“CHEF Charlyn, bakla! May complain daw ang isang customer sa spaghetti bolognese na gawa mo!” “Ha?” Inilapag ni Charlyn ang malaking kaserola sa stove at salubong ang mga kilay na humarap ng maayos kay Chef Darren. “Ano’ng klaseng complain?” “Baka nakulangan ka ng isang pasta, dear! Ang mabuti pa puntahan mo na muna!” Napamaang si Charlyn at nagtakang lumabas ng working area. Sa totoo lang ay masakit ang buong katawan niya dahil sa pag gym noong isang araw, mas masakit pala habang tumatagal pero magkagayon pa man ay maingat pa rin siyang nagluto para hindi na magkamaling muli. Baka nasobrahan niya ng asin? “Manager Dex, sino po ang may reklamo sa luto ko?” Tanong ni Charlyn sa Restaurant Manager. “Ah, siya, Chef Charlyn,” gamit ang palad, itinuro nito ang lalaking nakatalikod at nakau

