Chapter Three - Ang Simula ng Pagpapanggap

2592 Words
THE NEXT day was shopping day for Charlyn and Mia, usually ay sa ladies section sila madalas pumunta sa department store ng SM tuwing mamimili sila ng mga bagong damit. Pero pagkatapos nilang mag-lunch ay dumiretso sila sa Men’s clothing. Bumili si Charlyn ng tatlong small size na cargo pants at ganoon din ng six-pocket pants, pero kahit maliit na iyon sa size ng isang lalaki ay maluwang pa rin sa kanya kaya pina-repair nila iyon. Pumili din siya ng limang small size t-shirt na may iba’t ibang kulay, bukod pa doon bumili pa sila ng mga lalaking kagamitan katulad ng pambatang itim na rubber shoes dahil iyon lamang ang kasya sa paa niyang size six, ng pabangong panlalaki at G-shock na relo at iba pa. And last but not the least, mawawala ba ang wig na panlalaki? Iyong wig na typical hairstyle ng mga Koreanong long hair! “Hindi ba ako mukhang jejemon sa suot ko nito? Feeling ko ang laki ng t-shirt na nabili natin,” ngiwing sabi ni Charlyn. “No! Kamukha mo nga si Lu Han, eh,” ani Mia na ngumiti. She stared at her with admiration. Nakapamot si Charlyn sa batok. She’s wearing white t-shirt with tiger on the center, naka-black cargo pants siya at black rubber shoes. Kahit nakasuot siyang damit panlalaki, hindi siya mapapagkamalang tomboy kundi isang tunay na lalaking may kaunting lamang na estrogen. Pagkatapos nilang mamili at magbihis ay naisipan na niyang kunwaring ihatid si Mia sa bahay nito, ang plano nila ay magpakita kay Lester at magkunwaring galing sila sa panonood ng sine. Kasalukuyan silang nasa labas ng gate ng mansyon nila Mia. “Alisin na natin ‘tong kadena sa wallet, parang ang oa naman!” ani Charlyn na iniabot kay Mia ang tinutukoy. Kinuha naman iyon ni Mia. “Gaya ng sabi ko sa’yo. You’re androgynous. You can do both, Lyn, I mean Charl pala!” bulong ni Mia sa mga huling sinabi ngunit napahalakhak. Pinuno ni Charlyn aka ‘Charl’ ng hangin ang kanyang baga. Para kasi siyang mauubusan ng oxygen dahil sa mahigpit na bandage wrap sa dibdib. Kung hindi lang talaga dahil kay Mia ay hindi niya ito gagawin! Tumikhim si Charlyn. “Okay. Now I’m flattered,” aniyang pinalagom ang boses. Kapwa naman sila nagtawanan ni Mia, at natigil lamang iyon nang may tumikhim sa may front door at pareho silang napatingin doon. “Mia, andito ka na pala,” malamig na sabi ng may-ari ng boses. Si Lester iyo na nakahalukipkip. Infairness, nakasuot na ito ng matinong pambahay, hindi gaya noong nakaraang araw na naka boxer’s shorts lamang. Matamang nakatingin si Lester kay Mia bago ibinalin nito ang malamig na tingin sa kanya. Kinabahan si Charlyn ng kaunti. “Oh, Kuya Lester, ikaw pala.” “Pumasok ka na sa loob. Late ka ng isang oras, that means, you’re grounded for three days,” seryoso nitong himig. “Pero, traffic kasi—” “Sabi ko pumasok ka na sa loob!” asik ni Lester. Napaatras si Mia habang si Charlyn naman ay tuluyan nang kibahahan ng todo. Takte, what will happen next kaya?! “Ahm, M-mia. Ang mabuti pa sundin mo na ang kuya mo. Tatawagan o ite-text nalang kita mamaya kapag nasa condo na ako, okay?” pagkuwa’y sabi niya na lang. Tumingin sa kanya ang kaibigan na may pag-aalala. Bahagya niya itong nilapitan saka bumulong. “I think, gumagana ang plano natin.” “You think so?” lumiwanag ang mukha nito. “Oo kaya sundin mo na siya. Ako na ang bahala rito.” “Hoy, ano’ng pinagbubulungan niyo diyan?!” Lumapit sa kanila ang nakakunot-noong si Lester at pilit silang pinaghiwalay. “Ah, k-i-niss ko lang ang kapatid mo, bro,” mapakla siyang ngumiti at tinapik ang biceps nito. Aba! Ang tigas pala ng muscles nito! Nagawa niya pang isipin. Matamang tinitigan siya ni Lester. “Whether on public or in private, ayokong