas ang lalaki. “Hey! What are you doing?” Tumayo rin si Lester. And he thinks he has the right to intervene. “Huwag kang makialam ditong hayup ka, ah!” Dinuro siya ng lalaking mababa kumpara sa kanya. Wow! Ang yabang nito, ah? Sampulan niya kaya? Ang ilang tao sa loob ng bar ay napatingin sa kanila. Pati na ang mga babaeng kaibigan ni Stella na biglang nabakas na sa itsura ang matinding pag-aalala. Nagsimula nang tumaas ang tensyon sa paligid. “Ikaw ba ang lalaking kinakalantari nito, ha? Sagot!” “Hindi ko siya kinakalantari. Wala pa nga yatang isang minutong nakaupo siya ng dinatnan mo kami. At isa pa hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae, nasasaktan siya,” pilit niyang pinakalma ang boses. Pinipigilan niya lang ang sarili, pero hindi niya gusto ang angas ng pagmumukha nito at ang paraan ng pagsasalita. “Ikaw babae? Kinukunsinti ka pa rin ng mga haliparot mong barkada?!” Turo ng lalaki kay Stella. “Ikaw namang hayup ka alam mo namang may asawa ka na paulit-ulit ka pa ring nagdadala ng babe sa bahay at sa mismong kwarto pa natin habang wala ako! Ano? Ikaw lang ang may karapatang maging masaya? Sawang-sawa na ako sa’yo!” “Asawa?” Kunot-noong tanong ni Lester. Inilapag niya ang hawak na baso sa mesa. “Oo! May asawa na ito, gago ka! at ako ‘yun!” turo ng lalaki sa sarili. Tumingin si Lester kay Stella. Her eyes were sad and at the same time, showing fear. The hell! Siya ang nag-e-emote doon pero nakaka-witness siya ng drama ng ibang tao. “Alright, you don’t need to hurt her. Wala kaming ginagawang masama. And stop being an asshole! First of all, kaw pala ang dahilan kung bakit nandito siya sa bar.” “Aba’t sira-ulo ka!” walang sabi-sabi, biglang sinuntok ng lalaki si Lester sa kanang pisngi! Lester stepped backward two times. Nagsigawan na ang mga customer na naroon, pati ang mga staff ay napatingin at nahinto sa ginagawa. Not bad for a filthy face like him, huh? Lester smirked and shook his head. Saka wala ring pasabing binigyan niya ito ng malakas na suntok! Bumagsak sa sahig ang lalaki, at muling nagsigawan ang mga nasa paligid. Ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay inibabawan pa ito at hinatak sa kwelyo. “Ano’ng sinabi mo, ha? Ngayon ka lumaban sa’kin. Mas gago at sira-ulo ka!” He shouted right on his face. Nananahimik siya, guguluhin nito?! “Sir! Tama na ho ‘yan,” saway naman ng doorman sa kanya. Kalmado lang itong nagsalita, palibhasa kilala na siya dahil madalas ay naroon siya. Galit na pinagmasdan ni Lester ang lalaking nasa ilalim niya. Halos nawalan pa ito ng malay ngunit masama pa rin ang tingin sa kanya! Without hesitation, he punched him again, with all his might! Sa ikatlong pagkakataon ay nagsigawang muli ang mga nasa paligid nila habang ang mayabang naman ay nawalan na ng malay. Pero kung tama ang naririnig niya ay nagchi-cheer ang mga kaibigan ni Stella. “Sir! Tama na!” Hinawakan na siya ng doorman sa balikat. Tumayo si Lester at tumingin kay Stella. Hindi siya nito inawat, siguro ay punong-puno na rin ito. “Know your worth, miss. Asawa mo siya at patuloy kang ginagago? Then file an annulment. And be careful after this. Ako ang umupak sa kanya kaya lang ang baka ikaw ang gantihan.” “I will be alright,” mabilis na tumango ang babae bago tipid na ngumiti. “Thank you… What is your name again?” “Better without you knowing,” Iyon lang ang nasabi niya bago naglakad patungo ng counter at binayaran ang in-order na drinks na hindi naman naubos. Nawalan tuloy siya ng ganang uminom. f**k life! Kung kailan nag-e-emote na siya saka namang may biglang may eksenang ganoon? Sa bagay, nakatulong din iyon sa kanya para ‘wag nang ipagpatuloy ang pagda-drama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD