TATAWAGAN sana ni Charlyn si Eros para magpasundo ngunit nagbago rin ang kanyang isip. Anytime naman na kailangan niya ang tulong ng kaibigan ay dadating ito, kaya lang ay dis oras na ng gabi, nakakahiya kung aabalahin kaya nagtawag na lang siya ng taxi. Akbay ni Charlyn si Lester, as usual dahil sa paglalasing ay hindi na naman nito kinayang i-handle ang sarili. Nakadalawang pindot siya ng doorbell sa malaking gate ng mansyon nito bago bumukas ang maliit na parte kung saan dumadaan ang tao. “Lester?” Gulat na sabi ng isang matangkad at matandang babae na noon niya lang nakita, pero agad niya itong nakilala. Malamang ay si Tita Salve iyon, ang mayordoma ng mansyon at tiyahin nina Lester at Mia. Naikwento na kasi ito sa kanya ng huli na ito rin at nag-aantabay sa dalawang magkapatid. “N