magki-kiss kayo!” “But, kuya! In cheeks lang naman.” Lumabi si Mia. “Kahit sa kamay lang ‘yan ay hindi pa rin pwede!” bumalin ang tingin nito sa kapatid. “Huwag ka ngang maharot! Babaeng tao ka pa naman, pumasok ka na sa loob! Oh, baka gusto mong maging three weeks ang three days ang pagiging grounded mo?” Tumingin muli si Mia kay Charlyn. Tinanguan niya lamang ang kaibigan at kinindatan bago napangiti na lang si Mia saka pumasok na sa loob. Sinundan nila ni Lester ng tingin si Mia bago ito maglaho sa front door saka bumalik ang tingin sa kanya ng lalaki. “Ahm, bro? Mauna na ako,” pina-masculine niya ang boses, kamuntik pa siyang pumiyok. Tumalikod siya at akmang hahakbang na sana palayo ngunit tinawag siya nito. “Wait,” mariin itong sabi. “Ano ‘yun?” Lingon niya. Lumapit sa kanya ng malapitan si Lester without taking his eyes off her, napalunok siya. Those onyx orbs are so sharp, yet, seductive. Bakit ba sa kabila ng nakakasugat nitong tingin ay gwapong-gwapo pa rin ang kumag na ito? “I want you to break up with my sister,” deretsahan nitong sabi. Napatanga siya. “Ano?” “Ang sabi ko, gusto kong makipag-break ka sa kapatid ko.” Hindi agad nakapagsalita si Charlyn, pero alam niyang dapat nya itong barahin sa utos nito. Pamamaywangan niya sana ito, pero pinili niyang humalukipkip dahil lalaki pala siya. “At bakit ko naman gagawin iyon?” “Alam mo si Mia simula noong mamatay si Mommy naging pasaway na siya. Kung ano-anong mga kalokohan ang pinaggagawa niya at ngayon dinadala ka pa niya rito? Maraming beses na siyang nagsinungaling sa’kin, napupuno na ako.” “So, ano’ng connect noon sa pag-uutos mo sa’king makipag-break sa kanya?” nakipagsukatan pa siya dito ng tingin kahit ba mataas ito sa kanya ng ilang pulgada. Now, he started to get on her nerves, hindi niya tuloy napapansin na nangiging feminine na pala ang boses niya! “Because you’re not good for her! She’s a rebel. At malay ko bang ginalaw mo na ang kapatid ko!” asik nito. Pansin ni Charlyn na nanginging na ang panga nito sa galit. Lumalabas na rin ang mga ugat nito sa leeg. Wow, this man was really mad. Pero hindi siya papatinag, ang yabang pala ng lalaking ito! “Alam mo, big brother, wala akong ginagawang masama sa kapatid mo. Walang nangyari sa’min dahil matino siyang babae.” Kinikilabutan ako sa sisanabi mong lalaki ka! “At iyong sinasabi mong ‘she’s a rebel?’ Sino sa’yo ang nag sabi niyan? Ang syota mo? At iyong minsan nahuli mo na siyang nagsinungaling sa’yo? Bakit ikaw ba ni minsan sa buhay mo hindi ka nagsinungaling?” “What the—” balak sana nitong itaas ang kamaong nakakuyom ngunit biglang nagsalita si Charlyn. “Susuntukin mo ako? Sige ituloy mo!” siya naman ang umasik dito at tinaliman ang tingin. “Dyan ka magaling, por que marunong ka ng martial arts at gym instructor ka basta-basta mo na lang iyan gagamitin gayung ikaw naman ang nauna. Asan ba ang disiplina mo bilang Professional na tao? At ito lamang ang sasabihin ko sa’yo, lagi kong kasama si Mia na lumalabas, ang madalas naming gawin ay pumunta sa Sunny Bright Orphanage, magkwentuhan, mag-cosplay at mamasyal lamang sa amusement park at malls. At sa mga iyon, doon lamang nakakahanap ng kasiyahan si Mia dahil dito sa mansyon niyo, wala na siyang maramdamang self- belongingness simula nang mawala ang mommy niyo!” aniyang mabilis itong tinalikuran at mabilis na humakbang, biglang naging speechless si Lester. Pero bago pa siya tuluyang kumaripas ng lakad ay muli siyang humarap. “And one thing pa, hindi ako makikipag-break sa kapatid mo,” pahabol niya pa bago muling ginawa ang balak na pag-alis. LUMAGOK agad ng dalawang basong tubig si Charyn nang makarating siya sa condo niya sa Quezon City upang pakalmahin ang sarili. Pumunta siya sa kanyang kwarto at pabagsak na naupo sa kama, hinawakan niya ang pusong kumakalabog pa rin. Hindi siya makapaniwalang nakipag-argue siya kay Lester. That man, natakot talaga siya kanina sa lalaki pero nagawa niyang lakasan ang loob para sabihin dito ang dapat niyang sabihin. Kaninang pabalik siya sa condo sakay ng MRT ay nag-text si Mia sa kanya na nakita nito mula sa terrace ang argumento nila ni Lester. Tinawagan niya ang kaibigan kung baka dahil doon ay baka lalong nag-alboroto ang lalaki dahil iniwan niya itong umuusok sa galit kanina, pero sabi ni Mia ay hindi. Bagkus nang hindi daw lumabas si Mia sa kwarto ay hinatidan ito ng dinner ng kapatid. Natauhan yata ang mokong nang pag salitaan niya kanina. Tumayo si Charlyn at icha-charge na sana ang lowbatt niyang smartphone, ngunit napakunot-noo siya nang may mag-text na unregistered number. In-open niya iyon. ‘Charl, I’m sorry about what happened while ago. Nag-aalala lang ako sa kapatid ko at sana naman maintindihan mo. First time niya kasing magkaroon ng boyfriend, hindi niya sinabi sa’kin kaya uminit ang ulo ko. By the way, can we talk? I’ll be at Adonis’ Fitness Center Visayas Avenue Branch, nine p.m. and I hope to see you there. If you don’t show up, you chickened out.’ -Lester. “Lester?!” bulaslas si Charlyn at napailing. “At aba? Ako mag-chicken-out?” napaisip siyang saglit. Ano kaya ang plano ng lalaking ito? Sa kabila ng nangyari ay basta na lang itong magde-desisyon at aasahan siyang magpakita? Pero wala naman siyang choice kundi sulputin ang mokong. EKSAKTO a las nueve ng gabi nang makarating si Charlyn sa kanyang destinasyon. Nakasalubong niya ang ilang tao na lumalabas ng Jade Square. Ten p.m. daw ang sara ng gym at wala siyang clue kung bakit sa ganoong oras siya pinapunta ni Lester. Sana naman ay wala itong gawing kalokohan sa kanya. Namangha si Charlyn pagpasok sa third floor ng Jade Square kung nasaan naroon ang gym. Various expensive-looking equipments were placed neatly and orderly all over the spacious gym that could easily fit a triple of a basketball court in Charlyn’s estimate. Wala na doong mga tao pero may bahagi ng lugar na bukas ang ilang ilaw, inilibot niya ang paningin sa paligid upang mahanap si Lester, at sa sulok nga niyon, mayroong isang boxing ring. Doon niya natagpuan ang pakay, shirtless at tanging boxer shorts at gloves lamang ang suot ng lalaki. Napalunok si Charlyn ng tatlong beses nang makalapit dito. Tama kaya desisiyon niyang pumunta doon? Lester was mercilessly throwing punches in the air like a mad man! Puno ng pawis ang siksik sa masel nitong katawan, gigil na gigil ang mukha. Tumigil llang ito sa pagsuntok ng makita siya. “Andito ka na pala, kanina ka pa?” neutral na tanong ni Lester. Nabawasan ang kaba niya nang umayos ang kunot sa mukha nito. “Ahm, kararating ko lang, bro,” pina-masculine niya ang boses. Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata, which is nakadagdag sa masculinity ng facial feautures nito. Kinuha nito ang boxing pads sa tabi ng ring at walang pasabing itinapon sa kanya! Ugagang sinalo iyon ni Charlyn at kamuntik niya pang mabitiwan. Gusto niyang tarayan ang lalaki, pero babae lang ang gumagawa noon sa ganoong sitwasyon. “Ang ang gagawin ko dito?” pinigilan niyang itaas ang isang kilay. “Akyat ka dito, kanina pa umuwi iyong ka-sparring ko. I don’t have enough exercise today. Gusto ko pa ng maraming round.” “Mag i-sparring tayo?!” pinanlakihan niya ito ng mga mata. Sagit na natigilan si Lester sa kanyang reaksyon bago ito natawa. “What? Naduduwag ka?” “Hindi ah!” sinimangutan niya ito. Papasok sana siya ng normal lang na entrance, pero nang maalala niyang si ‘Charl’ pala siya ngayon ay naisipan niyang gayahin ang entrance ng Professional Wrestler na si John Cena sa loob ng ring tuwing nanonood siya ng WWE. She slid her body to get in the ring, mabuti na lang ay successful siya at diretso siyang tumayo, nagmamalaki. “Fight!” sabi niya pa. Muli namang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lester. He raised his hand with gloves. Dios ko, bawasan niyo ang lakas ng suntok niya. “All you have to do is block,” sabi ni Lester sabay ang pagpawala ng sunod-sunod na suntok! Gulantang sinalo lahat ng hawak na boxing pads ni Charlyn ang rapidong suntok ng lalaki. She stepped three times backwards, sinikap niyang pigilan iyon pero ang hirap gawin! “Saan kayo… nagkakilala…. Ni Mia?” he asked between punches. “S-sa ano- s-sa Sunny Bright. Ay! H-hindi, sa OJT pala. Receptionist siya, R-roomboy ako,” tinatagan niya ang boses. Putris! Napasinghap siya! Biglang tumigil sa pagsuntok si Lester at tinitigan si Charlyn, siya naman ay natigilan ri, Patay! Tinanong din kaya nito si Mia? Hindi nila napag-usapan kung ano ang sasabihin kung magtatanong si Lester ng ganoong mga tanong. “Bakit?” “Wala naman,” sabi nito saka muling nagpatuloy sa pagsuntok. Mukhang hindi nito napansin na nagbago siya ng statement. Ang suntok ni Lester ay biglang naging mas mabilis, higit na mas malakas kaya hindi na kinaya ni Charlyn. Bumaba ang depensa niya, at ganoon nalang siyang napangiwi nang malakas na tumama ang isang kamao nito sa kanyang balikat! She wants to yelp like a woman in pain, pero alang-ala kay Mia ay pinigilan niya iyon kahit sobrang sakit na! Parang naipon iyon sa kanyang lalamunan! “Hey, what’s wrong?” pa-inosenteng tanong ng lalaki. Ngiwi nyang hinarap ito. Pambihira! “Charl, ba’t ang lampa mo? Bakla ka ba?” “A-ano?” bulalas niya.” s**t! ang balikat ko, nadislocate ata! “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Ang lampa mo kasi. I wonder kung ba’t ka pinatulan ng kapatid ko,” anitong natawa. Napanganga si Charlyn sa sinabi nito. Puno nga ng abs ang lalaking ito, pero ubod naman ng yabang! Buong lakas siyang umayos ng tayo, pretending that her left shoulder doesn’t really hurt. “Bro, andaming punching bags dito sa gym mo pero ako yata ang pinagbabalingan mo ng galit. Pinapunta mo ba ako dito para pag-trip-an? At por que ba hindi ako sanay sa suntukan bakla na agad? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako mahilig? At saka, pinapunta mo ako dito para makipag-usap tungkol kay Mia, hindi ba?” Patlang. Hindi alam ni Charlyn kung ilang segundo niyang tinitigan ng masama si Lester. Sa totoo lang, she wants to burst in tears. Pero baka mabuking siya, Masisira ang plano nila. “B-bro, uuwi na ‘ako,” doon ay hindi na maitago ni Charlyn ang kanyang pagpiyok. Sa jeep pa lang, nangingilid na ang kanyang mga luha. Pati ang lalaking Badjao na kahit hindi pa ber months ay nangangaroling ay napahinto nang makitang umiiyak na siya. Binigyan siya nito ng panyo, in return ay binigyan niya ito ng isandaang piso, at nang makarating siya sa kanyang condo ay sa saka pa lang ay humagulhol na siya. Buong buhay niya ay noon lamang siya nasuntok ng isang lalaki. Ang masaklap pa ay kapatid pa ng kanyang bestfriend. Kinukumbinsi niya na hindi naman alam ni Lester na babae siya, pero kahit ano’ng gawin niya ay masama pa rin ang kanyang loob. Hindi na ako makikipagkita sa Lester na iyan, kahit pa kumbinsihin ako ni Mia ayaw ko na! aniya sa isip. Nag-text si Mia sa kanya, tinatanong nito kung kumusta ang araw niya, pero minabuti niyang huwag muna itong i-reply dahil ayaw niya munang may makausap at gusto niya munang walang makausap at mapag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD